20

2022 Words
MIKA’S POV Nang imulat ko ang aking mga mata ay sumilip ang matinding liwanag mula sa sikat ng araw, at ng bumangon ako sa pagkakahiga ay agad namang bumungad ang napaka linis at tahimik na silid. “Talagang naglinis pa siya bago umalis.” bulong kong nakangiti. Pumasok na kaya siya? Saan kaya siya nagaaral? Mga tanong na naglalaro sa utak ng dalaga. Maraming bagay silang napagkwentuhan kagabi subalit ang mga personal na bagay gaya nito ay hindi kabilang roon. Tumayo na ito ng tuluyan sa pagkakahiga at nag unat-unat ng ilang mga minuto bago siya pumasok sa banyo. Habang naghihilamos ito ng mukha at nagsisipilyo ay biglang may pumasok na nurse sa kaniyang kwarto. “Bakit walang tao rito?” rinig niyang bulong ng Nurse. “Narito po!” malakas na sigaw ni Mika “Ay, nariyan po pala kayo, pasensya na po sa abala. Ilalapag ko na lang po rito sa lamesa ang breakfast nyo.” mahinahon at dahan-dahang pahayag ng Nurse. “Salamat po.” banggit ni Mika. Narinig nitong nagsara na ang pinto na pahiwatig na naka alis na ang Nurse. Pagkalabas nito ng banyo ay agad siyang dumiretso sa may lamesa para tingnan ang mga pagkaing nakahain rito. Nagulat siya sa rami ng pagkain na nakalatag na halatang pinagisipan pa ng husto para sa kanyang kondisyon. “Porridge! Paborito ko pa naman ito.” sigaw niya. Bumungad sa kanyang mata ang mga pagkaing gaya ng porridge, french bread, egg soup, yogurt, camelia tea at iba’t ibang prutas sa bowl na gayat na. “Talaga ngang big time dito sa Hospital ng tita ni Vince.” bulong niya sa sarili. Nagsimula ng kumain ng agahan si Mika at tiyak niyang marami pa siyang kailangang test na gawin para sa kaniyang check up mamaya. Pagkatapos ng ilang minuto matapos maubos ni Mika ang pagkain sa lamesa ay muling pumasok ang nurse na nanggaling rito kanina. “Tapos ka na ba kumain?” tanong nito. Tumango lamang ako at ngumiti rito. “Nagustuhan mo ba? Si sir Vince pa naman ang pumili ng lahat ng yan.” banggit nito. “Si Vince?” nagulat kong tanong. “Opo.” Hindi na nakapagtataka, kagabi ay nabanggit ko sa kaniya ang mga paborito kong pagkain habang nagkekwentuhan. Kaya pala halos lahat ng nakahain ay paborito ko, napangiti ako ng bahagya. “Ms. check ko lang ang temperature mo ah.” sabi nito. Itinaas ni Mika ang manggas ng suot niyang damit at naghintay na ilagay ang thermometer sa kaniyang kilikili. “Ay hindi na po kailangan, ang gamit po namin ay infrared thermometer para mas accurate po ang temperature niyo.” pagpapaliwanag nito. “Ay sorry, normal na thermometer lang kasi ginagamit namin sa Batangas.” napahikbi ito. Nagkangitian ang dalawang babae, itinapat na ng nurse ang thermometer sa kaniyang noo. “36.9, normal naman po ang temperature niyo. Pero may darating pa po ritong isang nurse mamaya para ipaliwanag ang mga gamit na iinomin niyo po.” pahayag nito at lumabas na ng kwarto. “Talagang big time ang Hospital na ito.” “O baka dahil taga probinsya lamang ako kaya di ko alam ang mga ganoon.” Lumipas ang ilang oras at dumating na ang nurse na siya namang nagpaliwanag sa mga gamot na kailangan kong inumin. Natapos ko na rin ang mga test at agad ring lumabas ang resulta ng mga ito, lahat ay normal at nasa maayos ng kalagayan. Nadagdagan pa ang mga oras pero ang takbo nito ay tila ba pabagal ng pabagal. Unti-unti na kong nauubusan ng gagawin, nabobored na ‘ko. 6 o’clock na at hindi pa rin nagpapakita si Vince, wala tuloy akong makasama at maka kwentuhan. