14

1127 Words
MIKA’S POV Ilang buwan na pala ang nakalipas simula ng maging scholar ako ng unibersidad na ito, ngayon ang huling araw bago matapos ang unang semester ng unang taon ko sa kolehiyo. Alas kwatro na ng hapon at narito ako ngayon sa tabi ng Carpark, naglalakad papalabas habang pinagmamasdan ang pagkaluskos ng malamig na simoy ng hangin sa mga naglalakihang mga punong naka palibot sa Unibersidad na ito. Tahimik ang paligid at tanging sinag ng ilaw mula sa mga bukas na food stalls ang tanging makikita sa bandang ito. Nitong nagdaang linggo ay nilaan ko ang aking oras sa paghahanap ng part time job sa kadahilanang hindi na sapat ang allowance na nakukuha ko mula sa Unibersidad. At sa wakas, kahapon nga lamang ay nakatanggap ako ng text message na ngayong araw ang unang araw ko sa trabaho sa Manila Cafe. Habang iniisip ko pa lamang na natanggap ako sa trabaho ay laking saya na ang idinulot nito sa ‘kin. Sa patuloy na paglalakad at patuloy na paghakbang ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat, gayundin ang pagka ubos ng liwanag mula sa mga food stalls dahil papalayo na ako ng papalayo sa mga ito. Sa sandaling itinaas ko naman ang aking paningin ay bumungad ang makulimlim na kalangitan kasama ang maitim na mga ulap. Nagmadali na ako sa paglalakad at sa sandaling narating ko ang unahan ng gate ay biglang bagsak ng napakalakas na ulan na animoy tanging sa akin lamang nakatutok ang matinding pagbuhos nito. Napatingala ako sa kalangitan para damahin ang pagpatak ng maliliit na ulan sa aking mukha. At nang ibaba ko ang tingin ay agad na sumilip ang dilaw na liwanag mula sa isang sasakyan sa aking likuran na sinundan ng malakas na busina mula rito. Umalingawngaw ang matinding tunog na ito sa mga natutulog kong ala-ala na matagal ko ng pilit ibinabaon at kinakalimutan. Kaya’t muling nagising at sumariwa sa aking isipan ang trahedyang naganap walong taon na ang nakararaan. Buong akala ko ay naibaon ko na ito ng tuluyan, hindi pala… Siguro nga ay mayroong mga bagay na hindi natin dapat kalimutan kahit gaano pa ito kasakit at kahirap tanggapin. Naglakas loob akong tumingin sa harapan, nagbabakasakaling lahat ng ito ay nagkataon lamang, subalit, sa oras na napako ang aking tingin sa kotseng itim habang nakatutok ang dilaw na liwanag mula sa ilaw nito ay hindi na ako nakagalaw pa, gustuhin ko man ay hindi ko magawang mapilit ang aking katawan. Sa pagtigil ng oras ay siya ring pagtigil ng aking mundo, sa mga sandaling iyon ang tanging nagpatuloy lamang ay ang pagtakbo ng mga alaalang naganap walong taon na ang nakalipas, ngunit tila parang kahapon lang nang ito'y nangyari. Hinding-hindi mabubura sa aking isipan ang mga pangyayaring naganap noong gabing iyon, mula sa bawat pagpatak ng segundo’t dugo sa lupa, makasalanang kilos na ginawa, hanggang sa mga huling salitang binitawan. Lahat ng yon ay sariwa at nakatatak sa aking nakaraan. Napansin kong ilang minuto na akong narito sa aking kinatatayuan. Hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siya ring pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. At sa mga segundong nagdaan, paghinga’y tumigil, paningi’y nagdilim, hanggang sa naramdaman ko na ang pagbagsak ng aking katawan. Ang tanging narinig ko na lamang ay ang papalakas at papalakas pang mga yabag patungo sa akin, hanggang sa… Tuluyan na akong nawalan ng malay. **** “Nurse, call the Doctor’s!” Sigaw ng isang lalaki, matapos makitang dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng sakit mula sa likurang bahagi ng aking ulo, marahil ay napasama ang bagsak ko kanina. “Anong nangyari sa ‘kin?” tanong ko sa sarili. Nang maimulat ko na ng tuluyan ang aking mga mata ay hindi pa rin ito ganoon ka linaw, malabo pa rin ito ng bahagya at tanging kulay at hugis pa lamang ang tiyak kong nakikita. “Don’t worry, you’re safe, I’m with you.” isang boses ng lalaki ang aking narinig, bakas sa kaniyang pananalita ang labis na pag-aalala. “Siya kaya ang nagdala sa ‘kin rito?” bulong ko sa sarili. Patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ulo kaya’t hinayaan ko munang nakasandal ng bahagya ito sa unan. Mapaparinig mo ang yabag galing sa mga Doctor na nagmamadaling makarating rito mula sa hallway papunta sa kwarto kung nasaan ako. “Don’t worry, Doctors will be here on a matter of seconds.” pagpapakalma niya sa ‘kin. “F*ck what’s taking them so long,” mahinang sabi nito, subalit narinig ko pa rin. “Finally.” he sighed. Pagpasok pa lamang nila ay agad ng sinimulan ang pagtingin sa’kin, “Examine the monitor, check the vitals.” “Everything is normal, Director. Heart Rate, 89 beats per second, blood pressure 108/68 mmHg, body temperature 98.2 fahrenheit. Oxygen saturation and Respiration are all good.” “I need you to relax, what’s your name?” mahinahon niyang tanong sa ‘kin. “Mika,” mabagal kong sagot. “Hi, Mika. I’m Doc. Luciano, the director of this Hospital. We will be running some test so I need you to relax and calm down. Okay?” pagpapaliwanag niya. I nodded. Kinuha niya ang maliit na flashlight sa kaniyang bulsa at itinapat ito sa aking kanang mata, pagkatapos ay isinusunod naman niya ang kaliwang mata ko. “Good,next” Itinaas naman niya ang dalawang daliri at mahinahong nagtanong kung nakikita ko ito at ilan ang bilang nito. “Dalawa.” mabagal kong sagot. Pagkatapos nito ay ibinalik na niya ang kaniyang mga gamit sa bulsa at kinausap ang lalaking nanonood lamang sa sa isang sulok ng kwarto. “It's a good thing you got her here quickly. All of her vitals appear to be fine on the monitor, but we'll do run some tests to double-check her status. Due to the moderate head concussion, her vision is currently unstable, or she might experience dizziness from time to time. But don't worry, she's now safe.” rinig kong pagpapaliwanag nito. “Mika. You should appreciate my pamangkin for this. I'm not sure how terrible your position would be if it weren't for him. And I didn’t know he can be this caring towards other.” “Thank you po, Doc. Thank you rin sayo.” pagpapasalamat ko, kapag bumuti na ang lagay ko, tsaka ko na lang siya papasalamatan ng mas maayos. "We'll be back tomorrow for your checkup; in the meantime, sleep and rest the entire night." Umalis na sila sa kwarto at ang tanging natira na lamang ay kaming dalawa ng lalaking nagdala sakin rito. “Uhmm-” “I should probably go.” he said. “No.” sigaw ko. Ha? Anong wag, Mika?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD