Lumambot ang ekspresyon sa mga mata ni Randall at humaplos ang hinlalaki nito sa pisngi niya. Humilig ito hanggang magkadikit ang mga noo nila. “Pareho lang tayo. Dahil ang nararamdaman ko para sa iyo hindi nawala. I can’t sleep at night because I always think of you. Even in my dreams you were there. Sa umaga pag gising ko, mukha mo ang una kong naiisip. And I know, that what I feel is not mere like.” Bahagya nitong inilayo ang mukha at ginawaran ng masuyong halik ang noo niya. “Alaina,” usal nito na puno ng emosyon. Napapikit siya at sunod nitong ginawaran ng halik ang kaniyang mga mata. “Alaina,” muli ay tawag nito sa pangalan niya. Bumaba ang halik nito sa tungki ng ilong niya. “Alaina.” And then he softly kissed her lips. Tuluyang tumulo ang mga luha niya subalit buong puso niyang

