MARAMI ang nagsalo sa almusal kinabukasan. Ang alam ni Randall ay plano ng mga magulang niyang sumabay ng alis sa mga natirang bisita. Kaya nang ipatawag siya ng kaniyang ama upang makapag-usap sila sa library matapos ang almusal ay akala niya magbibilin na lamang ito ng mga kailangan niyang trabahuhin. Subalit nang magtungo siya sa library nakita niyang bukod sa mga magulang niya ay naroon din si Diana Medici, ang babaeng kinailangan niya pakitaan ng mabuti kagabi kahit labag sa loob niya dahil utos ng papa niya. Nakita pa lamang ni Randall ang pagsilay ng ngiti at kislap sa mga mata ni Diana ay nasiguro na niyang hindi niya magugustuhan ang sasabihin ng mga magulang niya. Subalit kahit ganoon ay pinanatili niyang walang emosyon ang mukha niya. Sa nakaraang isang buwan, sa harap lamang