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay tumingin sa mga animoy langgam na mga sasakyan sa sobrang liit nito pagmasdan mula sa bintana ng aking kwarto. “Isa kaya ang sasakyan ni Vince sa mga sasakyang nakikita ko?” tanong ko sa sarili. Patay bukas, patay bukas na rin ako ng telebisyon. At sa tuwing magbubukas ang pinto ng kwarto ay hinihiling ang pagpasok ni Vince subalit, mga nurse na naka assign lang ang dumarating. “Hays.” napabuntong hininga na lamang ako ng napakalalim. Hindi ko nga alam kung darating pa ba si Vince. O baka tapos na siyang tumulong sa akin at kagabi na lamang ang huling beses ko siyang makikita? Bumalik na lamang ako pagkakahiga, pinatay ang ilaw at ipinako ang tingin sa dingding habang yakap-yakap ang isang unan. Gustuhin ko mang matulog ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog, marahil ay sa sobrang haba ng pahinga ko kaninang umaga. Punong-puno ako ng enerhiya ngayon subalit wala naman akong magawa. Kung nandito lamang sana si Vince… “Mali! Ano ba naman yan Mika!” sigaw ko sa sarili. Hindi naman pwedeng umasa na lang ako sa kaniya palagi… Sana man lang kahit si Steff nandito para samahan ako, kaso wala rin siya. Hindi ko alam kung paano siya tatawagan at ng dalahin ako rito ni Vince sa Hospital ay wala raw siyang nakikitang telepono ko. Baka nawala nawala habang nahimatay ako sa Carpark. Alas otso na ng gabi at hindi pa rin dumarating si Vince, narito pa rin ako sa madilim, tahimik at napakalamig na kwarto, nagiisa. Sa sobrang pagkainip ay hindi ko na nakayanan pa, lumabas na ako ng kwarto at umakyat sa rooftop ng building para lumanghap ng sariwang hangin. Bago ako magtungo rito ay nagpaalam muna ‘ko sa Nurse na nasa front desp para kung sakaling hanapin nila ako ay alam nila kung saan ako matatagpuan. Pagkarating ko sa itaas ay naramdaman ko agad ang init at sariwang hangin. “Sa wakas…” Vince’s POV After a long busy day, an unexpected turn of events happened, now I’m here stuck in the middle of the traffic. It’s almost 10 o’clock in the evening. I didn’t got the chance to eat anything because of the heavy work earlier. I’m going to the hospital to check if Mika is getting better, maybe I’ll spend the night there as well? It’s almost 10 o’clock on the evening ng makalampas ako ng traffic, pagkarating ko ng Hospital ay ipinark ko na ang kotse sa parking area. Nang makapasok na ako ay agad na akong dumiretso sa kwarto ni Mika. Habang naglalakad sa hallway ay binati ako ng ilang mga nurse na nakasalubong ko, ang iba rito ay nagbubulungan pa sa kanilang mga kasama. Pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sakin ang isang silid na walang laman, tahimik at nakasara ang mga bintana. Kumatok ako ng ilang beses sa pintuan ng banyo ngunit wala ring taong sumagot rito, at ng buksan ko na ang pintuan ay wala ring laman ito. Agad akong sumibarat ng takbo patungong front desk para alamin kung anong nangyari at kung bakit walang tao sa kwartong ni Mika. “Excuse me. What happened to girl on room 218? Na discharge na ba siya kanina?” naghihingalo kong tanong sa nurse na nasa gitna. “Siya ba yon?” “Kapag sinuswerte ka nga naman,” “Mas pogi siya sa personal kesa picture sa internet no?” “Ang tangos ng ilong,” Rinig kong bulong ng mga katabi nitong nurse na nakapako ang tingin sa akin. “Let me check po, room 218?” tanong niya. “Yes po.” I answered quickly. “Mikaella Iris Joaquin Reyes?” pag banggit ng nurse sa buong pangalan ni Mika. “So that’s her whole name, pretty.” hindi ko sinasadyang nabanggit. “Po?” pagtatakang tanong ng Nurse. “Nothing, Yes it’s her po. What happened bakit wala siya sa room? Nadischarge na ba siya?” “No, actually the next day pa siya ma didischarge ayon sa informations dito.” she said habang tinututuro ang computer. “Mika? Siya ba yung may bandage sa ulo na maganda at maikli ang buhok?” tanong ng nurse na katabi nito. I nodded aggressively. “Ah wag kang