Chapter 47

1069 Words

MABILIS na lumipas ang mga araw. Araw-araw pa rin nagpupunta si Randall at Salem sa restaurant at tuwing umaga ay nakangiting sinasalubong ni Alaina ang dalawa. Sumasabay na rin siya mag-almusal kay Randall bago siya magpunta sa kusina upang magluto. Tuwing break niya ay pumapasyal siya sa lamesa ng binata na abala pa rin sa laptop nito at minsan ay may kausap sa cellphone. Pero kapag lumapit na siya rito ay tinatapos na ni Randall ang tawag at itinutuon na sa kaniya ang buong atensiyon nito. Sa gabi naman kapag nagsara siya ng restaurant ay naabutan niya ang binata na naghihintay sa tabi ng sasakyan nito para ihatid siya pauwi.            Ang mga simpleng gestures na iyon ni Randall ay palaging nagdudulot ng mainit na haplos sa puso niya. Mas sabik tuloy siyang bumangon tuwing umaga at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD