ANG unang naramdaman ni Alaina nang unti-unti siyang magkamalay ay ang matinding kirot at pangangapal ng isang bahagi ng mukha niya at ang sakit ng mga braso niyang nakatali sa likuran niya. Kasunod niyon ay naging aware siya sa malayong tinig ng mga lalaki sa lengguwaheng hindi niya maintindihan at ang pagugoy ng kung nasaan man siya. Hirap na iminulat niya ang mga mata at kadiliman lamang ang nakita niya. Mahina siyang napaungol. “Alaina, are you awake?” bulong ng pamilyar na tinig ni Randall. Tuluyang nagising ang diwa ni Alaina at iginala ang tingin sa masikip na silid kung nasaan siya. Pilit siyang bumangon na mahirap gawin dahil nakagapos pala pati ang mga binti niya. “Randall?” tawag niya rito sa pabulong ring tinig. Napaigik siya nang sa wakas ay makabango

