Mag – isang naglalakad si Isaac, hinahanap niya ang kanyang mga kaklase, dahil nga fieldtrip nila ngayong mag – aaral bilang isang senior high school students, kahit man, ayaw niyang pumunta, kailangan niyang pilitin, dahil iyon ang kagustuhan ng taong nagpapa – aral sa kanya. Babalik na sana siya sa bus at doon na lamang siya mag – aantay ng kanyang mga kasamahan, dahil uuwi rin naman sila pagkatapos, naglalakad siya nang tahimik, nakatingin siya sa kanyang phone noon. Napansin niyang may huminto ng sasakyan sa kanyang harap, nabigla naman siya at napatitig na lamang sa sasakyan. Nagsasabi at nagbabala ang kanyang sistema na kailangan niyang makalayo kaagad. Kaya naman, binilisan niya ang kanyang paglalakad, hinanap niya ang bus na kanilang sasakyan. Nakahinga naman siya nang malalim na

