AKALA ni Alaina dederetso na sila ni Lilian sa hotel kung saan tumutuloy sina Randall. Kaya nagulat siya nang dumaan muna sila sa apartment ng kaibigan niya. “Bakit tayo nandito?” takang tanong niya. “Ano ka ba, hindi kita hahayaan pumunta doon na jeans at blouse ang suot ‘no. Dapat maganda ka para kung sakaling may makasalubong kang hindi kanais-nais ay makakalaban ka,” sabi ni Lilian. Napangiti si Alaina. “Kahit naman naka-jeans at blouse lang ako hindi ako magpapaapi, Lil.” “Basta. Isipin mo na lang magpapaganda ka para sorpresahin si Randall. Para marealize niya kung ano ang mawawala sa kaniya kung niloloko ka lang niya,” giit ni Lilian. Kaya hinayaan na lamang niya ang kaibigan niya. Pagdating nila sa hotel ay pareho na silang nakasuot

