AT THE FIRST LAND: THE LAND OF DRAGONS THIRD PERSON POINT OF VIEW Kunot ang noo ni Ermil Aragon na napatingin sa papadilim na kalangitan. Nilibot na niya ang kabuuang kastily, at siya ay nagtanong tanong na sa mga tao ngunit wala ni kahit anino o bakas ng binata ang kanyang nakita. Imposible na magtagal ang binata sa ikalawang kalupaan gayong alam nito ang kaakibat na panganib na kanyang ginagawa. Sinabihan na niya ito na masyadong mapanganib ang pagpuslit sa loob ng kaharian lalo na at mga La Casa ang mga namumuno sa pwesto ngunit aaminin niya na hindi niya ito pinilit na patigilin noong malaman nito na ang dahilan ng pagpunta sa kaharian ay para sa kanyang dalawang kapatid na babae. Gaya ni Aspen ay nag – aalala rin siya sa mga ito ka

