At The Second Land: The Land of Kings Third Person Point of View “Kataas taasan,” tawag ni Levin mula sa may bintana noong makita niya ang dalaga na nakaupo sa kanyang bakal na upuan habang nakapangalumbaba sa may lamesa sa harap ng salamin. Agad na napatingin si Emma sa taong tumawag sa kanya at agad na bumungad sa kanyang mga mata si Levin Carlsen. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan saka lumapit ng mabilis sa binata. Sinalubong niya ito ng mainit na yakap. Napapikit si Emma habang nakayakap sa binata. Sa ngayon ay ito ang kanyang pagkukuhanan ng lakas. Napakunot naman ang noo ni Levin sa ginawa ng dalaga. Tila ang tadhana ng dalaga sa kaharian ay hindi naging maganda rito. Upang iparamdam sa dalaga na hindi siy

