“NAPANAGINIPAN ko na naman kagabi na nasa tubig ako at hindi makahinga. Nagising ako na para akong umahon sa tubig. Hindi ko lang malaman kung anong klaseng body of water iyon, kung ilog, lawa o dagat ba.” “Sabi ng lola ko, kapag daw nakakapanaginip ka ng tubig, ibig sabihin may parating kang suwerte. Madalas sa pera pero puwede rin namang ibang klase ng good fortune. Baka may darating kang suwerte!” Natigilan si Alaina mula sa paghuhugas ng mga rekadong gulay para sa mga putaheng iluluto niya at napatingin sa matalik niyang kaibigan na si Lilian. “Sa tingin mo?” tanong niya. “Sigurado ako. Isipin mo ha, ang sabi mo sa akin noong una tayong nagkakilala, college freshman year, ilang buwan bago ang pasukan ay palagi kang nakakapanaginip na nasa tubig ka

