“Alaina,” usal ni Randall at sandaling hinagod ang likod niya na para bang inaalo siya. “Everything will be okay. Makakaalis tayo dito. Trust me,” bulong pa nito sa tainga niya. Tumango siya at lalong humigpit ang yakap niya rito. Tila may sasabihin pa si Randall pero sabay silang napaigtad nang biglang umalog ang sinasakyan nilang bangka at nakarinig sila ng malakas na lagabog na para bang bumangga sila sa kung ano. Muntik na nga mauntog si Alaina sa pader kung hindi lamang naalalayan ni Randall ang ulo niya. Kasunod niyon ay ang malakas na boses at mga yabag ng mga kidnapper mula sa labas. “Ano iyon?” halos hindi humihingang bulong niya sa binata. Tila galit na nagsisigawan ang mga kidnapper at matiim na nakikinig si Randall. Pagkatapos ay tumingin

