Chapter 37

1461 Words

            Tumayo si Randall na ni hindi niya sigurado kung totoong pangalan nito. Nalukot ang mukha nito at mas nagmukha itong nakakatakot kaysa kanina. Ang mga mata nito ay naging mabalasik ang kislap. Napasinghap si Alaina nang sa ilang hakbang ay natawid na ni Randall ang distansya sa pagitan nilang dalawa at nahawakan na siya sa magkabilang balikat. Namilog ang mga mata niya at umawang na ang mga labi para sumigaw at humingi ng tulong ngunit bumikig ang mga salita sa lalamunan niya nang makita ang labis na pighati at hinanakit sa mga mata ng lalaki.             “Ano ang kailangan ko sa iyo? I have been looking for you for the past eight years! Eight years, Alaina. For those years my mind was always filled with thoughts and memories of you. Hinalughog ko ang buong UAE, pero hindi kit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD