At The Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Pormal ng ikinasal si Gatley River, at Emma Aragon. Sa basbas ng hari na si Devos ay ikinasal ang dalawa.
Labag ang desisyon na ito para kay Mercier ngunit wala siyang magawa pagka’t pinayagan na rin ni Devos ang nais ng kanyang anak.
Ngunit hindi basta basta tatanggapin ni Mercier La Casa ang nais ng kanyang anak. Gagawa siya ng paraan upang malayo ang babaeng Aragon sa kanyang anak na si Gatley.
Para sa kanya ay hindi sila nababagay. Lahat ay gagawin niya upang mawala ang mga Aragon na ito sa kanyang daan. Magiging sagabal ito sa kanya.
Nasaksihan na niya kung paano siya nito kalabanin. Sigurado siyang gagawa ito ng paraan upang agawin ng tuluyan sa mga kamay niya ang kapangyarihan.
Hindi niya agad naisip na magagwang makalusot sa kanya si Emma Aragon. Kung alam niya lamang na gagawin ni Emma ang bagay na iyon ay gumawa na siya agad ng bagay na makakapagpatlsik agad paalis g kaharian ang dalawang Aragon.
Pakiramdam niya ay magiging katapusan niya si Emma Aragon.
Napahinto sa pag – iisip si Mercier noong makita niya na nagdaan si Emma sa kanyang kinauupuan.
Tumigil ito sa kanyang harapan at bahagyang iniyuko ang kanyang ulo upang simbolo ng pagrespeto sa reyna na mas nakakataas sa posisyon nito ngunit alam ni Mercier na minamata siya ng dalagang ito.
“Sandali lamang,” ani ni Mercier na nagpatigil kay Emma na magpatuloy sa kanyang paglalakad. Huminto siya at humarap sa reynang nakaupo sa kanyang upuan.
“May maitutulong ba ako sa reynang si Mercier?” matamis ang tono ng boses na tanong ni Emma.
“Huwag kang masyadong magpapakasiguro sa iyong kinalalagyan,” ani ni Mercier kay Emma. “Sisiguraduhin ko na hindi magtatagal ay mawawala ka na rin sa kaharian na ito. Isusunod kita sa iyong ina na si Emilia Chevor, at sa iyong ama na si Gregor Aragon. Huwag kayong masyadong ambiyosang magkapatid dahil iikot ang mundo at muli kayong hahalik sa aking mga paa. Sisiguraduhin ko ang iyong katapusan, Emma.”
Matamis naman na ngumiti si Emma sa reyna. Lumapit siya sa reyna upang malinaw na madinig nito ang kanyang sasabihin.
“Ni kahit sa aking pagpikit ay nakataas ang aking alerto kahit hindi mo sabihin puno kasi ng aha sang kaharian na ano mang oras ay handang manuklaw,” ani ni Emma sa reyna na mas lalong ikinainis nito. “Isa lang ang pwedeng sumunod sa atin sa kanila ngunit sigurado akong hindi ako ang unang babagsak. Nagsisimula pa lamang ako, mahal na reyna. Tignan natin kung sino ang magtatagal sa ating dalawa.”
“Hinahamon mo ba ako?” tanong ni Mercier sa dalaga.
“Ikaw ang unang humamon sa amin, mahal na reyna,” ani ni Emma. “Pinauulankan ko lamang ang sayaw na nilikha mo. Sisiguraduhin kong mapaparusahan ang tunay na may mga sala. Hindi ko sila palalagpasin sa mga kamay ko.”
Ngumiti naman si Mercier ng nakakaloko.
“Akala mo ay may kapangyarihan ka na kung makapagsalita ka,” ani ni Mercier. “Kailanman ay hindi ka tataas sa aking inuupuan. Alalahanin mong nasa aking mga kamay pa rin umiikot kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Maaring manatili ka na lamang isang prinsesa ng kaharian pagka’t hindi lang naman si Gatley ang anak ko na pwedeng humalili sa trono.”
“Makakarating sa iyong anak ang nais mo,” ani ni Emma, at ngumiti rin. “Batid kong kahit na isa siyang River ay nanatili sa kanya ang dugo ng mga La Casa. Alam mo kung paano mangarap ang mga La Casa ng mga kapangyarihan. Bantayan mo mabuti ang iyong likuran.”
Hindi nakasagot si Mercier sa sinabi ni Emma Aragon sa kanya. Matalim niya itong tinignan habang papalayo sa kanyang kinatatayuan.
“Sinusubok talaga ng mga Aragon ang aking pasensya,” mahinang ani ni Mercier habang matalim pa rin ang mga mata na nakatingin kay Emma. May namumuong masamang balak sa kanyang isipan. “Hindi ata siya naturuan na ang mga aha sang pinakamapanganib sa lahat. Hindi napapaamo, at hindi yuyuko sa sino man.”
At The Land of Bird: The Land of Free Men
Third Person Point of View
Nakatingin ngayon si Erebus sa kanyang hukbo. Hindi niya ito makita ng isang tinginan lamang. Natutuwa siyang makita na malaki na ang kanyang mga nasasakupan.
Nakatabi sa kanya ngayon ang mapapangasawa na si Sagada. Gaya niya ay nakatingin din ito sa mga mandirigma na nsa harap niya.
“Ano ang iyong binabalak, aking mahal na panginoon?” tanong ni Sagada habang pinagmamasdan ang kanyang mga kasamahang Golote na ngayon ay tuwid na nakatayo sa harapang espasyo na kinatatayuan nila ni Erebus. “Ano at kailangan mo ng ganito karaming mga mandirigma?”
“Hindi mo ako kailangang tawagin na panginoon,” ani ni Erebus sa dalaga. “Ikaw ay nakatakdang mapangasawa ko. Tawagin mo ako sa nararapat na itawag mo sa akin na kapitagan, aking haraya. Isa pa ay hindi naman ako hari pa.”
Namula naman ang mga pisngi ni Sagada sa sinabi ng binata sa kanya.
“Ngunit hindi pa tayo ikinakasal,” ani ni Sagada. “Hayaan mong tawagin kita bilang aking mahal na panginoon pagka’t sa iyo naman ang aking katawan, at buhay.”
“Kung iyon ang iyong nais ay hindi kita pipigilan,” sagot ni Erebus.
Napalunok naman siSagada habang humahanap ng tamang tiyempo. Kahit na mapapangasawa na niya ito ay nahihiya pa rin siya sa binata.
“Sana ay ituring mo ako na iyong mapagkakatiwalaan na asawa,” ani ni Sagada. “Isinumpa ko na sa langit, at lupa na sa iyo ang buhay ko. Asahan mo ang aking katapan, at pag aaruga. Maging bukas ka sa akin, mahal kong Erebus. Tutulungan kita na makamit ang pinakanais mo. Iyon lamang ang hihingin ko sa iyo. Huwag mo akong pagtataguan ng mga sikreto.”
Napahinga naman ng malalim si Erebus saka tumingin kay Sagada. Tintigan niya ang tsokolateng mga mata ng dalaga.
Hinawakan ni Erebus ang kamay nito.
“Aking magiging Haraya Sagada,” ani ni Erebus, at napatitig sa kwintas na suot ni Sagada. “Ipagpaumanhin mo na kaguluhan ang aking agad na dala noong kuhanin ko ang iyong kamay sa iyong ama. Ngunit ipinapangako ko na pagkatapos ng digmaan ay walang hanggang kapayapan ang ibibigay ko sa iyo.
“Nais kong bawiin ang koronang inagaw sa akin ng mga traydor na mga dugong bughaw na naninirahan sa ibang lupain. Kapag ako ay nagtagumpay ay papakasalan kita gaya ng aking pangako.”
“Digmaan? Isang digmaan,” ani ni Sagada at lumungkot ang mga mata. “Hindi ko pa iyon nasaksihan ngunit natatakot ako sa salitang ito. Alam kong nakakatakot ang dala ng isang salitang iyon, mahal kong panginoon.”
“Alam ko,” ani ni Erebus at hinawakan ang maliit na mukha ng dalaga. Naramdaman niya ang malambot, at makinis na pisngi nito. “Maging sa akin ay isa itong bangungot. Ngunit may mga bagay na hindi ko kayang iwasan kahit na gustuhin ko pagka’t iyon ang nakatakda sa akin. Huwag kang matakot, Sagada. Proprotektahan kita hanggang sa aking huling hininga.”
Hinawakan ni Sagada ang kamay ni Erebus, at mas dinama niya ang init ng palad nito.
“Nagtitiwala ako sa iyo, mahal kong hari,” ani ni Sagada.
Napatawa ng mahina si Erebus.
“Hindi pa ako hari, Sagada,” ani niya rito.
“Ngunit ikaw ang hari na kikilalanin ko,” ani ni Sagada. “Ikaw ang hari sa aking mga mata. Susuportahan kita Erebus hanggang sa aking huling hininga, at maging sa aking susunod na buhay ay iyo ako.”
