At The Second Land: The Land of the Kings
Third Person Point of View
Nakatingin si Emma sa bangkay ng kanyang ina. Hawak hawak niya ang malamig na kamay nito habang lumuluha.
Alam niyang ano mang oras ay pwede ring gawin ito sa kanila ni Inari ng kanilang mga kaaway. Lilikha ito ng mga pekeng ebidensya maalis lamang sila sa mga daan nito.
Habang si Inari ay nakatingin sa putol na ulo ng kanyang ama na itatapon na ng mga kawal sa bundok upang ipakain sa mga ibon, at mapapanganib na hayop sa kabundukan.
Binigyan lamang sila ng hari ng pagkakataon na makasama ang mga ito sa maikling sandali. Nais sana nilang mabigyan ng magandang libing ang kanilang magulang maging ang kanilang abuelo ngunit hindi pumayag ang angkan ng mga La Casa sa kanilang nais.
Hiniling ni Emma na ibalik ang mga bangkay ng magulang sa kanilang lupain upang doon ay iburol ngunit ang kanyang hiling ay piangwalang bahala lamang ng mga taong nakaupo sa itaas.
“Simula bukas ay magsisilbi kayo sa pinakababang parte ng kaharian bilang mga taga pagsilbi,” ani ng isang matandang babae sa kanila na nakatayo sa isang gilid upang bantayan ang kanilang mga galaw.
“Hindi ako papayag! Ayoko! Hindi ko pagsisilbihan ang mga La Casa!! Maging ang mga River!” sigaw ni Inari habang galit na galit ang kanyang mga mata na nakatingin sa matanda.
“Pag – isipan mong mabuti ang mga sinasabi mo, batang Aragon,” ani ng matanda. “Baka ikaw ang sumunod na itapon sa kabundukan. Sa ayaw niyo man o sa gusto ay wala kayong magagawa! Ang utos ng itaas ay dapat niyong sundin dahil kayo ay mga alipin na!”
Mariing napapikit si Emma, at ibinaba ang kamay ng kanyang ina. Hindi niya nais maging isang alipin. Hindi niya matatanggap ang bagay na ito. Isa siyang dugong bughaw. Isa siyang Aragon. Hindi siya papayag na bumagsak na lamang ng ganito. Mataas ang kanyang pangarap para sa kanyang sarili.
“Dalhin mo ako kay prinsipe Gatley,” ani ni Emma sa matanda. “Nais kong makausap ang mahal na prinsipe.”
“Sino ka para utusan ako? Ang alipin na tulad mo ay walang karapatan kausapin ang prinsipe pwera na lamang kung ipinapatawag ka nya!” ani ng matanda. “Dalhin niyo na ang mga ito sa kanilang kulungan. Itapon niyo na ang mga bangkay sa kabundukan.”
Agad na dinampot sila Emma ng mga kawal. Pilit nagkakawag si Inari ngunit wala siyang lakas upang makawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya.
Inilabas sila doon , at pagkalapas ay sinipa ni Emma ang kawal dahilan upang mabitawan siya nito.
“EMMA!” tawag ni Inari sa kanyang kapatid na mabilis tumakbo palayo doon.
Hinabol sya ng mga kawal. Agad na tinungo ni Emma ang kwarto ng prinsipe na si Gatley.
Bago pa siya makakatakot sa pintuan ay nahawakan na siya ng mga kawal, at pilit hinatak palayo roon.
“MAHAL NA PRINSIPE!!! “ malakas na sigaw ni Emma na narinig ni Gatley sa loob ng kanyang silid.
Agad niyang binuksan ang kanyang pinto, at nakita ang dalaga na hinahatak ng mga kawal palayo roon.
“MAHAL NA PRINSIPE NAIS KONG MAKAUSAP KA!” sigaw ni Emma.
“Ipagpaumanhin niyo po, mahal na prinsipe kung kayo ay aming naabala,” ani ng isang kawal. “Nakatakas siya kanina sa mga kawal ngunit ibabalik na muli namin siya sa kulungan.”
“Bitawan niyo siya,” utos ni Gatley sa kanyang mga kawal. “Ano ang kailangan sa aking ng magandang binibini?”
Lumapit naman si Emma kay Gatley. Itinaas niya ang kanyang kamay sa harap ng prinsipe na kapantay lamang ng kanyang bewang.
Napatingin si Gatley sa kamay ng dalaga, at napatawa.
Ilang segundo ang lumipas ay kinuha ni Gatley ang kamay ni Emma, saka hinalikan ito.
“Sinasabi ko na nga ba, at mapapasa akin ka rin,” ani ni Gatley sa dalaga. “Bibigyan kita ng personal mong tauhan. Tutulungan ka niyang linisin ang iyong sarili. Mamayang hapunan ay ipapakilala kita sa aking ina, at ama.”
“Simula ngayon ay sa iyo ang aking buong buhay, mahal kong prinsipe,” ani ni Emma na diretsong nakatingin sa mga mata ni Gatley. “Pagsisilbihan kita hanggang sa huli kong hininga.”
Ngumiti si Gatley, at hinawakan ang mukha ni Emma saka saglit na hinagkan ang dalaga sa may pisngi.
“Magaling,” aniya ni Gatley.
***
At The Third Land: The Land of Swords
Third Person Point of View
Nasa harap ngayon ni Aelous Ulaah, at Jamaicah Ulaah si Efren Chevor, at Gregor Aragon.
Narito sila sa lupain ng mga talim upang humingi ng tulong sa mga Ulaah sa magaganap na digmaan sa pagilan nila, at ng mga La Casa kasama ng mga River.
“Sumasang ayon ako sa kanilang kagustuhan, Aelous,” ani ni Jamaicah sa asawang nakaupo sa upuan nito.
Pinagmasdan ni Aelous ang dalawang kalalakihan na kasama ang kanilang personal na mga tauhan.
“Lubos kong ikinagagalak ang pagdalawa niyo sa aking kalupaan, panginoong Efren, at panginoong Gregory,” ani ni Aelous. “Naglakbay kayo upang personal na ako ay makausap kaya hayaan niyo na hainan ko kayo ng makakain para sa hapunan. Ngunit ikinalulungkot kong tanggihan ang inyong hinihingi. Hindi makikielam ang mga Ulaah sa ano mang away ninyo. Hindi namin nais na madamay.”
Napatingin si Jamaicah, at Aero sa sinabi ni Aelous sa kanilang mga bisita.
“Panginoong Aelous,” tawag ni Jamaicah sa kanyang asawa. “Ang mga panginoon na ito ay naglakbay upang hingin ang iyong kamay upang samahan sila sa digmaan. Tayo ay mga kaalyansa ng Chevor, at mga Aragon. Hindi tamang tanggihan natin sila.”
“Jamaicah nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo,” tanong ni Aelous sa kanya.
“Pag – isipan mo ng mabuti ang bagay na ito, Aelous,” ani ni Jamaicah. “Huwag mong kalimutan na sa lahat ng mga angkan ay sa kanila tayo lubos na nagtitiwala.”
“Panginoong Aelous,” tawag ni Efren. “Maaring ngayon ay kami ang kanilang mga pinuntirya ngunit hindi ibig sabihin noon na ligtas kayo. Hindi magtatagal at kayo ang pag iinitan ng mga La Casa. Hindi ko muna tatanggapin ang iyong sagot. Bibigyan kita ng magdamag upang pag isipan ito.”
“Wala ng dapat pang pag – isipan,” sagot ni Aelous. “Buo na ang aking desisyon. Hindi ko nais na madamay ang mga Ulaah sa away ninyo. Matapos niyong maghapunan ay maari na kayong bumalik sa inyong pinanggalingan.”
Nagkatinginan si Efren, at Gregory.
Tumayo naman si Jamaicah sa kanyang inuupuan.
“Maaring hindi pa nakakapagdesisyon ang panginoon,” aniya sa dalawang lalaki. “Huwag kayong mag – alala. Magpapadala ako agad ng sulat sa inyo sa oras na mag kausap na kami ni Aelous ng masinsinan. Maaring kayo muna ay mamahinga sa inyong mga silid para sa mamayang pagsasalo salon g hapunan.”
Napahigpit ng hawak si Gregory sa kanyang armas na dala.
“Hindi na,” madiin na ani ni Efren kay Jamaicah. “Magbabalik na kami sa aming pinagmulan. Ang pangyayaring ito ay hindi namin malilimutan. Sa oras na ito ay pinuputol na namin ang ugnayan sa mga Ulaah. Asahan niyo na wala kayong maabot na kamay sa oras na kayo ang humingi ng tulong. Tayo na Gregory!”
“Sasama ako,” ani ni Aero na nagpatigil sa dalawang panginoon. “Sasamahan ko kayo sa pakikidigma.
“Kataas taasan!” pigil ni Makani sa kanya. “Alam mo ba ang salitang digmaan?”
“Aero, hindi ikaw ang panginoon upang magdesisyon sa kung anong gagawin mo,” ani ni Jamaica sa kanya. Nag aalala pa rin si Jamaicah sa binata pagka’t padalos dalos ito.
“At hindi iyo ang aking buhay upang pagdesisyunan mo ito,” ani ni Aero sa babae. “Kung hindi mo nais sumama sa kanila hermano ay ako ang sasama sa kanila.”
Napatingin naman si Aelous sa kanya. Alam ni Aelous na hindi na niya mapipigilan pa ang kapatid sa kung ano man an gusto nitong gawin.
“Kung nais mo ay hindi kita pipigilan,” ani ni Aelous.
“Isama mo ako sa iyo,” ani ni Makani. “Sasama ako sa iyo.”
“Hindi na, maiwan ka na lamang dito,” ani ni Aero, at naglakad patungo kila Efren. Tinignan naman ni Gregory ang panginoon ng kalupaan. Walang emosyong nakatingin ang mata nito sa kanila.
Tuluyan na nilang nilisan ang ika tatlong kalupaan ng mga talim.
At The Second Land: The Land of the Kings
Third Person Point of View
“Nakataas na ang mga bandila ng mga Aragon, at Chevor sa kanilang kastilyo,” ulat ni Fieto sa hari na nasa harap ng hapag hainan. “Simbolo lamang ito ng pakikidigma. Nais nilang kalabanin kayo dahil sa nangyari sa kaharian noong isang araw.”
Napahigpit ng pagkakahawak si Devos sa kanyang upuan dahil sa kanyang narinig.
“Mamaya na tayo mag – usap pagkatapos ng hapunan,” ani ni Devos kay Fieto noong makita sina Mercier na papasok na ng hapag kainan.
Tumango naman si Fieto, at umalis. Naupo sila Mercier sa kanilang mga upuan kasama ang mga anak. Napansin nito na wala pa ang anak na si Gatley.
“Nasaan ang kapatid mo, Hollick?” tanong ni Mercier sa anak.
“Narito ina,” sagot ni Gatley na pumasok sa may hapag kainan.
Nanlaki ang mga mata ni Mercier sa kanyang nakita. Ang anak ng isang Aragon ay nakabihis ng kay ganda. Nakahawak ito sa braso ng kanyang anak na si Gatley. Hindi niya ito gusto.
Lumapit si Gatley, at Emma sa may lamesa saka pinaupo siya ni Gatley sa upuan.
“Ano ang ibig sabihin nito?!” tanong ni Mercier sa kanyang anak.
“Ipinapakilala ko sa inyo ang aking magiging asawa,” ani ni Gatley sa kanila. “Si Emma Aragon.”
Tahimik na pinagmamasdan ni Devos ang dalawa.
“Hindi maari ang nais mo, Gatley,” mariin na ani ni Mercier. “Hindi isang mababang alipin ang dapat mong mapangasawa kundi isa ring dugong bughaw na nagmula sa ibang kalupaan.”
“Ipinaalam ko na ito sa aking ama,” ani ni Gatley na hindi nagustuhan ang pagtutol ng kanyang ina sa kanyang kagusthan.
Napatingin naman si Mercier kay Devos na ngayon ay naghihiwa ng karne ng baboy ramo.
“Devos? Pinahintulutan mo siya ng wala ang permisyon ko? Ako ang kanyang ina at dapat kong malaman ito,” ani ni Mercier sa kanyang asawa.
“Si Emma Aragon ay isa pa ring dugong bughaw,” ani ni Devos sa asawa. “Walang masama kung siya ang mapapangasawa ni Gatley. Sino tayo para hadlangan ang babaeng nais niyang pakasalan? Nasa hustong gulang na ang yong anak. Kaya na niyang magdesisyon sa kanyang sarili.”
“Huwag kang mag – alala, mahal na reyna,” ani ni Emma na nakangiti kay Mercier. “Aalagaan kong mabuti ang iyong anak na si Prinsipe Gatley.”
“Hindi ako papayag sa bagay na ito,” ani ni Mercier sa kanila.
Tinignan naman ni Emma si Gatley na puno ng lungkot.
“Wala ka nang magagawa pa ina kundi tanggapin ang bagay na ito,” ani ni Gatley.
Nakatitig naman si Greco sa dalawa habang si Amethyst, at Hollick ay nagsimula nang kumain.
Napakuyom ng kamay si Mercier.