AT THE LAST LAND: THE LAND OF GODS
THE ABANDONED KINGDOM
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Sinalubong ni Sagada sila Erebus na kararating lamang sa kalupaan nila. Napatingin siya sa babaeng sakay ni Erebus sa kanyang likuran na kabayo. Kilala niya ang babaeng iyon. Si Nabi. Ang akala niya ay tumiwalag na ang dalaga sa hukbo ng kanyang mapapangasawa ngunit mukhang nagbalik loob ito. Iniisip niya sa kung ano ang dahilan kung bakit sumama ito sa kanila.
Dala dala naman ni Alexander ang nakabalot na ulo ni Raciero sa isang tela. Habang si Meira ay tanan ng kanyang kabayo na si Haw. Nag anyong kabayo muli ito upang masakyan siya ng mahal niyang amo.
“Batid kong may kakaiba sa inyo,” ani ni Shabiri habang nakatingin sa kanila ang kanyang mga puraw na mata. “May nangyari ba sa inyong paglalakbay?”
“Tinambangan kami ng mga mandirigma ng mga La Casa,” ani ni Erebus sa kanila.
Nagulat naman sila Augustus, at si Borloc sa kanyang ibinalita.
“Panginoon! Pasasalamat na nakauwi kayo rito ng ligtas! Ito ang sinasabi ko sa inyo kanina pa. Hindi ka maaaring mag – isa. Dapat ay lagi mo kaming kasama upang maprotektahan ka,” ani ni Borloc sa prinsipe.
“Anong nangyari sa inyong laban? Paano kayo nakaligtas sa kanila, panginoon?” tanong ni Augustus habang nakatingin sa telang hawak hawak ni Alexander. May bahid ito ng dugo. “Mukhang may dala kayong magandang regalo sa inyong mga kaaway.”
“Dahil sa halimaw na alaga ni Meira,” ani ni Erebus. “Hindi kayo maniniwala ngunit ito ang nagsalba sa aming buhay. Halos nilipol niya ang libo libong kawal ni Raciero La Casa.”
“Ang halimaw mula sa kanlurang bundok?” tanong ni Augustus. “Mahirap paniwalaan ngunit naniniwala ako. Alam ko ang kakayahan ng halimaw na iyan. Siya ang may gawa nito sa aking mata. Muntik na niya akong mapatay. Hindi ko lamang alam kung paanong kaya nitong paliitin ang kanyang sarili gayong isa siyang dambuhalang halimaw.”
“AGAPE!!” sigaw ni Haw habang kunot ang mga noong nakatingin sa nagsasalitang lalaki. Natatandaan niya ang lalaking si Augustus. Kinalaban niya ito dati sa kanyan kinalalagyan.
“Marami talagang mga hindi maipaliwanag na bagay sa ating mundo,” ani ni Shabiri sa mga ito. “Madilim na, prinsipe Erebus. Ano ang mga susunod mong hakbang? Siguradong gutom na ang iyong mga tao.”
Bahagyang sumaya ang puso ni Erebus sa sinabi ni Shabiri. Isa na talaga siyang ganap na prinsipe na may mga nasasakupang mga tao. Nais niya pa ring palaguin ang mga ito kahit ilang libo na ang kanilang bilang.
“Hindi muna tayo makakapasok ng kaharian,” ani ni Erebus. “Kailangan na masigurado natin na ligtas pa ang nakatayong kaharian na sa haba ng panahon ay hindi nagamit. Borloc, Augutus. Humanap kayo sa inyong mga nasasakupan ng maaring tumingin ng mga haligi.
“Ngunit bago iyon ay maaaring magtayo na muna tayo ng mga tolda na masisilungan ng lahat para sa gabing ito. Maghanda na muna tayo ng ating makakain ngayong gabi.”
“Masusunod, panginoon,” ani ni Augustus, at ni Borloc.
Nilapitan ni Shabiri si Meira na nakatayo lamang.
“Mahal na prinsesa,” tawag ni Shabiri rito. “Hindi ba kayo nasaktan?”
Napatingin naman si Meira sa kanya.
“Hindi, babaylan,” sagot ng dalaga. “Ipinagtanggol ako ni Haw. Hindi man lamang ako nagasgasan.”
“Ingatan mo ang iyong sarili, mahal na prinsesa,” ani ni Shabiri. “Sa nakatakdang panahon ay kakailanganin ka ng lahat. Hindi mo dapat sila biguin.”
Napakunot naman ang noo ni Meira sa sinabi ni Shabiri sa kanya.
“Ano ang ibig mong sabihin, babaylan?” tanong ni Meira.
“Malalaman mo rin sa pagdating ng takdang oras,” sagot ni Shabiri dito. “Ngunit sa ngayon ay hinihiling ko na alagaan mong mabuti ang iyong sarili. Ikaw ang pinakamahalagang tao rito.”
“Ang aking kapatid na si Erebus ang pinakamahalagang tao rito, babaylan,” ani ni Meira. “Siya ay nakatakdang maging hari ng lahat. Siya ang utak ng buong hukbo na ito. Siya ang dapat mong sabihan.”
“AGAPE!!!”
Hindi naman na sumagot si Shabiri, at tinignan ang prinsipe na abala na sa kanyang ginagawa. Nakadikit dito si Nabi, maging ang mapapangasawa nitong si Sagada.
Nais niya sanang lapitan ito ngunit naisip niya na ipinagbabawal ang kanyang nararamdaman.
“Bakit hindi mo siya kamustahin?” tanong ni Meira dito. “Batid ko ang iyong nadarama sa kanya.”
“Kamukhang kamukha niya ang dating haring Armeo na aking minsang pinagsilbihan,” ani ni Shabiri. “Masyado akong nagagalak na makita siya muli bilang si prinsipe Erebus. Ngunit sila ay magkaibang tao. Isa pa ay hindi para sa isang babaylan ang tinutukoy mo. Ako ay kanyang tapat na taga payo. Alam ko ang aking limitasyon. Ipapaubaya ko na siya sa babaeng itinadhana para sa iyong kapatid.”
“Kilala ko si Haring Armeo,” ani ni Meira. “Siya ay isang magiting na hari. Mahal na mahal siya ng kanyang mga nasasakupan. Nakakahanga na nakita mo pa siya, Shabiri. Kay tagal na panahon na simula noong mawala siya sa mundong ito. Naiisip ko tuloy na marami akong matutunan sa iyo pagka’t marami ka ng mga karanasan. Ikaw ang pinakamagaling na guro sa aking mga mata.”
Ngumiti naman si Shabiri sa sinabi ni Meira.
“Kung iyong nais, mahal na prinsesa,” ani ni Shabiri. “Aking kagalakan na ituro sa iyo ang lahat ng aking nalalaman.”
“Talaga?” tanong ni Meira na hindi makapaniwala. “Kung ganoon ay ituro mo sa akin ang lahat ng dapat kong malaman. Ayokong maging pabigat sa aking kapatid. Kaya kami natambangan kanina ay dahil binalikan niya pa ako.”
“Hindi natin alam kung ano ang posibleng nangyari kung hindi ka niya binalikan, mahal na prinsesa,” ani ni Shabiri. “Ngunit ang mabuti ay ang ligtas kayong nakauwi rito.”
“Paalam na muna,” ani ni Meira sa babaylan. “Nais kong puntahan si Alexander. Tinamaan ito ng palaso kanina. Gagamutin ko lamang ang kanyang sugat.”
Yumuko naman si Shabiri kay Meira. Iniwan na siya ng dalaga. Pinagmasdan niya ito.
Alam ni Shabiri na hindi pwede ang pag ibig ni Meira. Ang isang dugong bughaw ay para lamang sa mga kalebel nito. Kung sana ay hindi taga bantay ito ng kanyang ina ay maaaring pwede pa sila ngunit si Alexander ay kanilang mandirgma, at kanyang personal na taga bantay.
May mga sinusunod silang mga batas.
Dala dala ni Meira ang mga gagamitin niyang panggamot sa balikat na tinamaan ng palaso.
Hindi naman siya nahirap hanapin si Alexander dahil kusang nakukuha nito ang kanyang atensyon kung saan direksyon man ito nakatayo.
Nilapitan niya ang mandirigma.
“Alexander,” tawag ni Meira habang nakangiti sa lalaki.
“Mahal na prinsesa,” tawag ni Alexander na napabaling sa dalaga. Sa tuwing mapapatingin siya rito ay napapatulala siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang nagiging reaksyon.
“Maupo muna tayo sa isang tabi?” tanong ni Meira. “Nais kong gamutin ang iyong sugat. Dahil sa akin ay nakuha mo iyan.”
“Huwag mong sisihin ang iyong sarili, mahal na prinsesa,” ani ni Alexander. “Hindi mo kasalanan iyon. Ito ay dulot ng mga taong ganid sa kanilang kapangyarihan. Isa pa ay malugod kong sasaluhin ang lahat ng palaso upang protektahan ka.”
