Napahinto ang kamay ng lalaki at napuno ng tensiyon ang buong katawan. Halata ang pagkagulat at sakit sa mukha nito na para bang pisikal niya itong sinaktan. Kahit tuloy hindi alam ni Alaina kung bakit ganoon ang reaksiyon ng lalaki ay nakaramdam siya ng guilt sa puso niya na nasaktan niya ito kahit hindi niya sinasadya. “You don’t remember me?” Tila halos ayaw lumabas sa bibig ng lalaki ang tanong na iyon. Titig na titig ito sa mukha niya at parang may kumurot sa puso niya sa hinanakit na nakita niya sa mga mata ng lalaki. “I’m sorry,” tanging nasabi ni Alaina. Dahil ano pa ba ang maaari niyang sabihin? Kahit anong gawin niya ay hindi niya matandaan kung saan at kailan sila nagkita ng lalaki. Tumiim ang mga labi nito na tila ba nawalan ng sasabihin

