15

1106 Words
MIKA’S POV “Thank you,” pasasalamat ko sa ginawa niyang pagligtas sa ‘kin. Hanggang ngayon ay malabo pa rin ang paningin ko at tanging kulay at hugis pa lamang ang aking nakikita. “For what?” malamig at pabulong na sagot nito. “Sa pagdala mo sa ‘kin rito, at pagligtas mo habang nagkakaroon ako ng panic attack kanina. Kung hindi dahil sayo, baka kung ano na ang nangyari sakin.” nakangiti kong sabi. Hindi ko makita kung anong reaksyon niya at kung anong itsura niya kahit malapit lang siya sa ‘kin. “Get some sleep, I’m off.” “Sandali!” malakas kong sigaw matapos marinig ang yabag ng kaniyang mga paa papaalis. “Anong pangalan mo?” “Vince.” “Vince, nice. Ang sosyal naman ng pangalan mo.” Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa… “Vince!” sigaw kong muli. Hindi siya sumagot. Napatigil lamang ito at agad na humarap sa akin, na para bang inaantay niya lamang kung ano ang sunod kong sasabihin. “Pasensya na, pero pwede mo ba akong ikuha ng isang baso ng tubig bago ka umalis?” hiling ko. Hindi pa rin ito sumagot. Naglakad lang siya papunta sa direksyon ng water dispenser, nang makakuha na ito ng tubig ay lumapit siya sa akin sabay hawak sa aking baba. Naramdaman ko ang init ng kanyang palad ng dahan-dahan niyang ibaba ang aking baba gamit ang kanyang kaliwang kamay upang magbukas ang aking mga labi, habang hawak ng kaniyang kanang kamay ang baso ng tubig na pinapainom sa ‘kin. Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa aking lalamunan ay siya ring pag bilis ng t***k ng aking puso. Sa mga sandaling iyon ay hindi ko maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman. “Hindi naman sa nagrereklamo ako.Pero bakit siya pa mismo ang nagpainom sa ‘kin? Akala ba niya’y injured din ang kamay ko?” mga salitang dumadaloy sa aking isipan ng mga oras na iyon. Pagkatapos niya akong painumin ay inilapag niya lang saglit ang baso sa lamesa at agad nang naglakad papalabas. “Vince!” ikatlong sigaw ko na ‘to. Napahinto ulit siya sa paglalakad. Humiling ulit ako ng isa pang beses. “Pasensya na talaga, pwede mo bang hilahin pataas yung curtain blinds? Ayaw ko kasi ng masyadong madilim, para may pumasok na liwanag kahit konti.” “Ayon, roon sa may bintana” nakanguso kong pagtuturo ng direksyon sa kaniya. At gaya ng inaasahan wala pa rin itong imik, naglakad lamang siya patungo sa may bintana at hinatak paitaas ang kurtina. Tumama sa aking mga mata ang sinag ng liwanag galing sa buwan matapos niyang mabuksan ang curtain folds. “Konti lang,” reklamo ko. Kaya’t hinila naman niya ito paitaas ngunit nasobrahan naman ito sa pagkakasara. “Sumobra naman.” Nakita kong lumingon ito sa akin ng ilang segundo, inis na ata ‘to. Napangisi ako ng bahagya. Hindi pa rin ganoon kalinaw ang aking paningin, kung mas malinaw lang ito, siguro’y abot tenga na ang tawa ko dahil sa reaksyon niya, sayang! “Is this good?” tanong niya. Tumango na lamang ako at bumalik na sa pagkakahiga, wala na akong maisip pang dahilan para manatili siya ng mas matagal. Dumaan ang ilang segundo at muli na siyang nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang maiiwan na ‘kong magisa rito sa kwarto. Sa lahat ng lugar, Hospital ang pinaka ayaw ko. Napansin kong mababa pala ang unan na hinihigaan ko, nakita ko ang extrang mga unan sa may sulok malapit sa upuan kaya’t tinawang kong muli ang kaniyang pangalan at agad itong huminto sabay harap sa akin. “Sorry talaga, last na. Pede ka bang kumuha ng isang unan ron? Hindi kasi ako komportable kapag mababa ang hinihigaan ko.” pangungulit ko. Naglakad ito papuntang sulok, kinuha ang isang unan sa may upuan at inabot sa akin. “Wala bang mas malambot?” pagrereklamo ko habang nakangiti. Bumalik ito at kumuha ng mas malambot na unan. Sumimangot ako at sinabing “Masyadong malambot, yung katamtaman lang ang tigas at lambot.” At sa ikatlong pagkakataon ay bumalik itong muli at nagdala ng unang di hamak na mas matigas kesa sa naunang inabot niya. “Tingnan mo parang ang rumi naman ata ng unan na ‘to. Baka magka tigyawat pa ‘ko d’yan e.” pagrereklamo ko kahit hindi naman talaga ako gano’n kalinis sa katawan. Napabuntong hininga ito at sa huling pagkakataon ay bumalik siyang muli para kumuha ng panibagong unan. “Here, choose whatever you like.” sabay patong ng mga unan sa kama. Laking gulat ko ng dalahin nito ang apat pang natirang unan sa upuan na may kasama pang puting kumot. “There’s also a blanket here, incase you need one.” banggit nito habang nakaturo ang daliri sa mga inilapag niyang gamit. “Thank you.” pagpapasalamat ko. He smiled, napatahimik ako. Di ko na alam pa kung anong pedeng hilingin, halos lahat nagawa na niya. Siguradong nag iinit na ang dugo niya sa dami ng mga pinagawa at inutos ko sa kaniya. Muli kong narinig ang yabag ng mga paa niya, papaalis, papalayo, papahina ng papahina ang tunog, na walang ibang ibig sabihin kundi ang tanging taong nasa loob ng madilim at malamig na kwartong ito, ay tanging ako, magisa. Hindi ko napigilan ang sarili, ayaw kong mapagisa, mukhang mahaba pa naman ang gabi. “Vince, Anong oras na?” huli kong tanong. “8:52 pm.” “Okay, Thank you.” pabulong kong sagot. Binuksan na niya ang pintuan ng kwarto at ang huling yabag na aking narinig mula sa kaniyang mga paa ay ang paglabas niya ng silid, kasabay ng pagsara ng pintuan. Wala na akong nagawa pa, kundi tumahimik na lang kaysa sayangin ko ang oras niya sa pangungulit ko. Hinayaan ko na siyang lumabas at umalis ng kwarto. “Vince, Vince, Vince, Vince.” paulit-ulit kong binabanggit ang kaniyang pangalan, sa mga sandaling ito ay tanging sa kaniya lang ako pedeng dumipende at umasa. Wala akong kilala ni isang tao sa loob ng hospital na ito. Hindi ko maipaliwanag subalit magaan ang pakiramdam ko sa lalaking iyon, pakiramdam kong ligtas ako ng mga oras na nandito siya. “Vince.” patuloy pa rin ang pagbigkas ko sa kaniyang pangalan habang yakap-yakap ang isang unan na dinala niya. Humiga na ako ng tuluyan at dahan-dahang ipinikit ang malumbay na mga mata. Sa huling pagkakataon ay binigkas kong muli ang kaniyang ngalan, “Vince,” Hanggang, sa narinig ko ang pagtunog ng door knob na naging dahilan ng pagmulat ng aking mata, nagbukas ang pintuan at sa sandaling iyon ay dumungaw ang isang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD