AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS THIRD PERSON POINT OF VIEW Sa gabing iyon ay dala dala ni Bayang ang sulat na ipadadala sa kanya ni Emma. Puno ng kaba ag kanyang dibdib sa kung ano ang posibleng mangyari sa kanya sa oras na siya ay mahuli o paghinalaan ng mga taong kanyang nadadaanan. Alam niya kung gaano kadelikado ito. Siguradong putol agad ang kanyang ulo sa oras na makarating ang bagay na ito sa mga nakatataas na posisyon. Habang sa kabilang banda naman ay nakamasid si Emma sa bawat galaw ni Bayang. Nais niyang subukan ang katapatan nito sa kanya. Nais niyang makita ito ng kanyang sariling mga mata. Sa pagdating ni Bayang sa labas ng kaharian ay agad syang nagtungo sa lugar kung saan maaaring magpadala ng kahit anong mensahe sa

