“HOW did she know that I’m here?” tiim ang mga bagang na tanong ni Randall kay Salem nang makarating sila sa hotel kung saan siya tumutuloy. Kanina habang nasa bahay sila ni Alaina ay tumawag ang assistant niyang si Doug sa business line niya na hawak ni Salem para sabihing papunta sa Pilipinas ang mama niya. “Looks like she came to Abu Dhabi earlier than your father who is still in the US and she found out that you’re not there,” sagot ni Salem. Marahas na napabuga ng hangin si Randall nang makarating siya sa hotel suite niya. Kilala niya ang mama niya. Malamang nag-alburoto ang may-edad na babae at dinakdakan ang mga empleyado niya hanggang may umamin kung nasaan siya. “She must not know where to find Alaina. I don’t want them to meet yet.” Dahil sigu

