AT THE LAND OF FREE MAN: THE LAND OF BIRDS THIRD PERSON POINT OF VIEW Nakabalot ang buong ulo ni Inari habang naglalakbay sa malayang kalupaan ng mga ibon. Nais niyang sanayin ang kanyang sarili para sa kanyang paghihiganti. Nais niyang lumakas. Isang malakas na mandirigma upang mapatay ang bawat miyembro ng mga La Casa. Ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya mamamatay habang hindi niya pa nagagawa ang kanyang nais. Tinakasan niya lamang si Levin habang ito ay natutulog kanina pagka’t ayaw siya nitong payagan na tumungo sa iba pang kalupaan kung hindi ang daan lamang pauwi sa kanila. Ngunit hindi siya uuwi ng walang dala dala. Napahinto siya sa isang tabi sa pagod. Ilang oras na siyang naglalakad ng walang ti

