LVIII - The King is Dead

1612 Words
AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS THIRD PERSON POINT OF VIEW                 Ipinatawag ni Devos ang kanyang asawa na si Mercier sa kanyang silid. Maya maya pa ay dumating na ang kanyang asawa na malamig ang tingin sa kanya.                 Iniiwas ni Mercier ang kanyang mga mata. Ang kanyang hinala ay tatanungin siya nito patungkol sa bote ng pinagpala.                 “Mercier,” pagtawag ni Devos rito. “Kamusta ka? Kamusta ang ating mga anak?”                 Nagulat si Mercier noong iba ang itanong sa kanya ni Devos. Sa lahat ng pwedeng itanong ay ito ang pinaka hindi niya inaasahan.                 Palihim na napaismid si Mercier. Kanyang iniisip na binaba ni Devos ang kanyang sarili upang maawa siya rito. Ngunit hindi mangyayari iyon. Papanoorin niya pa ito habang naghihingalong mamatay ngunit hindi niya ito bibigyan ng kahit anong pag – aalala.                 Ipaparanas niya rito ang pighati hanggang sa huli nitong hininga.                 “Kailan ka pa nagkaroon ng pake kung anong nangyayari sa iyong asawa?” tanong ni Mercier dito. “Huwag mong alalahanin ang ating mga anak. Sila ay nasa mabuting mga kalagayan pagka’t nasa pangangalaga ko sila. Sabihin mo na lamang ang nais mong sabihin at huwag ka ng magpaligoy ligoy pa. Alam mong marami rin akong ginagawa ngayong nagkukulong ka sa iyong silid.”                 Tinignan naman ni Devos ang asawa at marahang tinitigan. Napapansin niya ang pag iwas ng  mga mata nito sa kanya na tila ayaw nitong magkasalubong ang kanilang mga tingin.                 Napahinga ng malalim si Devos.                 “Ano ang pinag kakaabalahan mo gayon bukod sa pansamantalang pagtingin sa ating mga mamayan?” tanong ni Devos dito.                 “Alam mo na naghahanda ako para sa digmaan laban sa mga Aragon, at mga Chevor. Sila ay mga traydor. Pinagtaksilan nila tayo kaya naman ihahanda ko ang  ating mga hukbo. Isa pa ay masyadong napapabayaan ang lumalaking kapangyarihan ng mga Valeeryan. Kailangan ko silang bigyang pansin,” mahabang salaysay ni Mercier sa kanyang asawa.”                 “Ng walang pahintulot ko?” tanong ni Devos dito kaya naman napatingin sa kanya si Mercier.                 “Sinubukan nilang lasunin ang ating pamilya,” ani ni Mercier. “Pinatay ng mga Valeeryan ang aking ama, at nais mong maghintay na lamang ako sa kaharian ng iyong pahintulot bago ako gumawa ng hakbang upang parusahan sila? Hindi mangyayari iyon Devos. Kung panoorin mo lamang sila ay ibahin mo ako. Gagalaw ako para amin ng mga anak ko.”                 “Huwag mong gamitin ang iyong mga anak,” ani ni Devos. “Alam mo ba kung bakit namatay ang iyong ama? Dahil sa ganid. Sa lubha niyang kaganidan ay namatay siya. Napatay siya ng angkan na pinagtrayduran niya labing limang taon na ang nakakalipas.                 “Aminin mo na ang iyong tunay na pakay ay ang kapangyarihan pagka’t mga ambisyosa ang mga La Casa. Nais nilang hawakan ang lahat ng kapangyarihan sa kanilang mga kamay. Ito ang maipapayo ko sa iyo. Kung mananatili kang ganid sa iyong buhay ay mamatay ka tulad ng iyong ama. Mamatay ka san g may sama ng loob. Mamatay ka habang puno ng paghihirap ang iyong kalooban.”                 Napataas ang kilay ni Mercier sa sinabi ni Devos.                 “Ano ang alam mo sa aking mga nararamdan?” tanong ni Mercier dito. “Huwag kang mag salita na animo ay hindi ka isang traydor. Hindi ba at dahil sa pagmamahal mo sa babaeng si Erissa ay trinaydor mo rin ang iyong kaibigan?! Wala kang karapatan na pagsabihan ako na animo ay malinis ang iyong mga kamay!”                 “Itigil mo na ang paghihiganti, at kaganidan, Mercier,” ani ni Devos sa kanyang asawa. “Itigil mo na ang digmaan. Humingi ka ng tawad sa mga Chevor, at mga Aragon. Lumuhod ka sa mga Valeeryan.”                 Malakas na tumawa si Mercier sa sinabi ng kanyang asawa.                 “Nahihibang ka na ba?” hindi makapaniwalng tanong ni Mercier. “Hindi ako luluhod o hihingi ng tawad sa kahit na nino man! Sa ayaw mo at sa gusto ay may digmaan na magaganap, Devos, at hindi mo ito mapipigilan.”                 “MERCIER! ITO NA ANG UTOS NG HARI! ITIGIL MO ANG ANUMANG LABAN NA IYONG INUUMPISAHAN!” mariin na sabi ni Devos sa kanyang asawa.                 “Ano bang meron sa mga Chevor na pinag – aagawan niyo?!” tanong ni Mercier habang naluluha. “Ano bang meron kay Erissa Chevor na pinag agawan niyo ni Beumont?! Wala akong makitang espesyal sa kanya. Patay na siya Devos! Patay na si Erissa! Ngunit bakit patuloy pa rin akong nanliliit sa kanya?! Ako ang nasa harapan mo pero sya pa rin ang nasa isipan mo! Bakit pilit mong prinoprotektahan ang angkan nila?! Pagmasdan mo kung paano ko sila sisirain. Ang angkan na mas mahalaga pa kaysa sa iyong sariling asawa ay sisirain ko! Uubusin ko sila tulad ng ginawa ng aking ama sa mga Valeeryan.”                 “Sinusuway mo ang hari?” tanong ni Devos dito.                 Inilabas ni Mercier ang kanyang itinatagong talim sa kanyang mahabang bestida at mabilis na itinarak sa dibdib ni Devos. Napainda agad si Devos sa sakit ng matalim na kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib. Gulat na gulat siyang napatingin kay Mercier. Hindi siya makapagsalita. Alam niyang nagbabalak ang ababeng patayin siya ngunit hindi niya inaasahan na sa ganitong paraan. Sa bulgar na paraan.                 “Hindi na ikaw ang kasalukuyang hari Devos,” ani ni Mercier. “Mamatay ka na ngayon. Mamatay ka na rin naman dahil sa sakit mo. Mamatay ka ng hindi minamahal ng sino man. Ang babaeng gustong gusto mo na si Erissa? Hindi ka niya minahal. Si Beumont ang mahal niya. Ako na iyong asawa? Hindi kita minahal. Isinusuka kita Devos. Alam mo kung sino ang tunay kong minahal? Ang iyong kaibigan na si Gregor Aragon.                 Lumuluha ang mga mata ni Mercier habang nakangiti na sinasabi ito sa harap ng kanyang asawa.                 “Tama, walang pumili sa iyo. Laging ang mga kaibigan mo ang mga nauuna. Ngunit pareho lang tayo. Pareho tayong hindi pinili. Pareho tayong nag – iisa. Mas pinili niyo kasi ang mga Chevor. Mga walang kwentang Chevor! Hindi ko maintindihan kung anong mayroon sa kanila na wala ako. Ngunit ngayon ay wala na silang lahat. Patay na si Erissa. Patay na si Emilia. Wala na akong karibal. Ngayon na mawawala ka na ay ang mga La Casa na ang mamumuno sa buong kaharian. Matulog ka nang mahimbing aking mahal na asawa.”                 Napasuka ng dugo si Devos habang nakatingin kay Mercier.                 “M-Mercier,” hingalong tawag ni Devos habang itinataas ang kamay  upang abutin ang asawa.                 “Kung sana ay naging masunuring aso ka na lamang sa amin, Devos ay hindi mo kinailangan mamatay,” ani ni Mercier sa asawa.                 Bumagsak ang kamay ni Devos sa kama kasabay ng paglisan ng kanyang huling hininga. Dahan dahang napapikit ang kanyang mga mata na nagiwan ng patak ng luha sa kanyang mukha.                 Patay na ang hari ng ikalawang kalupaan ng mga hari. Patay na si Haring Devos River.                 Kinuha naman ni Mercier ang kamay ni Devos.                 “Kung mayroon mang angkan na lubhang kong kinaiinisan ay walang iba kundi ang angkan na pinoprotektahan mo ng lubos, Devos,” ani ni Mercier habang inilalagay ang pagkakahawak ng kamay ni Devos sa hawakan ng kutsilyo. “Pagka’t iyon ang angkan ni Emilia, at Erissa. Si Emilia na inagaw sa akin si Gregor. Ako ang nauna sa pwesto niya. Ako ang unang minahal ni Gregor. Ako ang kanyang naging unang babae sa buhay niya ngunit mas pinili pa rin niya si Emilia. Si Erissa na matagal nang namatay ay kinukuha pa rin ang lahat ng atensyon, at pagmamahal mo Devos. Kaya naman labis ang aking katuwaan na wala na silang dalawa. Patay na.”                 Isang mapait na malaking ngiti ang sumilay sa mukha ni Mercier. Gamit ang kumot ni Devos ay pinunasan niya ang kanyang kamay na nabahidan ng dugo.                 Tumayo siya mula sa kanyang pag kakaupo sa tabi ni Devos. Binuksan niya ang saradong bintana saka tumanaw sa labas nito.                 “Akin na ang kalupaan na ito,” ani ni Mercier sa kanyang sarili. “Sa akin na ang lahat ng kapangyarihan.”                 Pumasok naman si Amaya sa may silid dala ang isang sulat. Nagulat sya sa kanyang nakita.                 “M-mahal na reyna, narito na ang huling habilin ng hari,” ani ni Amaya habang inaabot ang nakarolyong tuyong papel.                 “Iyan ba ang sulat na itinatago ni Bellamy?” tanong ni Mercier dito.                 “Ito na nga, mahal na reyna,” ani ni Amaya sa kanyang reyna.                 “Sunugin mo na iyan,” ani ni Mercier.                 “Masusunod mahal na reyna,” ani ni Amaya saka lumabas ng silid.                 Siya namang pagpasok ni Bellamy sa kwarto ng hari.                 “Mahal na hari, ipinapatawag mo raw ak-“ nanlaki ang mga mata ni Bellamy noong makita ang kalagyan ng hari na walang buhay na na nakahiga sa kanyang kama.                 “ANONG NANGYARI?!” tanong ni Bellamy kay Mercier at lumapit sa hari. “MAHAL NA HARI!!!”                 Pinulsuhan niya ito  ngunit wala na itong buhay. Tumingin naman siya sa kutsilyong nakatarak sa dibdib ni Devos. Agad siyang napatingin kay Mercier na syang nakatingin na sa kanya.                 “Ang hari ay nagpakamatay,” ani ni Mercier. “Sa akin sya huling naghabilin. Ihanda mo na ang lahat para sa susunod na pagkokorona. Ako ang mauupo sa trono.”                 “May habilin ang hari sa akin,” ani ni Bellamy kay Mercier. “Iyon ang masusunod.”                 “Anong habilin ang iyong tinutukoy? Kahit anong hagilap mo sa iyong silid ay walang habilin kang matatagpuan,” ani ni Mercier dito.                 Nagulat si Bellamy. Sa mga oras na iyon ay alam na niyang namanipula na  ni Mercier ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD