Eight years later… PAPASIKAT na ang araw sa silangan. Katulad ng bawat umaga sa nakaraang walong taon, kahit nasaan pa siya, kahit gaano pa siya kapagod, kahit gaano siya kaabala, ay nagigising si Randall bago sumikat ang araw. Palagi ay sinisiguro niya na ang silid na inookupa niya ay iyong nakaharap sa direksiyon kung saan maaari niyang makita ang sunrise. Katulad ng penthouse niya sa high rise building ng Qasim Oil Company sa Abu Dhabi na kabibili lamang niya tatlong taon ang nakararaan mula nang magkaroon siya ng mataas na posisyon sa kumpanya. Pinili niya ang gusali na iyon dahil ang full glass wall ng penthouse niyon ay nakaharap sa silangan. Ang pinaka--headquarters kasi talaga ng kumpanya ay sa Saudi Arabia kung saan mas malapit ang malalaking Oil Fields. Mas madalas d

