AT THE FOURTH LAND: THE LAND OF WEALTH
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Sinunog ni Tyrell Carlsen ang sulat mula sa pangalawang kalupaan ng mga hari. Galing ito kay Mercier para sa kanyang kapatid na si Ember.
Humingi din ito ng tulong, at karagdagang lakas para sa isang pakikidigma na inihahanda nito laban sa mga Valeeryan.
Labis siyang nagulat noong mabalitaan niya na may mga buhay pang mga Valeeryan sa kasalukuyan. Ito ang mga tunay na naghahari sa pangkalahatan.
Sila ay nirerespeto, at iginagalang. Kinatatakutan din sila sa kanilang labis na kapangyarihan. Ngunit tinapos na ng mga La Casa, at River ang pamumuno nito sa kalahatan labin limang taon na ang nakakalipas.
Ang akala niya ay nalipol na ang lahat ng mga ito ngunit nagkamali siya. May mga nabubuhay pa rin mapa hanggang sa ngayon. Wala namang dahilan si Mercier upang magsinungaling sa sulat nito para sa kanyang kapatid.
Pwera na lamang kung tulad niya ay sanay magsinungaling sa kanyang mga kapamilya.
“Ano ang sulat na iyan?” tanong ni Ember na lumapit sa kanyang asawa, at niyakap ito. Sumandal ang babae sa balikat ni Tyrell habang nakayakap siya sa lalaki sa may likod.
Hinawakan naman ni Tyrell ang kamay ng kanyang asawa.
“Isang masamang balita, mahal ko,” ani ni Tyrell dito. “Isang balita patungkol sa iyong ama.”
Napabitaw naman sa kanyang pagkakayakp kay Tyrell. Kumunot ang kanyang noo sa kanyang narinig.
“Anong balita?” tanong ni Ember dito.
Napahinga naman ng malalim si Tyrell. Ang katotohanan nga ay wala naman siyang pakielam dito ngunit mayroon pa rin sa kanyang mga negatibong kalalabasan ang pagkawala ni Raciero.
Unang una ay ang papalit sa posisyon nito ay si Kester La Casa na hindi niya kasundo.
Pangalawa ay kay Raciero siya nakipag – alyansa. Sino ang mag – iisip na mamamatay na pala ito sa taong rin na ito.
Mahihirapan siya sumandal sa mga poder ng La Casa ngayon gayong wala na ang kanyang kausap na matanda.
Pinalungkot ni Tyrell ang kanyang mukha at tumingin sa kanyang asawa.
Niyakap niya muna ito ng mahigpit.
“Huwag ka sanang magugulat, mahal ko,” ani ni Tyrell. “Ngunit wala na iyong ama. Dumating ang kanyang ulo sa kahiraan ng iyong kapatid.”
Nanlaki naman ang mga mata ni Ember, at tinulak si Tyrell mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Napakasama ng balita na ito para sa kanya.
“Sino ang nakapatay sa aking ama?” tanong ni Ember. “Ang mga lapastangan na mga Aragon ba?!”
“Hindi, mahal ko,” sagt ni Tyrell. “Ang mga Valeeryan.”
Kumunot ang noo ni Ember.
“Mga Valeeryan?!” tanong ni Ember. “Paanong nangyari na ang mga Valeeryan ang pumatay sa kanya? Wala na silang lahat labin limang taon na ang nakakalipas. Sila ay nalipol na ng aking ama.”
“Iyon ang alam nating lahat,” ani ni Tyrell. “Ngunit maswerte sa tadhana ang mga ito. Malakas magdasal kaya nakaligtas. Humihingi ng tulong ang yong kapatid na si Mercier upang sumama sa kanya sa digmaan laban sa mga Valeeryan.”
“Digmaan sa mga Valeeryan?” tanong ni Ember. “Mukhang padalos dalos ang kanyang desisyon. Hindi lamang ang mga Valeeryan ang kanyang kalaban ngunit naghahanda na rin ang mga Aragon, at mga Chevor. Kapag hinati niya ang kanyang pwersa ay uuwi siyang luhaan na talunan.”
“Iyon rin ang naiisip ko,” ani ni Tyrell. “Ngunit alam naman nating hindi tayo maaaring tumanggi sa kanilang kahilingan. Hindi ba?”
“Magpadala ka lamang sa kanila ng sapat ngunit hindi sobra,” ani ni Ember rito. “Kailangan ng iyong anak ng mga taong magproprotekta sa kanya kapag naganap na ang tunay na digmaan.”
Nagulat naman si Tyrell sa sinabi ng kanyang asawa.
Napatingin si Ember sa kanyang tiyan.
“Tama ang iyong iniisip, mahal ko,” ani ni Ember dito. “Nagdadalang tao ako. Nakapanghihinayang lamang na hindi na niya makikita ag kanyang abuelo.”
“Ganoon talaga ang buhay, mahal ko,” ani ni Tyrell at hinawakan ang tiyan ni Ember. “Huwag kayong mag – alala. Ako mismo ang magproprotekta sa inyong dalawa.”
Ngumiti naman si Ember sa kanya.
AT THE FIFTH LAND: THE LAND OF SNAKES
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Hindi alam ni Mercolita ang kanyang mararamdaman. Mukhang dinignig ng itaas ang kanyang mga inusal bago ito umalis. Tunay na namatay nga ang kanyang asawa. Ngunit wala siyang maramdaman dito. Sa lamig ng pakikitungo ng asawa sa kanya sa araw – araw ay tila nanlamig na rin siya.
Tumingin siya sa kanyang anak na si Kester. Ito ay papalit na sa posisyon ng kanyang ama ngayon. Ngunit nakita niya ang takot nito habang pauwi ng kanilang kastilyo. Maging sa hanggang nagyon ay bumabakas pa rin dito ang pagkasindak.
Lumapit sa kanya si Kester La Casa.
“Ina,” tawag ni Kester sa kanya. “Ano ang nararapat kong gawin?! Ang mga Valeeryan ay susugod sa atin dala ang malaking halimaw na alaga nila! Nakita ko kung paano nito pinatay si ama. Ayokong ganoon ang aking sapitin! Ayoko pang mamatay! Natatakot ako aking ina!”
Napailing iling si Kester. Lubha siyang natakot sa halimaw na alaga ni Meira. Maging mapa sa hanggang ngayon ay kumakabog pa ang kanyang dibdib.
Nabalitaan ni Mercolita ang buong mga nangyari pagka’t isiniwalat ito sa kanya ng tauhan ng kanyang asawa na si Den. Maging siya ay nagulat na malamag may mga Valeeryan pa pala.
Nais niyang matawa sa sinapit ni Raciero. Masyado itong humaling sa pagpapatay sa mga Valeeryan ngayon ay siya ang napatay nito.
“Kester, anak,” tawag ni Mercolita rito. “Sino ka? Saan ka nagmula?”
“Sa mga La Casa, at Octavin,” sagot ni Kester sa kanyang ina.
“Hindi ka dapat magpasindak,” ani ni Mercolita dito. “Pamunuan mo ang ating kalupaan. Hawakan mo ang iniwan na kapangyarihan sa iyo ng iyong ama. Gawin mo ang mga nararapat. Tandaan mo na hindi isang Valeeryan ang magpapaluhod sa iyo. Sila ang dapat na luluhod sa iyo.”
Tila nagkaroon ng lakas ng loob
“Sila ay nagapi na labin limang taon na ang nakakalipas,” ani ni Mercolita. “Ikaw ay nakatayo pa rin hanggang sa ngayon. Mas malakas ang pwersa natin sa kanila, Kester. Tumayo ka bilang isang matapang na lalaki! Hindi ka nila matatalo. Narito ako sa tabi mo upang subaybayan ka.”
“Talaga, ina?” tanong ni Kester.
Tumango naman si Mercolit. Dahil dito ay lumakas pa lalo ang loob ni Kester. Dahil nariyan ang kanyang ina na kanyang masasandalan ay tingin niya ay kakayanin niyang mamuno.
Lumabas na siya ng silid ng ina upang ihanda ang pagpalit niya sa posisyon ng kanyang ama. Hindi maaaring maging bakante ang upuan nito ng mahabang panahon.
Sa paglabas ni Kester ay nakasalubong nya si Adira.
“Ikinalulungkot ko ang masamang balita,” ani ni Adira habang nakayuko.
“Talagang dapat ay malungkot ka! Wala na ang aking ama kaya naman siguradong wala nang magpupumilit pa na magpakasal tayong dalawa!” madiin na ani ni Kester. “Ngayon ay wala na ang swerte mo sa katawan. Matatanggap mo ang aking parusa!”
Nagulat si Adira sa sinabi nito.
“Kataas taasan! Anong kasalanan ang aking nagawa upang parusahan mo ako?” tanong ni Adira. Sa kanyang pagkakatanda ay si Kester ang may kasalanan sa kanya. Ito ang gumagawa sa kanya ng mga masasalimuot na bagay.
