AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS THIRD PERSON POINT OF VIEW Umalingawngaw hindi lamang sa ikalawang kalupaan ng mga hari kundi pati na sa lahat ng kalupaan ang balita patungkol sa haring si Devos. Ang balitang kinitil nito ang sarili nitong buhay, at siya ay pumanaw na. Habang ang trono ay bakante, at pinagtatalunan pa ng lahat kung sino ang dapat na maupo kapalit ni Devos. Kung sino ba ang karapat dapat. Ngunit matagal na itong pinag – isipan ni Mercier. Na habang siya ay humihinga pa ay nais niya ring pamunuan ang lahat ng kalupaan. Nais niyang isuot ang korona na makapangyarihan, at maupo sa trono na tinitingala ng lahat. Babaguhin niya ang ibang mga patakaran na matagal nang ipinatupad kasama na roon ay ang karapa

