08

1223 Words
MIKA’S POV Epal talaga yung lalaking yon! Kung ‘di lang sana siya paharang-harang sa dinadaanan ko kanina edi sana nakabili pa ko ng snacks bago magpunta sa gymnasium, patay ako nito kay Steff! Sino ba kasi yon? Epal talaga, di ko man lang nakita pagmumukha ng suplado na yon. “ Ugh ba’t ko ba iniisip pa? late na ko!” Inalis ko na sa isipan ko ang mga nangyari kanina at dali-dali ng nagpatuloy sa pagtakbo, baka tumawag pa ulit si Steff. “Steff!” sigaw ko matapos makita itong nakaupo sa taas ng mga seat. Umakyat na ‘ko at nagpunta na sa kinauupuan niya. “Ba’t ang tagal mo?” “May epal kasing lalaki kanina sa may grandstand, paharang-harang ba naman sa daan kitang nagmamadali na yung tao.” pagpapaliwanag ko. “Snacks? Wala?” reklamo nito. Hindi muna ‘ko sumagot at nagpahinga muna saglit, naghahabol hininga pa ko sa sobrang tagal kong tumatakbo kanina. Matapos ang ilang saglit ay umayos na ang paghinga ko at natuyo na ang pawis sa ‘king mukha at likuran. “Sa sobrang pagmamadali ko hindi na ko nakabili pa ng snacks.” pagpapaliwanag ko. “Ayos lang yan, mukhang napaaga ata tayo.” nakangiti niyang sabi, alam mo yung ngiti kapag may kasalanan ka sa isang tao, ganon, nakaka demonyo. “Huh? ‘Di ba sabi mo-” “Oo na kasalanan ko na, fake news pala yung narinig ko kanina, pero atleast tama na may tryouts today.” ‘Di na ko nakatapos pa ng sasabihin. Napansin kong tila ba may hinahanap siya sa mga players sa baba kanina pa. Panay libot ang mga mata nito sa bawat sulok ng gymnasium. “Mamaya, makikita mo rin.” “Alis muna tayo, balik na lang tayo mamaya kapag nagstart na sila.” “Saan?” tanong ko. “Car park! Kain muna tayo, nagugutom na ‘ko. Bili na rin tayo snacks for the game later.” Tumayo na kami sa kinauupuan namin at dumiretso na sa Car Park. “San tayo?” napakarami pang bukas na food stalls, ang hirap tuloy mamili, lahat masasarap. “Starbucks, want mo?” tanong niya. “Mamaya na lang yan bago tayo manood ng game.” sagot ko naman Napansin kong konti lang ang estudyanteng nakapila sa Mcdo. Kaya’t agad kong itinuro ito kay Steff para hindi na kami malate pa. “Since konti lang naman ang tao, dito na lang rin natin kainin? Matagal-tagal pa naman siguro yon before magstart.” she said pertaining to the game later. I chuckled. Hindi naman halatang gutom na gutom na ‘tong si Steff. Tumango na lamang ako bilang senyales ng aking pagpayag at pumasok na kami. “Anong sayo?” “Rice with chicken, add ka na rin ng fries.” sagot ko habang tinuturo yung nasa menu. “Drink daw,bes?” “Water lang.” habang nagbabayad si Steff ay humanap na ko ng bakanteng table at umupo na rito. While eating, I remember the guy earlier. Hanggang ngayon kumukulo pa rin dugo ko sa kanya. “What’s wrong?” “Huh?” “Ba’t ganan mukha mo? Para kang makakapatay ng tao,” “Ehh kasi naman naaalala ko na naman yung lalaki kanina sa Grand Stand!” parang may lumalabas ng usok sa ulo ko sa galit “What happened ba?” “Okay story time. ‘Di ba nga kanina rush na ‘ko kasi late na me. So, habang tumatakbo ako papunta sa Q-pav may lalaking matangkad na humarang bigla sa dinaraanan ko. Alam naman niyang tumatakbo ako, hindi pa siya tumabi ng kusa.” pagpapaliwanag ko. “Lalaki? Matangkad? Omg!” nananabik na tanong nito. Basta lalaki usapan, matic ganito ‘tong si Steff e. “Oo, panget.” “Grabe ka naman.” “Nagsasabi lang ng totoo.” “May nangyari pa ba bukod don? Imposible namang wala, sa reaksyon mong yan.” pangaasar nito. “Oo! sabi pa niya iayon ko daw ang tapang ko sa height ko. Gag* talaga e.” hindi naman halatang may sama ako ng loob pag usapang height. “I mean may point naman siy…” Aba’t nangaasar pa. “Ah talaga ba?” I sarcastically ask. Tumawa ito ng malakas. “Just kidding!” “Hirap talaga ‘pag 5’3 lang.” pinipikon ba ko ng babaeng ito?! “So who’s this guy?” seryosong tanong niya. “Ewan ko.” “Hindi ko naman nakita mukha niya and id.” “What? Akala ko ba panget? ‘Di mo naman pala nakita itsura, grabe ka mang judge bestie,” natatawang sabi nito. “Kapag panget ugali, panget din mukha.” sagot ko sa kanya habang nakakunot ang noo at nakataas ang kilay. “Hindi ka sure!” “ ‘Di ba sabi mo matangkad?” “Oo,” sagot ko. “Malay mo basketball player rin, if u’re lucky baka mag-participate mamaya sa tryouts.” “ Lucky? Nagpapatawa ka ba? Malas kamo!” anong lucky, kamalasan lang naman dala sa ‘kin ng bwisit na lalaki na yon! Kung tama nga si Steff na baka basketball player nga siya, at magkataon na nasa tryouts mamaya. ‘Di na ko magdadalawang isip, sasapakin ko talaga siya, dalawang beses pa! “Ang ganda naman ng first interaction niyo, sa ganan din nagsimula lolo’t lola ko.” pang-aasar pa nito. “Ah talaga ba? Pakyu!” Ngumiti ito na tila ba tuwang-tuwa kapag naaasar ako. Tumayo na kami at umalis na sa store. “Punta pa ba tayo Starbucks?” tanong ko. “ Oo, mag take out me ng coffee natin.” Naglakad na kami papuntang Starbucks at pagkarating namin ay kinuha na agad ang order namin since kami lang nakapila sa counter. “What’s yours?” “ My favorite, as usual.” sagot ko “Okay, Can I have 1 vanilla latte, sugar free vanilla syrup po. And 2 iced white chocolate mocha, all venti.” order nito. “Okay ma’am, noted.” “Can I ask the name’s po for every cup.” “Sure. Mika,Lance and pretty Steff, pakilagyan po ng heart design yung last.” “ Noted, wait na lang po tayo here, we’ll call u po if the orders are ready na. Thank you.” