MIKA’S POV
“Good to see you again,Mika.” our criminal law professor greeted me when she laid eyes on me after my three days absence.
“Thank you, ma’am” I softly said, smiling.
“Are you sure you’re okay? You should be resting if you’re still not in fully recovered.” Mrs. Razon stated as she placed and arranged her books and things on the table.
Hindi ko alam kung anong nakain niya pero masaya ako na hindi ako naka tanggap ng sermon, halos karamihan ng law student ay laking takot sa kaniya, kilala siya ng karamihan bilang isang napaka strikto at terror na professor dito sa kursong law. Pero nagtataka ako dahil inaasahan kong pagpapaliwanagin niya ako kung bakit wala ako ng tatlong araw, paano niya nalaman na nagkasakit ako?
“Yes,ma’am, but I’m good now. Thank you for your concern.” I smiled and she smiled back at me.
“Goodmorning, ma’am. Sorry I’m late.” naghihingalong pagbati ni Steff habang nakahawak ang kamay sa gilid ng pintuan.
“Take your seat, Ms. De leon. Class is about to start after a minute.”
“Mika! Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka pumasok ng ilang araw? At bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko?” sunod-sunod niyang tanong nang makita akong nakaupo sa tabi niya.
Sinenyasan ko siyang tumahimik gamit ang aking daliri at baka mahuli pa kaming naguusap ni Mrs. Razon, ito pa man din ang una kong klase pagkatapos kong makalabas ng Hospital, “Mahabang kwento, maya ko na lang sabihin sayo.” pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Mabilis kaming humarap sa pisara nang napansin naming tumingin sa likod ang guro.
ibinaba nito ang panulat niyang gamit, “Siya nga pala, Mika. Magkaibigan pala kayo ng basketball vice captain ng Growling Tigers?” nagtataka niyang tanong.
Na siya ko ring ipinagtaka. Vice captain? Basketball team? Growling Tigers? Ako may kaibigan sa mga basketball player na yon? Parang wala naman akong naaalala.
Napansin ko rin ang pagliko ng ulo ni Steff mula sa pisara patungo sa ‘kin. Basta basketball player ang usapan hinding-hindi ito magpapahuli.
“Hindi po, ma’am. Wala naman po akong kaibigan na basketball player sa School.” nagtataka kong banggit.
Napakunot ang noo nito sa narinig, “Eh bakit ka ipinagpaalam sa akin ni Vince noong isang araw. Hindi ba kayo mag kaibigan?”
“Ipinagpaalam ka ni Vince?!” laking gulat na tanong ni Steff.
“Sino bang Vince?”
“Vince Deyniel Enriquez! Vice captain ng Growling Tigers, yung nag viral na lalaki sa Cafe Manila. Hindi mo kilala?” nanlalaki na ang mga mata nito.
Isa lang naman ang kilala kong Vince. Yung Vince na nagligtas sakin. Impossible naman na siya yon, tsaka hindi ko rin naman alam ang buong pangalan niya, ang tanging alam ko lang ay first name niya.
“Speaking of Vince…” bulong ni Professor.
Humarap si Mrs.Razon sa pintuan,“Good morning, Vince. What brings you here?” nakangiting tanong nito.
“Good morning, Tita, I’m here for Mika. Can I excuse her for a second?” rinig kong boses ng lalaki mula sa pintuan, malaki at malamig ang boses nito.
Sandali, tila ba sobrang pamilyar ng boses na ito, malaki, malamig at malambing. Sigurado akong boses niya yon. Hindi kaya’t ang Vince na tinutukoy nila ay siya ring Vince na nagligtas at nakasama ko sa Hospital?
“Sure, Mika. Vince’s looking for you.” Mrs. Razon said.
Bigla akong kinabahan, ramdam ko ang pag bilis ng t***k ng aking puso ng sandaling pumasok ang lalaking nasa pintuan sa loob ng aming silid.
Siya nga.
“Mika!” sigaw niya, nakangiting iwinawagayway ang kanang kamay.
“Vince!” pagbanggit ko sa kaniyang pangalan.
“Vinceeee!” malakas at mahabang sigaw ni Steff na siyang sinundan ng mas malakas na mga hiyawan ng mga babae sa room.
“Vince!” “Pogi!” “Vince, papicture!”
“I’m a fan!” “Siya nga talaga!”
“Pwede na akong mamatay!”
Napatakip na lang ako ng tenga sa sobrang tindi ng hiyawan sa loob ng room. Paniguradong masisira ang eardrums mo sa oras na buksan mo ang iyong tenga kahit sandali lang. Parang mga ngayon lang nakakita ng lalaki. Isa pa tong si Steff na todo sigaw rin, labasan na mga ugat sa lalamunan niya.
Ano ba tong nangyayari, bakit sila nagkakaganito. Celebrity ba ‘tong si Vince?
“Class, quiet! Para kayong mga nasa palengke, mga elementary students ba kayo?!” galit na sigaw ni Mrs. Razon na siyang nagpatahimik sa buong klase.
Itinuro ako nito at sinenyasan,“Mika, wag mo ng pag antayin pa si Vince, lumabas ka na.”
