AT THE FIRST LAND: THE LAND OF DRAGONS THIRD PERSON POINT OF VIEW Nakatingin ang tatlong mga Aragon sa mga hukbo na tinipon ni Gregory upang salubungin ang mga La Casa. Lumapit naman si Avrio rito upang kausapin ang panginoon ng ika unang kalupaan ng mga dragon. “Dadalhin mo ang lahat ng hukbo?” tanong ni Avrio kay Gregory Aragon saka sinamahan ang lalaki na pagmasdan ang kabuuan ng hukbo ng mga Aragon. “Hindi ko dadalhin ang lahat,” ani ni Gregory dito. “May mangilan ngilan akong iiwan sa kalupaan upang magbantay sa ating kastilyo. Masyadong tuso ang mga La Casa at maaaring imbis na sumalubong sa amin ay dumiretso rito. Mas mabuti na tayo ay sigurado.” “Hindi madaling kalaban ang mga La Casa, panginoong Gregory,” ani ni Av

