LVI - Irashiba

1542 Words
AT THE LAND OF BIRD: THE LAND OF FREE MEN THIRD PERSON POINT OF VIEW             Nakaupo si Irashiba sa may sahig habang pinagmamasdan ang kanyang bolang kristal na nasa kanyang harapan. Inuusal niya ang mga lumang lengwahe habang marahang isinasayaw ang mga daliri sa gilid ng bolang kristal.             “Crystallum meum, meum sequere imperium. Ostende mihi quid videre volui. Ostende in oculis meis, et nihil relinque”             (Crystal of mine, follow my command. Show me what I wanted to see. Show it into my eyes, and leave nothing behind.)             “Crystallum meum, meum sequere imperium. Ostende mihi quid videre volui. Ostende in oculis meis, et nihil relinque”             (Crystal of mine, follow my command. Show me what I wanted to see. Show it into my eyes, and leave nothing behind.)             “Crystallum meum, meum sequere imperium. Ostende mihi quid videre volui. Ostende in oculis meis, et nihil relinque”             (Crystal of mine, follow my command. Show me what I wanted to see. Show it into my eyes, and leave nothing behind.)             Maya maya ay may mga imaheng nagpakita sa loob nito. Malabo ngunit palinaw ng palinaw habang nagtatagal.             Noong makasigurado na ang itim na babaylan ay idinilat niya ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niya ang mga imahe na ipinapakita sa kanya ng bolang kristal na nasa kanyang harapan.             Naroon sa loob nito ang mga bandera ng mga dugong bughaw na nakataas sa kanilang mga kastilyo habang ito ay puno ng bahid ng dugo tanda lamang na may nagaganap na away sa pagitan ng mga ito.             Unti – unti namang sumilay ang isang ngiti sa labi ni Irashiba habang pinagmamasdan ang mga tila isang palabas sa kanyang mga mata.             “Ganyan nga,” bulong niya sa kristal. “Labanan niyo ang isa’t isa upang sa aking paglabas ay hindi na ako mararanasan. Nawa ay basbasan pa kayo ng kadiliman ng sa ganoon ay manatili ang mga galit sa inyong mga puso, at patuloy na dumanak ang mga dugo. Ikinatutuwa ko iyan.”             Nakangiti ang itim na babaylan habang binabanggit niya ang mga bagay na ito. Tumayo siya sa kanyang kinauupunan na sahig.             Ang kristal ay nanumbalik sa itsura nito dati na walang ipinapakitang kahit anong imahe.             Dumiretso ang itim na babaylan sa may hagdan upang umakyat sa pinakatuktok ng kanyang templo. Matapos ay binuksan ang gitnang pinto dito.             Tumuntong siya sa dulo, at mataimtim na nagdasal gamit ang lumang lengwahe.             “Da mihi potestatem aliquam. Deus tenebrarum exaudi uocem meam. Voti piam servo tuo praesta. Da mihi potestatem inimicum meum opprimendi. Fac me omnium fortissimum.”             (Give me some power. God of darkness hear my calling. Grant your loyal servant her wish. Give me the power to surpress my enemy. Make me the strongest of them all.)             “Da mihi potestatem aliquam. Deus tenebrarum exaudi uocem meam. Voti piam servo tuo praesta. Da mihi potestatem inimicum meum opprimendi. Fac me omnium fortissimum.” (Give me some power. God of darkness hear my calling. Grant your loyal servant her wish. Give me the power to surpress my enemy. Make me the strongest of them all.)               “Da mihi potestatem aliquam. Deus tenebrarum exaudi uocem meam. Voti piam servo tuo praesta. Da mihi potestatem inimicum meum opprimendi. Fac me omnium fortissimum.”             (Give me some power. God of darkness hear my calling. Grant your loyal servant her wish. Give me the power to surpress my enemy. Make me the strongest of them all.)             Nagdilim ang kalangitan sa kinatatayuan ng kanyang templo. Malakas na umihip ang hangin sa paligid. Nagmarka ng mga mabibilis na kidlat ang mga ulap. Ang kulog ay malakas na dumagundong.             Isang usok na itim mula  sa kadiliman ang natawag ni Irashiba. Ibig sabihin lamang na narinig siya ng kanyang panginoon na sinasamba.             Ang usok na ito ay naglalaman ng lakas na kanyang hinihingi. Mabilis nitong tinahak ang kinalalagyan ni Irashiba saka pumasok sa kaloob looban nito.             Nanlaki ang mga mata ng itim na babaylan habang nararamdaman ang karagdagang pwersa sa kanyang katawan. Tila siya ay bagong panganak lamang na umaapaw ang kanyang kapangyarihan.             Matapos nang pag – bibigay sa kanya ng pwersa ay malakas na napatawa si Irashiba.             “Ngayon ay mahahanap ko na ng mas mabilis ang mga taga – pangalaga,” bulong ni Irashiba habang ang tingin ay nasa malayo. “Shabiri, mag – hintay ka lamang, at malapit mo nang makita ang mga bagay na iyong pilit pinipigilan.”             Matapos ay tumalikod na ang itim na babaylan saka pumasok sa loob ng templo. Mabilis na nagsara ang pintuan nito. AT THE SECOND LAND: THE LAND OF KINGS THIRD PERSON POINT OF VIEW             Malakas na napaubo ang hari sa kanyang silid. Gamit ang puting tela na kanyang palaging hawak ang siyang agad na ipinang takip niya sa kanyang labi upang pigilang kumalat ang ano mang inilabas ng kanyang lalamunan.             Napatingin siya sa hawak na puting tela. Nakita niya roon ang napakaraming dugo tanda lamang na malala na ang kanyang sakit.             Pinunasan niya ang kanyang labi sa isang gilid. Mas dumami pa ang dugo na nakakalat sa puting panyo.             Malalim na napahinga si Devos sa kanyang mga iniisip. Ang kanyang sakit ay palala na ng palala. Ano pa nga, at ano mang araw ay pwede na siyang pumanaw.             Naisip niya na rin kung sino ang papalit sa kanyang trono.             Naghabilin na rin siya sa kanyang taga payo ng kanyang mga huling salita para sa kanyang mga anak, at para na rin sa kaharian. Mabuti na ang handa siya kaysa naman maiwanan niya ang mga anak ng walang pasabi.             Sa napili niyang hari ay nakakasigurado siya na mapapabuti ang ikalawang kalupaan ng mga hari sa mga kamay nito.             Nanghihinayang lamang siya pagka’t mayroon siyang isang anak na nais niyang humalili sa kanya ngunit iyon nga lan ay hindi ito lumaking isang mabuting tao. Bagkus na kabutihan ay kasamaan ang natutunan nito sa mahabang panahon. Ang tanging hiniling niya na lamang ay ang magbago ito.             Bago siya mawala sa mundong ito ay nais niyang itama ang kanyang pagkakamali na nagawa niya dati. Napag – isip isip niya ang kamalian na kanyang nagawa kaya naman gagawin niya ang lahat upang maitama ito kahit huli na. Kahit alam niyang walang kapatawaran ang kanyang mga naging desisyon.             Sa kabilang banda ay nakatingin si Amaya sa hari sa may silid. Bahagya siyang nakasilip sa nakaawang na pintuan nito. Nakita niya ang lahat ng nangyari.             Noong mapansin niya na pabalik na sa silid ng hari ang mga personal na guwardiya nito ay agad siyang naglakad paalis doon upang mag – ulat sa kanyang reyna ***             Nakakunot an goo na pinagmasdan ni Mercier ang kanyang malaking sugat sa likuran niya na umaabot hanggang sa kanyang tiyan.             Isang antuyong sugat na nag iwan ng hindi kaaya ayang itsura na peklat sa kanyang katawan. Lubos niyang ikinahihiya ang bagay na ito. Pakiramdam niya ay hindi na siya magandang babae dahil dito.             Ito ay kanyang nakuha labing limang taon na ang nakakalipas mula sa isang Valeeryan. Noong nagkaroon ng digmaan nangyari ang bagay na di kanais nais sa kanya.             Mula sa kanyang likuran ay umabot ang talim ng espada ni Berces Valeeryan sa kanyang tiyan. Iyon ang pinaka kinatatakutan niyang tao sa buong mundo ngunit ngayon na wala na ito ay nabaon na rin sa lupa ang kanyang takot dito.             Sa ngayon ay wala na siyang kinatatakutan na kahit sino. Sya ay maghahari sa lahat ng kalupaan.             Gamit ang kanyang kamay ay gagawin niya ang lahat mapatay lamang ang kanyang mga kalaban.             Ang mga Valeeryan, Chevor, at Aragon. Sisiguraduhin niya na malilipol niya ang mga ito hanggang sa kanilang kaabo abuhan.             Isinuot ni Mercier muli ang kanyang damit dahil dumating na si Amaya. Dala – dala ang botelyang ipinakuha niya.             Iniabot ni Amaya ang botelya kay Mercier. Kinuha naman ni Mercier ito, at pinagmasdan.             Ito ang botelyang nakuha ng kanyang anak na si Greco sa kalupaan ng mga malalayang tao.             Ang botelyang ng tubig na nagmula sa balon ng pinagpala na siyang itinago ni Devos.             “Sa aking palagay ay gagamitin ng hari ito sa kanyang sakit,” ani ni Amaya sa kanayang reyna. “Ang tubig na iyan ay kayang magpagaling ng kahit anong uri ng sakit, mahal na reyna.”             “Gaano na kalala ang sakit ng hari?” tanong ni Mercier.             “Masyado nang malala, mahal na reyna,” sagot naman sa kanya ng kanyang tauhan na si Amaya.             Lumapit si Mercier sa maliit na paso ng kanyang halaman na nakalagay sa may bukas na bintana.             Bnuksan niya ang botelya ng tubig saka ibinuhos ang lahat ng laman niyon sa kanyang halaman. Hindi niya hahayaan na gumaling pa si Devos sa kanyang sakit.             Nais na niya mamatay ito. Ito na ang matagal nilang gusto. Ang mawala ang hadlang na asawa sa kanyang daraanan.             “Itapon mo na ang botelyang ito,” ani ni Mercier, at inabot kay Amaya ang botelya. “Siguraduhin mo na walang makakakta sa iyo. Naiintindihan mo?”             “Opo, mahal na reyna,” sagot naman ni Amaya sa babae.             Ngumiti naman si Mercier. Ngayon na may sakit ang hari ay malapit na syang pumalit sa trono nito. Kapag silang mga La Casa na ang nakaupo sa upuan ng hari ay hindi na mapipigilan ang kanilang pwersa. Sila na ang maghahari sa buong kalupaan ng fabula.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD