Third Person Point of View
“Paparating na sila, panginoon,” ani ni Den na siyang nagmamasid mula sa malayo. Agad iyang iniulat kay Raciero ang apat na taong naglalakbay sa kahabaan ng daan.
“Ihanda niyo ang inyo mga palaso!” marahanag utos ni Raciero sa mga ito.
Ang mga mandirigmang kasama niya ay hinanda ang kanilang mga palaso gaya ng utos ng kanilang panginoon.
Tahimik naman na marahang naglalakad ang tatlong kabayo sa tahimik na daan. Napahinto si Alexander sa kanyang naramdaman.
“Mahal na prinsipe,” tawag ni Alexander kay Erebus, habang sinususyod ang mga malalaking talahib sa gilid ng daan. Napahinto naman si Erebus. “Tahimik masyado ang daan. Tila may panganib na nag aadya!”
Naghanda sila, at nakiramdam sa paligid. Inihanda naman ni Nabi ang kanyang sarili habang si Meira ay napatigil din. Hindi niya alam ang nangyayari.
“Bakit kayo tumigil?” tanong ni Meira.
“AGAPE!”
Inilagay naman ni Alexander ang kanyang hintuturo sa kanyang ilong senyales na huwag maingay.
Kunot ang noong pinagmamasdan ni Raciero ng kanyang dalawang mata ang dalawang Valeeryan na ngayon ay nakatigil sa kanilang harapan. Tuna yang balita na may mga nabubuhay pa na mga Valeeryan mula sa malayang kalupaan ng mga ibon.
Kitang kita niya ang mga pulang mata nito.
Inasinta ni Kester ang kanyang palaso kay Meira ngunit noong matitigan niya ang ganda ng dalaga ay inilapat niya ang palaso sa halos katabi lang nitong lalaking mandirigma na mag isang sakay ng kabayo.
“Anong klaseng kabayo ang gamit ng babaeng Valeeryan?” namamanghang tanong ni Den habang nakatitig dito. “Kay kinis at kay kinang ng kabayong ito na animo ay nagmula sa isang mahika.”
Nais naman ni Kester na tingalain siya ng kanyang ama. Naisip niya na kung matatamaan niya ang isa sa kanila ay matutuwa ang kanyang ama, at ilalayo na siya sa kanyang dapat na mapangasawa na si Adira.
Binitiwan niya ang palaso. Mabis na tinahak nito ang kinalalagyan ni Alexander. Tumama ito sa balikat ng binata, at nahulog sa kanyang kabayo.
“Alexander!” sigaw ni Meira, at ni Erebus.
Nagulat naman si Raciero sa ginawa ng kanyang anak na sinira ang kanyang plano.
Agad na bumaba si Meira sa kanyang kabayo upang tulungan ang nahulog na kasama.
Dahil sa wala ng ibang magagawa si Raciero ay sinenyasan na niya ang kanyang mga tauhan na bitawan ang kanilang palaso.
“MEIRA HUWAG KANG LUMAPIT!” sigaw ni Alexander habang hawak hawak ang kanyang braso. Agad siyang tumayo upang pagtaguin ito.
“MEIRA HUWAG KANG LUMAYO!” sigaw ni Erebus.
Napatingin silang lahat sa itaas noong daang palaso ang lumipad paitaas patungo sa kanila.
Agad na hinatak pababa ni Nabi si Erebus upang gawing depensa ang kanilang sinasakyan na kabayo.
Habang si Alexander naman ay mabilis na niyakap padapa ang dalaga upang gawing pan depensa ang sariling katawan upang hindi tamaan si Meira ng mga palaso.
“MEIRAAA!!!” sigaw ni Erebus na nais sanang kuhanin ang kapatid paalis doon ngunit mahigpit siyang hawak hawak ni Nabi.
Nakangiti si Raciero habang pinapanood ang mga ito pagka’t alam niyang katapusan na ito ng mga Valeeryan ngunit kung gaano kabilis tahakin ng mga palaso ang kinalalagyan ng apat na tao sa kanilang harapan ay ganoon rin kabilis nawala ang ngiti niya.
Nagulat silang lahat sa nasaksihan. Ang kabayong sinasakyan ng babaeng Valeeryan ay mabilis na nagbago ng anyo. Naging isang halimaw, at gamit ang malaking kamay nito ay dinepensahan ang dalawang nilalang na nakadapa sa sahig na walang iba kundi si Meira Valeeryan, at si Alexander.
Ang mga palaso na dapat ay tatama sa dalawa ay sa kamay ng halimaw tumama. Mas matigas pa ang katawan nito sa isang bato, at bakal kaya naman bumagsak ang kanilang mga palaso sa lupa noong tumama dito.
Malakas na umungol ang halimaw habang nakatingin sa kinalalagyan nila Raciero.
Nahintakutan ang kanyang mga mandirigma.
“Anong klaseng nilalang ito,” ani ni Den habang nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatingin sa halimaw na may mga pulang mata.
Napatingin naman sila Meira kay Haw.
Agad na pinuntahan nila Erebus ang kinalalagyan ni Meira upang tulungan sila.
“Ang iyong balikat,” alalang ani ni Meira kay Alexander.
Binunot naman ni Alexander ng kanyang kamay ang palasong bumaon sa kanyang balikat.
“Ayos lamang ako,” ani ni Alexander, at tinignan ang kanyang sugat.
Ginamit naman ni Nabi ang kanyang balabal upang takpan ang sugat ni Alexander pansamantala.
Napatingin si Erebus sa kanyang harapan, at pinagmasdan si Haw. Ito ang kanyang anyo noong unang makita nila ito.
“Tinambangan tayo,” madiin na ani ni Erebus. “Ngunit salamat sa iyong kaibigan Meira, at nakaligtas tayo.”
“Ama, hindi natin kayang patayin ang halimaw na iyan! Umatras na tayo!” takot na ani ni Kester kay Raciero.
“Manahimik ka! Hindi tayo aalis hanggang hindi natin napapatay ang mga Valeeryan!” matigas na ani ni Raciero, at itinaas ang kanyang mga kamay saka matigas na binaba. “TIRA! ITIRA NIYO MULI ANG INYONG MGA PALASO!”
Mga takot man ay sinunod ng kanyang hukbo ang kanyang utos. Muli nilang pinaulanan ang kinalalagyan ng mga Valeeryan ngunit hindi nila natamaan ang mga ito pagka’t nakaharang si Haw.
Muling umangil si Haw sa mga ito, at gamit ang kamay ay may nabuo siyang malaking tipak ng yelo na sampo ang laki sa isang tao. Mabilis niyang binalibag ito sa kinalalagyan ng mga kawal.
Tinamaan ang ibang hukbo ni Raciero, at sa bigat ng nyebe ang mga ito ay namatay.
Kunot ang noon a binunot ni Raciero ang kanyang espada. Hindi siya papayag na mabuhay pa ang mga Valeeryan na ito. Gagawin niya ang lahat mapatay lamang ang dalawang Valeeryan. Alam niyang kailangan niyang malapitan ang mga ito upang mapatay ng sarili niyang espada.
“SUGOD!!!!” sigaw ni Raciero! Kasama ang mga kawal ay sumugod sila pabante sa mga ito.
“AMA!” tawag ni Kester na naiwan sa kanyang kinatatayuan dahil ayaw niyang sumugod. Natatakot siya sa halimaw na nasa kanilang harapan.
Libo libong mga mandirigma ng mga La Casa ang nagsisugod. Inilabas nila Alexander, at Erebus ang kanilang mga espada upang makipaglaban pagka’t naabot ng mga ito ang kanilang kinalalagyan.
Habang si Haw ay malakas na binabalya ang mga grupo grupong mga mandirigma na sumusugod sa kanya. Iniitsa niya ang mga tipak nito sa malalayo.
Napatingin si Raciero sa kanyang paligid. Nakita niya si Erebus. Sa klase kung paano makipagdigma ito ay alam niyang magaling itong humawak ng sandata. Kadikit din nito ang babaeng tumutulong makipaglaban sa kanya.
Ibinaling niya sa kabilang direksyon ang kanyang tingin. Napangiti siya ng makita niya si Meira na nakatayo lamang sa isang posisyon. Kita niya ang takot nito sa mga mata habang animo ay mangmang na nakatayo sa gitna ng digmaan.
Madali niya lamang iyon mapapatay.
Agad niyang tinahak ang kinalalagyan ni Meira ngunit humarang sa kanyang harapan si Alexander habang nakikipaglaban ito sa mga mandirigma.
“Panginoong Raciero,” tawag ni Alexander noong makaharap ang panginoon ng ikalimang kalupaan.
Nanlaki naman ang mga mata ni Raciero noong makita ng harapan ang mukha ng binata. Kilala niya ang lalaking ito. Kasama itong nakipagdigma dati.
“Papaanong buhay ka pa?!” hindi makapaniwalang tanong ni Raciero. “Ikaw ang nagtakas sa mga Valeeryan na ito?!”
