LVII - Pagtatangka

1602 Words
AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS THIRD PERSON POINT OF VIEW             Isang bato ang biglang tumama sa bintana ng silid ni Emma. Agad na napatingin doon ang dalagang nagbubuklat ng mga pahina ng librong binabasa.             Tumayo siya sa kanyang kinauupuan saka tumungo sa bintana upang buksan ito.             Nagulat siya ng isang lalaki ang pumasok sa may bintana ng kanyang kwarto. Walang iba kundi si Levin Carlsen.             “Levin!” gulat na tawag ni Emma sa lalaki. Agad siyang nagalak noong makita ito. Mahigpit niya itong niyakap.             Niyakap din siya ng lalaki.             Halos manghina na si Emma pagka’t kailangan niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Kailangan niyang mamuhay sa gitna ng kanilang mga kaaway.             “Kataas taasang Emma,” tawag ni Levin. “Ako ay lubos na nangulila sa iyo. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga magulang, at Abuelo. Ngunit ikinagagalak ko na makita kang nasa mabuting kalagayan.”             “Natatakot ako Levin,” ani ni Emma. “Mainit sa akin ang mata ng reyna. Hindi ko alam kung ano ang mga gagawin niya. Ngunit bakit ka naparito? Delikado ang ginawa mo! Paano kang nakapasok sa kaharian? Baka mamaya ay mahuli ka ng kanilang mga mandirigma.”             Napatingin pa si Emma sa kanyang pinto ng silid upang siguraduhin na sarado ito.             “Nagdeklara na ng digmaan ang iyong mga kapatid,” ani ni Levin sa dalaga. “Naparito ako upang sunduin ka. Itatakas kita rito, kataas taasan. Tayo na at bumalik sa inyong kalupaan. Wala ng oras upang tayo pa ay makapag usap ng matagal. Halika na.”             Hinawakan naman ni Levin ang kamay ng dalaga ngunit noong akmang aalis na sila ay hindi gumalaw ang dalaga.             “Anong problema, kataas taasan?” tanong ni Levin.             “Maraming salamat, Levin pagka’t nag – aalala ka pa rin sa akin,” ani ni Emma rito. “Sa kabila ng panganib ay tinawid mo ang bangin upang sunduin mo ako rito. Ngunit ipagpaumanhin mo pagka’t hindi ako makakasama sa iyo. Narito ang aking kapatid na si Inari. Hindi ko siya maaaring iwan. Isa pa ay ito na ang bago kong tahanan.”             Nagulat naman si Levin sa sinabi ng dalaga sa kanya.             “Tahanan? Ano ang ibig mong sabihin kataas taasan?” tanong ni Levin sa dalaga.             “Dito na ako titira hanggang sa aking huling hininga Levin,” ani ni Emma, at bahagyang nag isip kung dapat niya ba sabihin ang mga susunod na mga salitang ilalabas ng kanyang labi. “Nagpakasal ako sa anak ng reyna na si Gatley River.”             “Ngunit,” napalunok si Levin sa sinabi ni Emma. Nasaktan siya sa katotohanang ito. “Ngunit ang pamilya nila ang pumatay sa iyong mga magulang.”             “Alam ko. Ngunit wala na akong pagpipilian,” ani ni Emma. “Tapos na rin ang pagsisilbi mo sa akin, Levin. Isa akong traydor sa aking pamilya dahil sa aking ginawa. Umalis ka na sa kalupaang ito, at huwag na huwag ka ng babalik pa.”             Binitawan ni Levin ang kamay ni Emma.             “Hindi matatapos ang pagsisilbi ko sa iyo, kataas taasan,” ani ni Levin. “Kung kakailanganin mo ng tulong ay huwag kang mag atubili na ako ay sulatan. Agad akong sasaklolo sa iyo. Kung iyon ang naging desisyon mo ay wala akong magagawa. Aalis na ako, kataas taasan.”             Tumalikod na si Levin upang lumabas sa may binatana.             Napakuyom naman si Emma ng kanyang mga kamay. Nais niyang pigilan ang binata. Nais niyang sumama na lamang dito. Nais niyang humingi ng napakaraming paumanhin. Ngunit hindi niya magawa. Hindi niya pwedeng gawin ito.             Iba ang tinahak niyang daan. Siya ang namili ng tadhana niya.             Tuluyan ng lumisan sa kanyang mga mata ang binata.             Siya namang pagbukas ng silid ng kanyang pinto. Pumasok ang kanyang asawa na si Gatley.             “Mahal na prinsipe,” tawag ni Emma rito. “Ano at naparito ka?”             “Masama bang dalawin ang aking asawa?” tanong ni gatley, at umupo sa kama sa may loob ng silid. “Nais ko lamag ikaw ay kamustahin. Hindi ka lumalabas ng iyong silid, at nagbabasa lamang. Mayroon ka bang problema?”             Napayuko naman si Emma saka hinimas ang kanyang kamay.             “Ipagpaumanhin mo, mahal na prinsipe,” ani ni Emma. “Nais ko lamang na huwag magkaroon ng hidwaan sa pagitan ko, at ng iyong ina. Alam mo naman na siya ay tutol sa ating kasal. Ayoko lamang na mas lumala pa ang sama ng loob niya sa akin kaya minabuti ko na manatili na lamang sa aking silid.”             Agad naman na tumayo si Gatley sa kinauupuan. Lumapit siya kay Emma, at hinawakan ang dalawang kamay nito.             “Huwag mong pansinin ang aking ina,” ani ni Gatley. “Huwag kang matakot sa kanya. Malapit na akong maging hari. Malapit ka ng maging reyna. Huwag kang mag – alala mahal ko. Hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit na sino. Ikaw ang pinakamahalaga sa akin, at proprotektahan kita ng buong buhay. Ganun ka rin sa akin hindi ba?”             “Ako ay iyo, mahal na prinsipe,” ani ni Emma. “Pagsisilbihan kita habang ako ay nabubuhay. Tutulungan kitang maging hari. Walang ibang karapat dapat sa posisyong iyon kundi ikaw.”             Niyakap ni Emma ang binata na siya namang ikinatuwa ni Gatley.             “Sa iyo ko lamang naramdaman ang pagmamahal na ito, Emma,” ani ni Gatley, at yumakap siya pabalik. “Ipagbigay alam mo sa akin agad kung sino man ang naglakas loob na banggain ka. Agad ko silang bibigyan ng karapat dapat na parusa.”             “Maraming salamat, mahal na prinsipe,” ani ni Emma habang nakatingin sa labas ng bintana. Kunot ang kanyang mga noo. “Ngunit maaari ko bang sabihin ito sa iyo? May napapansin ako.”             Napabitaw naman si Gatley kay Emma.             “Ano iyon? Sabihin mo,” sagot sa kanya ng binata.             “Ako ay nag – aalala lamang,” ani ni Emma. “Mukhang may paborito ang iyong ina. Siguradong may itinatago siyang sama ng loob sa iyo pagka’t pinakasalan mo ako. Hindi kaya ang iyong hermano ang imungkahi niya na papalit sa hari? Napapansin ko na lagi niya itong kasama.”             Nag sitaasan naman ang kilay ni Gatley. Sa sinabi ni Emma ay namuo muli ag siklab ng galit sa kanyang puso.             “Akala ko ay ako lamang ang nakakapansin ngunit maging ikaw pala,” ani ni Gatley. “Paborito nga ng aking ina si Greco na isang La Casa. Ngunit hindi ako papayag na mapunta sa kanya ang trono! Gagawin ko ang lahat upang mapa sa akin ang korona. Kahit kumitil pa ako ng buhay ay gagawin ko iyon.”             Nagulat si Emma sa sinabi ng kanyang kaharap na prinsipe. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang kagustuhan nito sa trono na babanggain ang sarili niyang kapamilya para mapa sa kanya lamang ang kanyang gusto. Para sa kanya ay napaka mapanganib na tao ni Gatley La Casa.             Hindi ito dapat ipinagsasawalang bahala.             “Sabihan mo lamang ako, mahal na prinsipe,” ani ni Emma. “Tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.”             Mas lalong napangiti si Gatley sa sinabi ni Emma. Mas lalong lumalakas ang kanyang kompidensya dahil sa babaeng asawa. Ngayon ay pakiramdam niya na kayang kaya niyang talunin ang sino man habang may sumusuporta sa kanya.             “Napakaswerte ko sa iyo,” ani ni Gatley, at hinawakan ang mukha ng asawa. Matapos ay ibinabab na rin niya ang kanyang kamay.             “Minsa ay lumabas ka rin ng iyong silid, mahal ko,” ani ni Gatley. “Upang maging pamilyar ka sa iyongs sariling tahanan. Maiiwan na muna kita. May mga responsibilidad pa akong dapat gawin.”             Yumuko naman si Emma rito, at tuluyan na ngang lumabas si Gatley ng kanyang silid. ***             Sa isang banda ay nakatingin si Hollick sa lumabas na binata sa silid ni Emma. Inoobserbahan niya ang bawat galaw ng babaeng Aragon.             Gaya ng kanyang ina ay hindi niya rin gusto ito. Pakiramdam niya ay isa ring banta ang babae sa kanya lalo na, at naging asawa ito ng kanyang hermano na si Gatley.             “Sino ang nasa loob ng silid na palagi niyong binabantayan, mahal na prinsipe?” tanong ni Preto sa kanyang amo.             “Isang kaaway,” ani ni Hollick. “Isang mapanganib na dragon na pumasok sa kaharian ng hari. Napakatanga ng aking kapatid, at pinakasalan siya.”             “Kung isa siyang kaaway ay hindi ba mas pabor sa inyo iyon?” tanong ni Preto rito. “Pagka’t ininom na ng kapatid niyong si Gatley ang sarili niyang lason. Kung mayroon ka mang dapat bantayan ay si ang iyo pang isang hermano. Si prinsipe Greco. Ngayon na nakasunod na siya sa pangalan ng inyong ama ay nakalagay na din siya sa listahan ng mga nakapila sa trono ng hari. Maaaring siya ang sumunod na koronahan ng iyong ina, at ama.”             Napahigpit ng kamay si Hollick. Tama ang kanyang kamay na si Preto. Malaki ang tyansa na si Greco ang pumalit sa trono ng kanyang ama.             “Makikita natin, Preto. Kahit baliktarin ang mundo ay isang La Casa pa rin si Greco. Tanging mga dugong River lamang ang may karapatan na pumalit sa trono. Madali lang natin mapapatlsik si Greco gamit ang sarili nating mga mamayan.”             Napatango naman si Preto sa sinabi ng prinsipe. Lumabas naman si Emma ng kanyang silid kaya npatago sila Hollick sa isang gilid.             Napatingin si Emma roon bago naglakad paalis ng kanyang silid.             Sila Hollick naman at Preto ay palihim na sinundan ang babaeng Aragon na si Emma upang obserbahan kung ano ang binabalak ng babaeng si Emma Aragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD