Napakunot noo si Alaina nang mapansin ang dalawang lalaki sa di kalayuan na nakatingin din kay Randall pero hindi tulad ng iba ay walang paghanga sa mukha ng dalawa. Masyadong seryoso ang ekspresyon sa mukha ng dalawang lalaki at sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Alaina ay bigla siyang kinabahan. Subalit nang kumurap naman siya ay hindi na nakatingin ang dalawa kay Randall at naglakad pa nga palayo sa kanila. Nakahinga siya ng maluwag at napailing. Napa-paranoid lang ako dahil sa kuwento ni Randall na nangyari sa kaniya noon. Idagdag pa ang mga balitang napapanood ko sa tv. “Alaina,” tawag ni Randall sa kaniya. Agad na hinamig niya ang sarili at nakangiti nang tumingin sa binata na naglalakad na palapit sa kaniya. Inilahad nito ang kamay. “Let’s go back,” aya