Malakas na tumibok ang puso ni Meira sa sinabi ng mandirigma kaya naman napailag siya ng kanyag mga tingin.
“Doon na lamang tayo maupo, mahal na prinsesa,” ayaw ni Alexander dito.
Tumango naman si Meira at nagtungo sila roon upang gamutin ang sugat niya.
Kinuha ni Meira ang isang tela, at hinawakan niya ang baluti ni Alexander upang tanggalin ngunit ang kamay ni Alexander na tumaas ang kanyang nahawakan.
Kinuha nito ang kanyang kamay at itinapat sa kanyang puso.
“Mahal na prinsesa,” tawag ni Alexander. “Sana ay huwag mo na ulit ulitin na magpaiwan ng mag – isa. Labis labis ang aming pag – aalala.”
Mabilis naman kinuha ni Meira ang kanyang kamay dahil sa sobrang kaba.
“P-pasensya na ngunit huwag kang mag – alala. Hindi na iyon mauulit. Tanggalin mo na ang iyong baluti upang magamot na natin ang iyong sugat,” ani ng dalaga na hindi makatingin dito.
Napatawa naman ng mahina si Alexander dahil sa anging reaksyon ng dalagang kaharap niya.
***
AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS
THIRD PERSON POINT OF VIEW
“Mahal na hari,” tawag ni Fieto sa haring nakaupo katabi ni Mercier. May pag – aalala sa kanyang mga mata.
“Ano iyon?” tanong ni Devos na napansin ang pagkabahala ng kanyang personal na tauhan sa mga mata.
“May isang regalo ang dumating sa ating kalupaan ngayong umaga para sa reyna na si Mercier,” ani ni Fieto sa kanila.
Napakunot naman ang noo ni Mercier La Casa.
“Sa akin gang regalo na dumating ngunit sa hari mo inuulat ang bagay na ito, Fieto?” tanong ni Mercier. Nag – aalala siya sa regalo na dumating sa kanya dahil baka mamaya ay padala ito ng kanyang ama para sa kanya patungkol sa kanilang mga balak.
“Ibigay mo ang regalo kay Amaya at bubuksan ko na lamang ito sa akng kwarto mamaya,” dagdag ni Mercier.
“Buksan mo ang regalo sa aking harapan, Mercier,” utos ni Devos.
Napakuyom naman ng kanyang kamao si Mercier sa sinabi ni Devos.
“Ito ay regalo para sa akin,” ani ni Mercier. “Karapatan ko ang hindi buksan ito.”
“Ang utos ko ay buksan mo ito sa aking harapan!” mariin na ani ni Devos.
Wala namang pagpipilian si Mercier kundi ang sumunod.
Dinala ni Fieto ang karton sa harapan nila ni Devos. Tumayo si Mercier upang buksan ito.
Nagulat siya sa selyo ng hindi kalakihang karton. Kilala niya ang selyo na ito.
“Anong problema?” tanong ni Devos na nakatutok sa pagbubukas ni Mercier.
“Ang regalo ay nagmula sa ikahuling kalupaan, mahal na hari,” ani ni Fieto sa kanyang hari. “Base sa selyo ay galing ito sa mga Valeeryan.”
Napataas ang kilay ni Devos sa ulat nito.
“Sa mga Valeeryan? Kung ganoon ay tunay nga na may nabubuhay pa sa kanila,” ani ni Devos, at napatayo.
Mas lalo namang kumulo ang dugo ni Mercier. Noong malaman niya na mula ito sa mga Valeeryan ay agad niyang binuksan ang karton. Isang putting tela ang sumalubong sa kanya kaya napakunot lalo ang kanyang noo.
Dahan dahan niyang binuklat ang telang ito at sa kanyang pagkagulat ay isang ulo ng lalaki ang bumungad sa kanya.
Putol na ulo ng kanyang ama. Ang ulo ni Raciero La Casa.
Nanlalaki ang mga mata ni Mercier habang nakatingin dito. Hindi siya makapaniwala at hindi niya lubos maisip kung ano ang nasa harap niya.
Nanginginig ang kanyang mga kamay.
Nagulat sila Devos, at Fieto sa kanilang nakitang laman ng kahon.
Maging sila ay hindi makapaniwala.
Patay na ang panginoon ng ika limang kalupaan ng mga ahas. Patay na ang ama ng tatlong La Casa. Patay na si Raciero La Casa.
Ibinalot na muli ni Fieto ang tela sa mukha ni Raciero upang alisin ang tanawin sa mga mata ni Mercier.