“ANG BILIS ng oras. Papalubog na ang araw,” usal ni Alaina. Magkahawak kamay silang naglalakad ni Randall sa dalampasigan. Kanina pa sila umalis sa restaurant kung saan ibinahagi din nila sa ibang customer ang cake na binili nito para sa kaniya kasi masyadong malaki at hindi nila naubos nina Salem. Nakarating sila sa dulong bahagi ng beach kung saan walang ibang tao kung hindi silang dalawa lang at si Salem na nakatayo ilang metro ang layo sa kanila. Mukhang nagdesisyon itong bigyan sila ng privacy matapos ang pamimilit niya rito na saluhan sila sa tanghalian. “Yeah. Pero dahil linggo bukas puwede pa naman tayo magkita uli. I will just check in sa pinakamalapit na hotel,” sagot ni Randall. Nakangiting tiningala niya ang mukha nito. “Okay.” Pagkatapos