“Ang pangarap mong kay taas! Isa itong kasalanan,” ani ni Kester, at hinablot ang mukha ng dalaga. “Sisiguraduhin ko na susuko ka na mangarap sa sakit na matitikman mo!”
Malakas niyang itinulak ito sa may pader.
“Umalis ka sa harap ko! Huwag mong sirain pa lalo ang aking araw!” dagdag ni Kester dito.
Agad naman na umalis si Adira sa harapan ng binata. Nagtungo si Kester sa kanilang bulwagan.
Habang sa kwarto ni Mercolita ay nakatingin ang matanda sa may bintana.
Labis ang kanyang pagkasindak noong malaman na may mga natitira pang mga Valeeryan. Kung mayroon mang bubuweltahan ang mga iyon ay walang iba kundi sila. Ang mga Octavin, La Casa at River pagka’t ito ang mga angkan na nagtraydor sa dating hari na si Beumont.
Kasama ang kanyang angkan sa pakikidigma laban sa mga ito.
Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Nakakamatay ang paghihiganti. Galit ang pinakamasiklab na sandata.
AT THE FOURTH LAND: THE LAND OF WEALTH
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Malakas na napatawa si Addison sa balitang ini – ulat sa kanya ni Marcella. Nakangiti naman si Marcella habang pinagmamasdan ang payat na binata.
Inilabas ni Marcella ang dala dalang meryenda para kay Addison upang bigyan laman ang tiyan nito.
“Mabuti sa kanila iyon! Mabuti lamang na maubos na ang mga La Casa,” ani ni Addison. “Hindi ko makakalimutan kung paano nila inabandona ang aking abuelo! Nakataktak ito sa aking isipan, at puso. Mukhang hinahabol na sila ng karma.”
“Heto,” abot ni Marcella sa isang nilagang kamote kay Addison. “Kumain ka muna. Alam kong gutom ka sa iyong pagsasanay. Lamanan mo ang iyong tiyan upang may lakas ka na gagamitin mamaya.”
Kinuha naman ni Addison ang kamote sa kamay ni Marcella. Nagpahinga lamang siya saglit bago ipagpatuloy ang pagsasanay kasama ng lalaking binayaran ni Marcella upang turuan siya habang si Marcella naman ay tumakas lamang sa kanyang trabaho upang puntahan ang binata.
“Kapag nabawi ko na ang aming kastilyo, at ang aking pwesto ay ipinapangako ko sa iyo Marcella na susuklian ko ang lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin,” ani ni Addison sa dalaga.
“Maraming salamat sa kabutihan mo, kataas taasan,” ani ni Marcella dala dala ang kanyang ngiti. “Naniniwala akong kaya mo.”
“Kapag ako na ang iaanunsyo bilang panginoon ng kalupaan na ito ay nais kong naroon ka Marcella,” ani ni Addison. “Hindi mo na kailangan maging alipin pagka’t bibigyan kita ng mataas na posisyon, at madaling mga gawain.”
“Hindi pwepwedeng wala ako kapag nakamit mo na ang iyong nais, kataas taasan,” ani ni Marcella. “Masaya akong panonoorin ka habang pumapalakpak sa iyong tagumpay.”
Napangiti si Addison sa sinabi nito.
“Inaasahan ko iyan,” ani ni Addison dito.
“Ngunit sino nga pala ang nakapatay kay Raciero La Casa?” tanong ni Addison sa dalaga. “Batid kong kaaway nila ang mga Aragon, at Chevor ngayon ngunit sino sa kanila ang nakaputol ng ulo ng panginoon ng ika limang lupain ng mga ahas?”
“Hindi ko kilala,” ani ni Marcella. “Walang espisipikong pangalan ngunit isa lamang ang sigurado ko. Ang mga Valeeryan sa ikahuling lupain ang may gawa niyon.”
“Talaga? May mga Valeeryan pa?!” hindi makapaniwalang tanong ni Addison.
May mga bagay na nabubuo sa kanyang isipan ngayon.
“Kung ganoon ay hindi ko na sasayangin pa ang panahon,” ani ni Addison. “Maglalakabay ako patungo sa kanila. Nais kong umanib sa kanila.”
Napakunot naman ang noo ni Marcella sa sinabi.
“Mapanganib,” ani ng dalaga. “Nakalimutan mo na ba na isa kayo sa mga nagtraydor sa kanila dati, baka mamaya kapag nagtungo ka roon ay pugutan ka nila ng ulo.”
“Ako ang bahala,” sagot ni Addison.