Nang sandaling tumayo ako sa upuan ay ramdam ko ang mga matang nanlilisig at sa akin lamang nakatutok. Sigurado akong hinuhusgahan na nila ang aking buong pagkatao. Bakit ko nga naman magiging kaibigan ang isang katulad ni Vince?
Habang naglalakad ay umaabot sakin ang bulong ng mga babaeng nasa likod ko.
“Paano naman kaya naging kaibigan ni Vince ang katulad ni Mika?”
“Tahimik nga pero nasa loob naman pala ang kulo.”
“Gayuma reveal.”
Hindi ko na napigilan pa ang sarili, huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila. Tiningnan ko ang mga ito mula ulo hanggang paa, “Kapag inggit, pikit.” bulong kong nakangisi at dumiretso na sa labas.
Nang makalabas ako ay dumungaw ang isang lalaking nakasandal sa pader, suot ang medical uniform.
“Vince…” nahihiya kong pagtawag sa pangalan nila.
Lahat ng ito’y surpresa sa akin. Wala akong kaalam-alam sa mga bagay na ito.
“Here,” he said sabay abot ng isang luxury paper bag habang nakayuko.
“Ano ‘to?” tanong ko.
Habang binubuksan ko ang laman ng bag ay bigla itong nagsalita ng mahina, “Your stuffs. I bought new clothes as well, kapalit ng nadumihan mong damit because of me.” nahihiyang sabi niya, nakatingin pa rin sa sahig.
“Hindi mo naman kailangang bumili pa, hindi rin naman ikaw ang dahilan kung ba’t nadumihan ang mga yon.” pagpapaliwanag ko.
“Take it or leave it.” pagpupumilit nito.
“Syempre take it, kesa naman masayang lang ‘to kung itatapon mo.” nakangiting sabi ko.
“Siya nga pala, ba’t ka dyan nakatingin sa sahig. Hello? Nandito ang kausap mo.” banggit ko habang iwinawagayway ang aking kamay sa mukha nito.
Bigla niyang hinawakan ang aking kamay sabay titig sa aking malalim na mga mata. Nagtagpo ang aming mga mata kaya’t mabilis kong iniwan ang aking tingin rito.
“Ano… ano bang ginagawa mo?” mautal-utal kong pagsasalita.
“Sabi mo huwag akong tumingin sa sahig, now I’m looking at you. What’s the problem?” nakakaasar na paliwanag niya.
“Hindi naman kailangan ganan ka tumingin. Tumingin ka na lang ulit sa sahig.” pagsesermon ko sabay irap.
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin sabay turo sa suot niyang uniporme, “Medical student ka pala? Ba’t hindi mo sinabi sa ‘kin?” tanong ko.
“You didn’t told me that you’re a law student.” pagrarason nito.
Umirap ulit ako. Pero may point siya. Pointless nga lamang.
“Ehh paano mo nalaman na law student ako? Sabi ni Mrs. Razon ipinagpaalam mo raw ako habang nasa Hospital ako.” nagtataka kong tanong.
“I have my sources.” malamig na sagot nito.
“Yeah, I talked to your professors about your accident. So you don’t have to worry about anything else.” pagpapaliwanag pa niya ng nakangiti, halatang proud sa ginawa niya.
“Also, Mrs. Razon is my tita. She’s the mother of one of my close friend, you’ll meet them soon.” dagdag pa nito.
“Kaya pala good mood siya sakin kahit wala ako ng tatlong araw, dahil pala sayo.”
“Pero ang pinaka ipinagtataka ko talaga ay kung bakit nagsisigawan sila ng makita ka?” kyuryosong tanong ko.
Medyo nag alinlangan pa siya sa isasagot ng ilang mga segundo, “Maybe because of your work?” he uncertainly said.
“Work ko?” tanong kong nakaangat ang kilay.
“Yup, i did your work. Manila Cafe right?”
Tumango na lamang ako.
“I went there and became a replacement for a day para di ka matanggal sa work mo.”
Laking gulat ko sa mga sinabi nito. Hindi ko alam na ganoon pala ang mga ginawa niya habang nagpapagaling ako sa Hospital. Dinala na nga niya ko sa Hospital ng Tita niya, ipinagpaalam sa mga professor ko at ngayon siya rin pala nagligtas ng trabaho ko.
“While working there, someone posted a pic of me and it became viral. After that halos lahat ng puntahan ko, kilala ako.” he sighed, it looks like hindi niya gusto ng gaanon kabigat na atensyon.
Habang magkasama kami sa hospital ay unti - unti ko siyang nakilala. Knowing his personality, ayaw niya ng ganitong nangyayari sa kaniya. He prefer being alone with friends or to those people na komportable siya. And it feels like I’m one of those counted persons.
“Thank you, Vince!” I genuinely smiled.
“No problem. Also, may two weeks kang vacation since naubos stocks ng cafe niyo sa dami ng taong pumunta sa store.” pagpapaliwanag niya habang nakangiti.
“See yah around,” tumalikod na ito at umalis, habang naglalakad ay iwinagayway niya ang kamay tanda ng pagpapaalam.
He looks cool. Not gonna lie about that.