Nagulat si Erebus sa ipinapakitang katapan ni Sagada sa kanya. Napaiwas siya ng tingin dito, Hindi niya akalain na magiging malapit na sila sa isa’t isa sa ilang araw pa lamang nilang pagsasama.
Muling tinignan ni Erebus ang dalaga. Ngumiti siya dito.
“Maraming salamat, Sagada,” aniya.
Dumating naman si Alexander kasa kasama si Meira.
“Naghihintay na sila sa punong bulwagan, mahal na prinsipe,” ani ni Alexander sa binata. “Maai na nating pag usapan ang pagbabalik sa kaharian.”
Humiwalay naman si Erebus kay Sagada, at nagpaalam sa dalaga. Nilisan nila ang lugar upang magpulong.
Nag – paiwan si Meira roon.
Nakatigin dito si Sagada. Kitang kita niya ang pagkakahawig ng dalawa. Lubha rin siyang namamangha sa ganda ng kakambal ng kanyang mapapangasawa. Gustong gusto niya ang kulay araw na mahabang buhok nito.
Sa balikat nito ay nakaupo ang isang maliit na halimaw. Noon lamang nakakita si Sagada ng ganoong nilalang kaya naman hindi siya makapaniwala dito.
“Hindi ka ba natatakot, Kataas taasang Sagada?” tanong ni Meira sa dalaga haban nakatingin sa mga mandirigmang nakatayo sa kanilang harapan.
Napatingin din si Sagada sa mga mandirigma.
“Natatakot din ako,” ani ni Sagada, at napangiti. “Ngayon lamang ako makakasaksi nito ngunit kapag nagtitiwala ako sa mahal kong si Erebus na iyong kapatid. Naniniwala akong kaya niya itong ipinalo.”
Napatingin si Meira sa dalaga na may takot sa mga mata.
“Magkaiba pala tayo,” malungkot na ani ni Meira. “Pagka’t habang lumilipas ang araw ay mas lalo akong natatakot, kataas taasan. Ayokong makipagdigma. Nais ko na lamang manatili dito at maging masaya.”
“Agape,” ani naman ni Haw sa kanyang balikat.
Napabuntong hininga naman si Sagada sa sinabi ni Meira.
Hinawakan niya ang kamay nito.
“Naiintidnihan kita ngunit kailangan mong harapin ang iyong takot dahil paparating na ito,” aniya kay Meira. “Hindi ka pang habang buhay tatakbo palayo dito. Mawawala lang ito kapag hinarap mo. Narito ako upang samahan kang labanan ang takot mo, prinsesa Meira.”
Hindi naibsan ang takot ni Meira. Mas lalo lamang siyang nangamba na ang lahat ay sang ayon sa pakikipagdigma.
Habang sa isang tabi ay agad na umalis ang lalaking nakikinig sa bulwagang pagpupulong nila Erebus. Agad siyang sumulat sa papel sa kung anong narinig niya. Inilagay niya iyon sa paa ng isang uwak saka pinalipad ito.
Matapos ay tinakpan niya ang kanyang mukha upang umalis na roon dahil baka may makahuli pa sa kanya.
At The Fifth Land: The Land of Snakes
Third Person Point of View
Nakangiti si Raciero habang binabasa ang sulat na dala dala ng isang itim na uwak magmula sa malalayag kalupaan ng mga tao.
Nakasuot na siya ng baluti, at handang handa na siya ikumpas ang kanyang espada.
Matapos basahin ay nilukot niya ang paprl na kanyang hawak hawak.
Humarap siya kila Kester, at Den na kapwa nakasuot na rin ng kanilang damit pandigma.
“Tayo na at maglakabay patungo sa ating mga papatayin na kaaway,” ani ni Raciero saka naglakad palabas ng kanyang kastilyo.
Kasunod niya ang kanyang anak na si Kester, at ang kanyang kamay na si Den.
Sa taas ay pinagmamasdan sila ni Mercolita na nakasilip sa kanyang bintana sa silid.
“Raciero, nawa ay sapitin mo ang sinapit ng aking ama,” ani ni Mercolita. “Upang maranasan mo ang tuklaw ng kamatayan. Hindi kita kailangan! Kaya naming mabuhay ng mga anak mo ng wala ka.”
Pumikit si Mercolita. Mapait ang kanyang puso dahil sa ginawa ng kanyang asawa. Nais niyang itakwil ito sa kanyang buhay.