At The Third Land: The Land of Swords
Third Person Point of View
“Panginoong Aelous,” tawag ni Sevres a kanyang panginoon. Napatingin naman sa kanya si Aelous.
“Ano iyon?” tanong ni Aelous dito.
“May isa akong magandang balitang dala para sa inyo,” ani ni Sevre kila Aelous, at Jamaicah.
Napakunot ang noo ni Aelous pagka’t isang kataka taka na sa panahon ngayon ay isang magandang balita ang dala dala ni Sevre gayong ang mga ibang lupain ay naglalaban laban na.
Habang si Jamaicah naman ay naintriga sa sinabi ni Sevre.
“Ngunit mayroon din akong dalang isang balita na hindi ko alam kung inyong magugustuhan o hindi,” dagdag pa ni Sevre.
“Kung ganoon ay iyon ang unahin mong ibalita sa amin,” ani naman ni Aelous at sumandal sa kanyang upuang trono sa gitna ng bulwagan.
“Ang panginoon ng ika – limang lupain na si Raciero La Casa ay patay na, panginoon,” ani ni Sevre. “Namatay siya sa pakikipaglaban.”
Agad naman na kumislap ang mata ni Jamaicah sa kanyang narinig. Kusang ngumiti ang kanyang labi sa kanyang narinig.
Habang si Aelous naman ay napahinga lamang sa sinabi ni Sevre. Iniisip niya na sa digmaan ay mayroon talagang uuwing talunan. Isa lang ang magtataas ng kanilang nanalong bandera.
“Isa iyong magandang balita, Sevre,” ani ni Jamaicah. “Isa na ata ito sa pinakamasayang araw ko. Ang mabalitaang patay ang isang La Casa. Kung sinuswerte ka nga naman ay si Raciero. Sana ay sumunod na rin ang kanyang mga kadugo sa kanya.”
“Jamaicah, ang iyong bibig,” bawal sa kanya ni Aelous kaya naman suminghap ng hangin si Jamaicah, at tumahimik na lamang sa isang tabi. “At ano ang dala mong magandang balita?”
“Kumakalat ngayon ang balita patungkol sa mga Valeeryan panginoon,” ani ni Sevre na ikinagulat ng dalawa.
“Ano ang patungkol sa kanila?” tanong ni Aelous na lubhang interesado sa balita ni Sevre.
“Ang mga Valeeryan daw ang pumutol ng ulo ng dating panginoon na si Raciero,” panimula ni Sevre. “Matapos ay ibinalot nila ito sa tela, at isinilid sa loob ng kahon saka ipinadala sa ikalawang kalupaan sa kaharian nila haring Devos, at reyna Mercier na isang regalo para sa reyna.”
“Ngunit wala ng mga Valeeryan na nabubuhay sa kasalukuyan,” ani ni Aelous. “Paanong naging posible ito?”
“Mayroon pa panginoon,” ani ni Sevre. “Ang mga Valeeryan ay namumuhay ngayon sa kanilang kalupaan. Sinasabi nila na muli nitong ibinabandera ang kanilang bandila sa itaas ng abandonang kaharian. Ayon sa aking mga nakalap ay muling ibubuka ng mga Valeeryan ang kanilang mga pakpak upang lumipad sa itaas ng lahat. Mukhang binabalak nilang ipaghiganti ang nangyari noon sa kanila.”
Napaisip naman sila Aelous, at Jamaicah sa sinabi ni Sevre.
“Panginoon, kung iyong nais ay may narinig rin akong mga kwento tungkol sa mga Valeeryan mula sa mga manlalakabay na nagtungo dito sa ating kalupaan,” ani ni Gaston na nakatayo sa isang gilid.
“Ilahad mo ang iyong mga narinig,” ani ni Aelous sa kanya.
“Ang dalawang Valeeryan ay sinasabing nakita ng kanilang mga kasamahan,” ani ni Gaston. “Paalis na sila patungo sa ikahuling kalupaan ngunit tinanong ko kung totoo ang mga kwentong ito. Sinagot nila ako ng oo. Dalawang Valeeryan ang nabubuhay ngayon sa kasalukuyan. Ang lalaking may pulang mga mata na ang buhok ay kasing dilim ng gabi. Sinasabi nila na may magandang hinaharap ito. Ito ang karapat dapat na hari ng lahat. Isang napakakisig na binata.
“At isang babae na may alagang halimaw. Ang buhok niyo ay kasing liwanag ng araw, at walang katumbas ang ganda. Pulang pula ang mga mata nito na sa bawat pagtitg niya ay walang lalaki ang hindi mahuhulog. Panginoon, may nabubuo sa isipan ko kung sino ang mga iyon.”
“Ang anak ng dating haring Beumont, at dating reynang Erissa Chevor,” sagot ni Jamaicah. Hindi niya makakalimutan ang dalawang dugong bughaw na naglalaro noong dalawin niya si Alexander sa ika huling lupain. Nakuha agad ng kanyang atensyon ang batang babae na kasing liwanag ng araw ang mahaba, at magandang buhok.
“Hindi kaya buhay pa ang iyong kapatid na si Alexander, panginoon?” tanong ni Gaston. “At siya ang nagtakas sa magkapatid na Valeeryan?”
“Iyon na nga ang nais kong ibalita sa kanila,” ani ni Sevre. “Bukod sa dalawang Valeeryan ay may isang dugong bughaw pa ang kasama nila na may asul na pares na mata. Bukod doon ay isang babaylan din ang kanilang kasa kasama na pinaniniwalaan ng lahat na si Shabiri.”
Malakas na tumibok ang puso ni Jamaicah sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig ngunit nais niyang paniwalaan.
Ang balitang ito naman ang nagpasaya kay Aelous.
“Kung ganoon ay nais kong malaman kung totoo ba ang mga bagay na ito,” ani ni Aelous. “Nais kong magpadala ka ng magrerepresenta ng ating kalupaan. Nais kong malaman kung iyon nga ba ang aking kapatid na si Alexander Ulaah. Ngayon din ay gagawin mo iyon Sevre.”
“Masusunod panginoon,” ani naman ni Sevre, at dali daling umalis sa bulwagan upang sundin ang sinabi sa kanya ng panginoon.
“Ako ang ipadala mo sa kalupaang iyon, Aelous,” ani ni Jamaicah. “Nais kong makita ito ng aking mga mata.”
“Hindi,” sagot naman ni Aelous. “Kailangan muna nating masigurado ito, Jamaicah. Anong malay natin kung ito ay kwento lamang ng mga sinungaling na bibig na nais gamitin ang angkan ng mga Valeeryan upang matakot ang mga kalaban nito? Isa pa ay nabanggit nila na may halimaw na alaga. Anong halimaw ang tinutukoy nila? Ang halimaw ay isang alamat, at kwento lamang. Si Shabiri. Ang babaylan na pinapaniwalaang nabubuhay ng ilang daang taon ay kasama nila? Walang nilalang na nabubuhay ng ganoon katagal.”
Napatango naman si Jamaicah. Tama ang kanyang asawa. Masyado lamang siya nagalak noong marinig ang balitang ito mula sa kanilang mga taga sunod.
Ipagdadasal niya na lamang sa langit na totoo sana ang mga bagay na ibinalita sa kanila. Wala ng kalalagyan pa ng siya ang kanyang puso kung tama ang kanilang mga hinala.
Naiisip niya pa lamang na buhay si Alexander ay tumatalon na ang kanyang puso. Matagal na siyang nangungulila sa kanyang iniibig. Maglalakabay siya agad sa ika huling lupain kung mapatunayan man nila na totoo ang mga bagay na ito.
AT THE FIFTH LAND: THE LAND OF SNAKES
THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nakangiti si Kester ngayon habang nakaupo sa upuan ng yumaong ama. Dahil sa mga salita ng kanyang ina ay lumakas ang kanyang loob laban sa mga Valeeryan.
Ano nga ba ang dapat niyang ipangako? Tatlong kalupaan ang hawak hawak ng mga La Casa. Ang ikalawang kalupaan ng mga hari, ang ika apat na kalupaan ng yaman, at ang ika limang kalupaan ng mga ahas.
Ang angkan nila ang pinakamalakas na angkan sa lahat ng kalupaan. Wala siyang dapat ikatakot.
Kahit anong gawin ng mga Valeeryan ay hindi sila nito matatalo. Sa kanila pa rin ang huling ngiti. Sa kanila pa rin ang tagumpay sa huli.
Gaya ng payo sa kanya ng kanyang ina na si Mercolita – ang isang panginoon ay hindi dapat nagpapasindak sa sino man. Dapat siyang niluluhudan. Hindi dapat siya pang hinaan ng kanyang loob pagka’t kasama niya ang kanyang ina sa mga susunod niyang laban.
Ano pa nga at isa siyang La Casa. Ang mga La Casa ang magpapaikot sa lahat. Balang araw ay hahawakan na rin niya ang lahat ng kalupaan.
Nakaluhod ngayon sa kanyang harapan si Adira. Lumuluha ang mga mata nito pagka’t kanya itong pinahirapan.
Naiinis siya sa babaeng ito. Nais niya pang pahirapan ito muli hanggang sa ito na ang sumuko sa buhay.
Sa tingin nya ay nararapat ang parusang it okay Adira pagaka’t sumipsip ito sa kanyang ama upang mapakasalan lang siya.
Isa itong kalapastanganan. Ang tulad ni Adira ay walang puwang sa buhay ng mga katulad niyang dugong bughaw.
Isa itong basura na dapat ay inihihilahod lamang sa mga dumi. Kailanman ay hindi niya ito matatanggap na kanyang asawa.
Nakaupo si Mercolita sa upuan na katabi ng anak. Nakatingin siya kay Adira.
Naaawa siya para dito.
“Pakawalan mo na ang dalagang ito,” ani ni Mercolita sa anak. “Hayaan mo siyang mamuhay ng malaya sa kalupaan natin.”
“Hindi maaari ina,” ani ni Kester dito. “Ang babaeng nasa harap mo ay nakagawa ng isang malaking kasalanan sa akin. Isa siyang linta, at mataas masyado ang pangarap na nais pang sipsipan ako. Kailangan ko siyang parusahan ng naaayon sa aking kagustuhan.
Bumaling si Kester kay Saeron na nakatayo sa isang gilid.
“Itali mo ang kanyang leeg ng malaking kadena,” utos ni Kester dito.
Agad naman na sumunod si Saeron sa sinabi ng kanyang panginoon. Ang hawak hawak na kadenang ipinahanda sa kanya ni Kester ay kanyang itinali sa leeg ni Adira. Ibinagay niya ang dulo kay Kester na nakaupo sa kanyang trono.
Malakas na tumawa si Kester La Casa sa kanyang mga nakikita. Pakiramdama niya ay napakagandang senaryo ito sa kanyang harapan.
“Pagmasdan mo ang iyongs sarili, Adira!” ani ni Kester. “Simula ngayon ay ikaw ay aking magiging sunod sunuran na aso. Halika at dilaan mo ang aking mga paa. Linisin mo ito upang makakain ka mamaya.”
Gulat na napatingin si Adira kay Kester dahil sa sinabi nito.
“Panginoon,” umiiyak na tawag ni Adira sa binata. “Huwag mo naman gawin sa akin ito.”
Sinenyasan naman ni Kester si Saeron. Napasigaw si Adira noong isang malakas na hampas ng lubid ang tumama sa kanyang likuran.
“Hindi nagrereklamo ang isang masunurin na aso, Adira. Dilaan mo ang aking mga paa.”
Hinatak ni Kester pababa ang kadena kaya naman parang aso na lumapit si Adira patungo kay Kester.
Napapikit siya at napaluha sa kanyang gagawin. Unti unti niyang ibinaba ang kanyang ulo, at inilabas ang kanyang dila.
Dinilaan niya ang paa ng kanyang panginoon.
Napapikit na lamang sya lalo sa sinapit.