MADILIM at tahimik sa loob ng hospital room niya nang muling magising si Randall. Nang igala niya ang tingin ay napagtanto niya na nag-iisa lamang siya roon. Hirap na bumangon siya at napangiwi nang kumirot ang buong katawan niya. Napatingin siya sa pinto at kahit hindi niya nakikita ang nasa labas niyon ay alam niyang may taong nakatayo roon. “Salem,” usal niya sa paos na tinig. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto. “Master Randall,” sagot ni Salem na pinindot ang switch sa tabi ng pinto. Bumaha ang liwanag sa silid. Nasilaw siya subalit hindi niya iyon inalintana at nanghihinang bumaba sa kama. Mabilis na lumapit sa kaniya si Salem at inalalayan siya. “I want to see Alaina,” sabi niya. “Your father told me not to let you see her,” sabi ni Salem.

