Chapter 42

1806 Words

“SASAMA ka sa kaniya sa sabado?!”            Pinanlakihan ni Alaina ng mga mata si Lilian. “Ang lakas ng boses mo,” saway niya sa kaibigan. Hapon na at nasa loob sila ng opisina dahil pareho nilang break. Sa totoo lang ay matagal pa niya pinag-isipan kung sasabihin ba sa babae ang tungkol doon o hindi. Sa huli naisip din niya na dapat niyang sabihin kay Lilian ang nangyayari. Pati na rin ang lihim na hindi niya sinabi rito at kay Lucas. After all, ang dalawa ang maituturing niyang matalik na mga kaibigan.            “Pero Alaina, kahit na super hot siya ay ilang araw pa lang mula nang sumulpot siya rito. Hindi mo siya kilala at hindi mo alam kung saan ka niya dadalhin. Paano kung mga human trafficer pala sila at sinusuyo ka lang para kidnapin?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Lilian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD