AT THE FOURTH LAND: THE LAND OF WEALTH Third Person Point of View “Ano ang napag – usapan niyo ng aking kapatid?” tanong ni Ember La Casa sa kanyang kadarating na asawa. Sinalubong niya ito sa pasukan ng bulwagan pagka’t siya ay nagungulila rito kahit sandali pa lamang ito nawala. Si Tyrell Carlsen naman ay agad na humalik sa kanyang pisngi at niyakap siya tanda na siya ay nangulila rin dito. Siya ay nagmamadaling umuwi sa kanilang kalupaan upang makasama na ang kanyang asawa na si Ember. Matapos humiwalay sa kanyang pagkakayakap ay bahagyang yumuko si Tyrell upang mag kasing pantay sila ng tiyan ni Ember. Hinawakan niya sa balakang ang kanyang asawa at bahagyang inusog ito papalapit sa kanya. Inilapit niya ang kanyang tainga sa tiyan n