“Hindi ko obligasyon ang sagutin ang isang traydor na tulad mo!” madiin na ani ni Alexander. Galit na galit siya dito pagka’t pinatay nito ang kanyang binabantayan na kataas taasan. “Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo! Oras na para pagbayaran mo ang iyong mga kasalanan!”
“Sisisguraduhin kong mamamatay ka na rito, kabalyero!” ani ni Raciero. “Wala kayong laban sa dami ng bilang namin! Dito na dito rin ay ililibing ko sa ilalim ng lupa ang inyong mga bangkay.”
“Tignan natin kung sino ang malilibing sa lupa,” ani ni Alexander, at sinugod si Raciero.
Sinubukan ni Raciero na lamangan si Alexander ngunit mas magaling ito sa kanya. Ang bawat galaw nito ay malinis.
Napaatras si Raciero sa lakas ng bawat hampas ni Alexander na tumatama sa kanyang espada. Ang bawat hampas nito ay kabigat na akala mo ay may iba pa itong dala dala bukod sa talim nito.
Sa huling hampas ni Alexander sa kanyang espada ay dumulas na ito sa kanyag kamay, at napaitsa sa malayo.
Napatingin si Raciero sa kanyang espada.
“Katapusan mo na!” sigaw ni Alexander, at itinaas ang espada upang patayin si Raciero La Casa ngunit tumpok na mga mandirigma ang agad na sumugod sa kanya.
Napahiga si Alexander sa kanyang kinasaldakan.
Kinuyog siya ng mga ito.
Agad naman na kinuha ni Raciero ang kanyang espada saka hinanap ng mata ang babaeng Valeeryan.
Palingon lingon ito habang takot na takot.
Tinahak niya ang daan patungo dito.
Napatingin si Meira kay Raciero. Nakita niya ang mga kahel na mata nitong nakatingin sa kanya.
Napaatras si Meira noong makita niya ang hawak na espada nito.
Alam niya na ang susunod na gagawin ng lalaki. Nais siya nitong patayin.
Napangiti si Raciero. Sa huli ay sa kanya pa rin ang huling halakhak. Ang isang Valeeryan ay muling mamamatay gamit ang kanyang mga kamay.
Sisiguraduhin niya na isasabit niya ang ulo nito sa kanyang kastilsyo tanda ng kanyang katanyagan.
Tumakbo si Raciero patungo kay Meira.
Naiiyak na nanlaki ang mga mata ni Meira habang nakatingin dito. Sa takot ay hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Nanginginig ang kanyang tuhod.
Itinaas ni Raciero ang kanyang espada na handang patayin si Meira ngunit noong malapit na siya sa dalaga ay sumalubong sa kanya ang ulo ni Haw.
Ang kamay nito na nakalabas ang mga kuko ay agad na sumalubong din sa kanyang leeg. Sa isang iglap ay naputol ang ulo ng lalaki. Gumulong ang ulo sa harapan ni Meira.
Pumusitsit mula sa leeg ni Raciero ang dugo saka dahan ahan itong napaluhod sa harap ng dalag bago tuluyang bumagsak sa lupa.
Nagkalat ang dugo nito.
Nanlaki ang mga mata ni Kester habang nakatingin sa nangyayaring labanan. Kitang kita niya ang nangyari sa kanyang ama.
Napaatras siya sa kanyang kinalalagyan. Ilang hakbang ang kanyang ginawa. Dali dali siyang tumakbo paalis sa lugar na iyon upang iligtas ang kanyang sarili.
“PANGINOON!!!” sigaw ni Den habang sindak na sindak sa kanyang mga nakita. “ATRAS!!! ATRAS!!!”
Narinig iyon ng mga natitirang mandirigma. Agad silang nagsitakbuhan palayo roon. Higit sa kalahati sa kanila ang naiwang mga mandirigma. Ang lahat ng mandirigma ay patay, at nakahiga sa lupa.
Napakuyom ng kamay si Den nais niya man ay hindi na niya kayang makuha pa ang bangkay ng kanyang panginoon. Umalis na rin siya roon.
Muling lumiit si Haw, at lumapit kay Meira na napaupo sa takot.
“AGAPE!!”
Napatingin si Erebus sa bangkay ni Raciero.
Nilapitan naman ito ni Alexander.
“Ang panginoon ng ika limang lupain ay patay na.” ani ni Alexander kay Erebus.
“Ibalot mo ang kanyang ulo, Alexander,” ani ni Erebus. “Dadalhin natin pabalik ng ating kalupaan.”