magalala nagpaalam siya sakin kanina, magpapahangin lang daw siya sa rooftop saglit.” pagpapaliwanag niya. Nasa rooftop pala siya. It’s late, dapat nagpapahinga na siya ng mga ganitong oras. “Okay, thank you po.” nagpasalamat na ako at tumalikod. “Wait!” “Ikaw ba ‘to?” Nang humarap ako ay inabot nito sakin ang kaniyang cellphone at bumangad sa aking mata ang mga larawan kong nagviral sa coffee shop. “Nope. It’s not me.” I lied. “Really? Pero it looks like you.” nagtatakang tanong nila at tiningnan pang mas mabuti ang larawan na nasa picture at mukha ko. “Ikaw ‘to, e.” pagpupumilit nila. “Sige po, goodnight. Thank you.” pagpapaalam ko at tumakbo na ng mabilis papaalis. Pagkarating ko sa taas ay dumampi sa aking balat ang mainit at sariwang hangin na nagmumula sa ibaba patungo rito sa taas. Nilibot ng aking mga mata ang bawat sulok ng lugar hanggang sa makita ko ang babaeng aking hinahanap. Sa wakas ay natagpuan ko rin siya, nakaupo sa may sulok, nakasandal sa may pader at nakatungo ang ulo nito ng bahagya na tila ba ay nakatulog na. Nilapitan ko ito, tumayo ako sa kaniyang harapan at sinabing “Mika,” malambing kong pagtawag sa pangalan niya. At nang marinig niya ang tinig ko ay dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang tingin sabay tingin sa akin ng nakasimangot at kumikinang ang mga mata. “Dumating ka,” she frowned. “Of course, pwede bang hindi.” I flashed a smile at her. Iniabot ko ang aking kamay upang siya ay itayo. Nang abutin niya ito ay marahan ko siyang itinaas at pinagsabihan, “Why are you here? Kung hindi ako dumating edi tuluyan ka ng nakatulog rito.” “Sino kayang antagal-tagal dumating.” reklamo niya. I laughed, “so you’re waiting for me?” I said as I tease her with a smile. “Hind kaya!” she blushed, her entire face was inflamed. “Oh, ba’t ka namumula?” I said as I pinched her red cheeks, “Ha? Sinong namumula? hindi kaya!” she denied, it was the first time I saw her roll her eyes, she’s cute. “Okay na, nakatayo na ‘ko. Pakibatawan na ng kamay ko.” naasar na reklamo nito. “Admit it first.” pag pupumilit ko while grasping her hand gently. “Admit what?” she pretends she doesn’t know what im talking about. “Na you waited for me.” tuloy pa rin ang pagpupumilit ko. “Hindi nga, nagpapahangin lang ako dito.” she said, she can’t even look at my eyes. “Bitaw na kasi!” pagpupumilit. I shook my head, “Ikaw rin, do you want us to freeze her. Just admit it already, Mika.” I said, still holding her hand. She suddenly felt sick, “Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak.” I let go of her hand the instant I heard thos words, “I’m sorry, I forgot you’re still recovering.” Her eyes were groaning, she walked passed by me slowly, “Umiikot ang paningin ko, parang mawawalan ata ako ng ma-”she fell without finishing her sentence. I quickly grabbed her head as I saw her falling, “what’s wrong?” I worriedly said, my voice were trembling. “Mika!” I yelled. “It’s a prank,” iminulat niya ang kaniyang mata sabay tawa ng napakalakas. Tumayo siya sa pagkakahiga sa braso’t hita ko, “Yon lang pala makakapag patigil sa pangaasar mo, e.” she said, smiling with the moon shining above her. What a scenery, I stayed for that moment with my knees on the ground. I watch her skin and smile glow, this night surely is sparkling. I’m struck with her beauty and the feelings starts to linger. “Tumayo ka na dyan, baba na tayo.” “You lied!” pagbibiro ko. I composed myself after that moment. Tumayo na ako at sumunod sa kaniya papalabas ng pinto. The moment she stepped out, she looked back at me and smiled. “I waited for you. That’s why I’m here. ”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD