[Hevean POV] "Magkano po?" Tanong ko sa babaeng nagbebenta ng bibingka. "Sampung piso isa ining." Sagot naman nito. "Dalawa sakin ha," Biglang sabat ni Zia. Inirapan ko nalamang siya at bumili ng limang pirasong bibingka, bibigyan ko rin si Gabo. Teka nasaan na pala yun? Inabot ko na ang bayad at hinanap ng paningin ko si Gabo. Nandito lang siya kanina, hindi kaya iniwan niya na kami? Imposible naman dahil hindi niya naman magagawang iwan kami ni Zia. "Nakita mo ba si Gabo?" Tanong ko kay Zia, busy itong kumakain ng fishball. "Dwee kwoo allaahmm.. . ." Salita niya habang ngumunguya. Napaka takaw talaga! Ubos na yata pera namin kakabili ng pag kain. Hindi pa nag sisimula ang singing contest ubos na pera ko. "Tara hanapin natin siya." Hinila ko kaagad si Zia at naglibot-libot, na

