22

1223 Words
LANCE’S POV “Lance, can you get us some drinks, please?” pagmamakaawa ni Drake habang nagpupunas ng pawis sa noo. Kakatapos lang ng practice namin, papalapit na kasi ang UAAP kaya’t mas hinigpitan ang practice schedule and training namin for this month. “What do you want ba?” pumayag na ko, hindi naman ako ganoon kapagod ‘di gaya ng iba. “My usual orders.” he flashed a smile. “How about you two?” I asked Vince and Lance since bibili rin naman ako, para sabay-sabay na. “Pass, water na lang muna ‘ko.” Vince said, hawak-hawak ang water bottle niya. “I don’t think you need to buy din naman, i mean look at your bench.” itinuro ko ang upuan niyang puno ng mga snacks and drinks. “Daming fans,” pang aasar ni Drake kay Vince. Hindi na lamang niya ito pinansin at inubos na ang iniinom na tubig. “How about you, Lance? Ano gusto mo?” tanong ko. “Kung ano na lang yung kay Drake yun na lang rin sa ‘kin.” he said. “Okay” pagpapaalam ko at naglakad na papalabas sa Gymnasium. “Bili ka na rin pala ng pain relief patches!” sigaw pa nito bago ako tuluyang makalabas. Nang makabili na ‘ko ng drink sa Starbucks ay dali-dali na rin agad akong bumalik sa gymnasium at medyo dumidilim na rin ang paligid. Habang nasa parteng Grandstand na ako ay napansin ko ang isang babae sa aking harapan, naglalakad dala-dala ang patong-patong na makakapal na libro. Napansin kong medyo nahihirapan ito sa pagbitbit kaya’t naisipan kong tulungan siya sa ibang libro. Subalit ng malapit na ako sa kaniya ay tuluyan na nga siyang nawalan ng balanse na naging dahilan ng pagpatak ng mga librong hawak-hawak niya. “Tulungan na kita,” ibinaba ko muna saglit ang mga inuming hawak ko tsaka dinampot ang mga librong nakakalat. Nang maipagpatong-patong ko na ito ng ayos ay iniabot ko ang mga ito sa kaniya ng bahagya. “Kaya mo ba?” tanong ko. “Oo, pakilagay na lang rito.” sagot nito. Nang sandaling tumayo siya ay tila ba napatigil ako sa kinatatayuan ko. Bumungad sakin ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Ang babaeng naka agaw ng aking atensyon sa welcome walk. Siya nga. Hindi ako maaaring magkamali. Habang nakatitig sa kaniya ay napansin kong hindi talaga kaya ng mga kamay niya ang dami ng librong buhat-buhat niya. “Akin na nga,” kinuha ko ang karamihan ng librong hawak niya sabay lakad paunahan para hindi na ito makapagreklamo pa. Narinig ko ang yabag ng kaniyang mga paa na sumusunod sa bandang likuran ko. “Thank you.” mahinang banggit niya. I smiled. Napansin ko rin na medyo humaba na rin pala ang buhok niya, noong una ko kasi siyang nakita ay hanggang balikat lang ang buhok niya, ngayo lampas balikat na. “Saan ka ba papunta? Ba’t andami mong dalang libro?” tanong ko, patuloy pa rin sa paglalakad. “Ahh, sa library. Inutusan akong kunin ang mga iyan. Scholar kasi ako, nagwowork rin ako sa library pandagdag kita.” mahinhing pagpapaliwanag niya. “Working student ka pala.” “Oo” Pagkatapos ng sandaling paguusap na iyon ay agad itong napalitan ng katahimikan. Magpapakilala ba ako o hindi? Magtanong kaya ulit ako? Kaso baka makulitan na siya sa akin. Kaya’t hindi na lang muna ako nagsalita at dumiretso na lang sa paglalakad. “Salamat ulit. Kahit hindi mo naman ako kilala ay tinulungan mo pa rin ako.” banggit niya, paglingon ko ay ngumiti ito sa akin. Sino bang nag sabing hindi kita kilala. Hindi ko alam ang ngalan mo, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang unang beses na dumapo ang aking mga mata sa iyo nung araw na ‘yon. “Sa nga pala, anong faculty ka?” hindi ko napigilan at kusa na lang bumuka ang aking bibig. “Law, I’m a law student. Ikaw ba?” sagot nito. “Future Civil Engineer. Libre ko na pagpapatayo ng bahay mo in the future.” pagbibiro ko na ikinangiti naman niya ng bahagya. Pwede rin namang bahay natin. “Talaga ba?” nakangiting tanong niya. “Oo naman, kung papalaring makatapos.” I confidently said. “Then I’ll be your lawyer incase na makulong ka.” pagbibiro niya. “Wag naman sana.” We laughed. The feeling is so light. Parang nawala yung pagod ko sa practice. Hindi ko na namamalayang buhat-buhat ko pa pala itong mabibigat na libro sa mga sandaling kausap ko siya. “Pakibaba na lang rito.” she said, nakaturo sa bench sa harap ng library. “Nandito na pala tayo, ambilis naman.” hindi ko namamalayang banggit ko. “Ha?” mabuti na lang at hindi niya naparinig. “Wala, sabi ko kung dito ko ba ilalagay?” Dahan-dahan kong ipinatong na sa upuan ang mga libro. “Ito, oh. Magtubig ka muna,” inabot niya sakin ang isang bote ng tubig. “Malamig pa yan, kakabili ko lang niyan kanina.” “Basketball player ka pala.” bulong niya. “Pano mo nalaman?” nagtataka kong tanong. “Malamang, naka jersey ka at basketball shoes. Tsaka pawis-pawisan ka pa. Galing ka lang bang training?” natatawang tanong niya. Nawala sa isipan kong naka jersey nga pala ako. Ano ba yan lance lutang lang. “Oo, malapit na laban namin, e.” “May kilala rin akong basketball player. Kasama mo siya sa team.” she said. “Sino?” Kyuryoso kong tanong. “Si…” hindi siya nakatapos ng sasabihin dahil biglang may nagbukas ng pintuan ng library. “Mika, yan na ba lahat ng libro na ipinapakuha ko sayo?” pagtatanong ng librarian. “Opo, yan na po lahat.” sagot naman niya. Mika pala ang pangalan niya, ngayon alam ko na. “Alis na ‘ko, Mika. May training pa kami. Bye!” pagpapaalam ko. Gusto ko mang magtagal pa, umalis na lang ako. Alam kong marami pa siyang dapat ayusin at gawin, baka makaistorbo lang ako. Pagtalikod ko ay bigla itong nagsalita. “Anong pangalan mo? Para naman alam ko kung sino maggagawa ng bahay ko in the future?” pabirong tanong niya. Lumingon ako at ngumiti, “I’m, Lance.” “Thank you, Lance.” she said with a genuine smile. That smile is so bright. She’s so pure. I flash a smile before leaving and went back sa Gymnasium. “Ngayon lang ako nakakitang pagod sa practice pero abot tenga ang ngiti!” pabirong sigaw ni Drake. “Something good must have happened.” Agad namang sinundan ni Lance. “Where’s our drink?” seryosong tanong ni Drake, nakakunot ang noo. “Sh*t. I forgot.” bigla kong naalala na naiwan ko pala sa Granstand ang drinks nila Renzo at Drake nang tulungan kong pulutin ang mga libro ni Mika. “Sorry. Nakalimutan ko sa Grandstand.” pagpapaliwanag ko sa kanila. “Pare naman. It took you this long, iniwanan mo pa. Ano ba talagang nangyari.” medyo galit na tanong ni Drake. “Kalma, bro. Drinks lang yon.” pagpapakalma ni Lance sa kaibigan. “May tinulungan kasi ako. Sorry.” “Sorry na. Uhmm… Dahil weekends naman bukas. Inom tayo sa BGC? treat ko. Sorry na.” I said with my puppy eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD