Sandaling nag-alangan si Alaina. Pero nang mapatingin naman siya sa mukha ni Randall ay parang may sariling isip na kusang kumilos ang katawan niya at umupo sa silyang hinatak nito. Inilapag niya ang tray at percolator sa lamesa. Napasulyap siya sa laptop bago muling inangat ang tingin sa mukha ni Randall. “Naka-leave ka ba sa trabaho kaya malaya ka nakakatambay sa restaurant namin maghapon?” “You can say that,” sabi ni Randall. Bumaba ang tingin nito sa tasa ng kape bago muling tumingin sa kaniya. “Puwede bang ikaw ang maglagay ng asukal at cream sa kape ko?” Umangat ang isang kilay ni Alaina pero tumalima naman. Hindi niya alam kung anong klase ng timpla ang gusto nito kaya ang sukat na palagi na lang niya ginagawa sa sarili niyang kape ang inilagay niya. Pagkatap

