VINCE’S POV
I'm sitting on the benches, waiting for them to arrive.Even though there is no sound, I plugged in my earphones so that if anyone approached me, I would have an excuse not to speak.
I'm just not interested in interacting with anyone. I'm afraid of being used, of being taken advantage of. I'm sick of pretending to be flawless, as if I don't have any flaws to begin with. But that's a lie; I have flaws and am far from perfect.
Others want to befriend me because I'm attractive, intelligent, popular, athletic, and, lastly, because of my Dad. All of that, though, is only outside.
I've been used before. I was exploited, and it traumatized me. That's how I became the type of person who always shuts others out, who always keeps the door to my heart close so no one can get in, no one can break through. If Kuya hadn't died, I might have been better than this.
My phone rang, someone texted me. It’s from Lance, finally.
‘Hey Viel, sorry for keeping you waiting give us five more minutes, Sorry!’
Vince took a deep breath before typing.
‘What the hell happened to the three of you? What’s taking y’all so long?’ he’s becoming irritated, he’s been waiting for about an hour and to him it feels like an eternity.
Lance messaged swooped back,
‘Nagovertime si prof, ‘di kami makaalis. Don’t worry, patapos na ‘to.’
‘Patience is a virtue,Boss.’ pangaasar pa nito.
Vince can’t do anything about it, he’s thinking to go directly sa room nila Lance para ipagpaalam ang mga ito, but…
‘Fine! I’ll wait, but if y’all are not here at exactly five minutes, I’ll leave na. Forget the tryouts.’ He decided to wait na lang than gumawa ng scene sa room nina Lance.
He’s a little mad but he understand.
Immediate buzz from Vince’s phone.
‘Okay,boss. Sa’n ka namin pupuntahan?’
Vince replied instantly after reading the text.
‘In the benches here at the Grand Stand. Faster, daming nakatingin sakin rito.’
‘Famous yan? Expected na namin yan. Wag ka masyadong mag sungit sa mga tao dyan. See yaaa!’
“ Vince, ikalma mo.Pagsubok lang ‘to.” Bulong nito sa kaniyang sarili.
After waiting for five minutes, Renzo, Lance and Drake finally showed up.
Tumayo na ‘ko sa kinatatayuan ko ng makita kong tumatakbo na papalapit rito ang tatlo kong kaibigan. Sa wakas, no more waiting. Late na kami ng 10 minutes. What if ‘di na kami payagan mag participate?
“Boss, sorry ‘di talaga makalusot kay Mrs. Bendaña.” bungad agad ni Renzo.
Na agad namang sinundan ng kaibigang si Drake. “Abot pa naman tayo, ‘di ba?”
“I hope so, late na tayo ng ten minutes!” I worriedly stated.
“Abot yan, tara na!” pagyayakag ni Lance.
Nagmadali na kaming tumakbo para mabilis na makarating sa Q-pav, sa gymnasium kasi gaganapin ang tryouts ng basketball.
Pagkarating naman rito ay nakita namin ang mga player na tagaktak na ang pawis at naghahabol hininga. Dalawang grupo ang magkaharapan, isa ay naka damit samantalang ang isa naman ay naka topless. Siguro’y nagkaroon kanina ng game para malaman kung saang grupo ka mapapabilang. Hindi pa naman nagsisimula ang laro, mabuti at nakaabot pa kami.
Sh*t, I was shocked when I saw the Team’s coach staring at us. He looks intimidating. I can tell na this one will be tough.
“Look who’s here.”
Nabaling ang tingin sa ‘min ng mga manlalaro sa Court matapos magsalita si Coach.
“Good afternoon Coach. Sorry we’re late po. Can we still participate with the tryouts?” lakas loob na tanong ni Lance.
Tiningnan nito ang kanyang orasan.
“ You guys are late for almost 20 minutes. Are you aware na 3:00 ang basketball tryout ng team?” he seriously said, looking directly to each of one’s eyes.
“Yes sir, but…” hindi na ko nito pinatapos ng sasabihin ko.
“No excuses.”
“If you still want to take part on this tryout, get yourselves now on the floor.” he announced.
We didn’t get what he said. We don’t know what to do at first until…
“Now!” he shouted.
We got ourselves on the floor quickly as soon as we heard his loud voice echoed the whole gymnasium.
“Give me two hundred fifty push-ups and two hundred fifty sit-ups.” he ordered.
“That’s too much, three times yon ng ginawa natin kanina ah?” someone in the court said.
“Yeah, I pity them.” pagsang-ayon naman ng isa pang player.
Nauna na ‘kong mag simulang mag push-up habang tila ba nagda-dalawang isip pa sina Drake at Renzo sa pinapagawa ni Coach. Agad naman akong sinundan ni Lance na naging dahilan ng pagsimula ng dalawa pa para mag push-up.
“Boys, discipline and commitment is important in this sport. Basketball isn’t just all about shooting or basic skills, kailangan komitado ka at may disiplina.” pangaral niya sa ‘min.
“Kung ngayon pa lang hindi nyo na kaya, y’all are free to leave. Hindi ko kailangan ng mga walang disiplina at madaling sumuko sa team na ‘to.”
“You,” he said while pointing his finger on me.
“What’s your name?” He asked.
“Vince, Sir.”
“Suko ka na ba?!” intimitadong tanong nito.
“No, Sir!” dedikado kong sagot habang direktang nakatingin sa kaniyang mga mata.
“What’s your name?”
“Renzo po.”
“Renzo, tuloy ka pa ba?”
“Tuloy, Sir!”
“How about you?” He looked now at Drake.
“Masakit na po braso ko Sir,” siraulo talaga ‘tong si Drake.
“Pero tuloy pa rin, sanay na naman po ‘kong masaktan.” dagdag pa nito na bahagyang nagpangiti kay Coach.
“Ikaw, What’s your name?”
“Lance, sir.”
“Kaya pa ba, Lance?”
“Kayang-kaya, Sir!” sigaw nito.
“I hope this will be the last time na malalate kayo if ever man na makapasok kayo sa team, understood?!”
“Yes, Sir!” sagot naming apat.
“Continue.”
I felt motivated, I’d rather have this kind of Coach than someone who won’t care at all. Now I know why my Brother liked him.
Nagpatuloy na kaming grupo sa pag pupush-up at sit-up, medyo sumasakit na ang magkabilang braso ko at ramdam ko na rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Patuloy ang pagdaloy ng pawis sa buong katawan at unti-unti na ‘kong napapagod.
Sa wakas, nakatapos rin kami sa pinapagawa ni Coach kaya pede na kaming makasali sa laro. Binigyan kami ng ilang minuto para magpahinga ng saglit bago sumabak sa practice game.
Lumapit samin si Coach at pinipili kami sa dalawang kulay na hawak-hawak niya.
“Choose one, blue or red?” He asked
Me and Renzo both chose color red, while Lance and Drake chose color blue.
“ This colors will determine the group you’ll be in with this practice match,”
“ For those who chose red, you can keep your shirts on, while for those who picked blue, you’ll be taking off your clothes until the end of the match.” he mentioned.
“F*ck, ‘di pa ready abs ko Coach!” sagot ni Drake, bibo talaga ‘tong bwisit na kaibigan namin.
“Go to your respective teams, the match will begin in three minutes, remember that this game needs teamwork.”
Naglakad na kami ni Renzo papunta sa Red team habang si Lance naman at Drake ay nagsimulang pumunta sa kabilang team.
*After 3-minutes, the game officially begins.*
Meron lang kaming two quarters since free match lang naman ‘to. Still, I’ll it give my best, pinangako ko ‘to kay kuya kailangan ko ‘tong ipanalo.
Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Red team ang determinasyon. Sa kanila napunta ang first ball na siyang nagdala ng unang puntos ng laro mula kay Vince.
“Nice one, pre,” banggit ni Renzo sabay high five.
Agad namang bumawi ng puntos ang Blue team ng maka tres si Lance. Unang quarter pa lang ramdam mo na ang init ng tensyon mula sa magkabilang grupo.
Ng mahawakan ni Vince ang bola ay agad na sumulpot sa kanyang harapan si Lance upang depensahan ang basket. Nagpakitang gilas ang dalawang manlalaro na siyang ikinamangha ng mga kasamang player pati na rin ng kanilang coach.
Hindi makalampas si Vince sa maigting na depensa mula sa kaibigan kaya’t ipinasa niya ang bola kay Marco, dahil libre ito. Matapos ang ilang segundo ay bumalik rin agad ang bola sa kamay ng binata at tumira ito ng jump shot ngunit agad itong naharangan ni Lance, kaya’t nagfake na lamang ito tsaka lumampas sa depensa ni Lance at nagpakawa na ng Hook shot.
Sa unang quarter ay tila ba si Vince at Lance lamang ang nagtutunggali at nagpapakitang gilas na siyang ikinapagod ng mabilis ng dalawang binata.
Nagtapos ang unang quarter sa score na 24-20, lamang ng apat na puntos ang Red team laban sa kabilang grupo, subalit ang laro ay nasa kalagitnaan pa lamang, sa isang pitik at kurap ng mata ay maaring magbago ang takbo ng laro.
Pagkatapos ng break time ay nagsimula na ang ikalawang quarter, pinilit ng Red team na palakihin ang lamang sa pamamagitan ng shooting at inside plays nina Vince at Renzo.
Sunod-sunod na tres ang ipinamalas ni Vince na sinabayan pa ng napakahirap na foot works na siyang naging susi para makalusot sa maigting na depensa ng kalaban.
Hindi naman pumayag ang Blue team at isang mainit na second quarter run ang kanilang pinakawalan para mahabol ang ilang puntos na lamang ng kalaban. Kahit pagod na at pawisan ay hindi ito naging dahilan para pumalya ang mga lay up at fade-away shots ni Lance.
Dalawang minuto na lamang ang natitira bago matapos ang practice match, tabla ang puntos ng dalawang team. Ang lahat ng manlalaro ay naghahabol hininga na at tagaktak na ang pawis sa buong katawan. Lalo’t higit ang dalawang manlalaro na nagpakitang gilas na sina Vince at Lance.
“We can do this team.” sigaw ni Vince sa mga kagrupo.
“Defense, we got this one.” sigaw naman ni Lance.
Sa huling dalawang minuto ay hawak ng red team ang bola, labis na tensyon ang makikita mula sa magkabilang grupo. Tabla pa rin ang score ng dalawa, sa tagisan ni Vince at Lance malalaman ang kalalabasan ng laro.
Sa oras na malagpasan ni Vince ang maigting na depensa ng kaibigan ay tiyak na ang pagkapanalo nila.
Isang minuto na lang at nagsimula ng gumalaw si Vince, ipinasa nito kay Lean ang bola at mabilis na nilagpasan si Lance. Agad na sinimulan ni Vince ang kaniyang shooting form na animoy alam niya na diretso sa kaniya ang bola, ng makalampas si Lean sa depensa ng kalaban ay mabilis na ipinasa nito kay Vince ang bola at nagpakawala ng tres si Vince na sa loob ng 4 na segundo na natitira.
Nagtapos ang laro sa score na 50-47, sa gitgitang laban ay nagwagi ang Red team laban sa blue team.
Nagkamayan ang bawat miyembro ng dalawang grupo matapos ang mainit na labanan.
“Nice game, I commend both teams for a very good fight, specially Vince and Lance, I think we can all agree with that naman, right?” coach said.
“Nice game, pre. Wala ka pa ring kupas.” Lance said to Vince, at inakbayan ang kaibigan.
“You too. Next time we play, team mates na tayo.” Vince said while smiling.