Nakipagkita ngayon si Aya sa kanyang bagong Attorney ngayon, kahit man nanalo at naabsuwelto ang kaso na tungkol sa kanyang clinic, ay isinaayos na muna niya sa kanyang kapatid. Nakatingin na lamang siya sa mataas na building na kanyang kaharap ngayon. Napapabuntong – hininga na lamang siya, bago siya tumuloy at makipagkita sa kanyang bagong attorney na ibinigay sa kanya. Kumalma ka Aya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon. Gusto na munang makipag – usap sa kanya ang bagong attorney na hahawak sa kaso ng kanyang kapatid kapag nagkademandahan na kung sino ang magiging salarin sa pagkamatay ni Aliya. Tinunton kaagad niya ito, tiningnan niya ang lugar kung saan sila magkikita. Sinunod niya ang instruksyon na sinabi nito. May nasalubong sa kanyang tingin, at napatitig sa kanya. Ngumit

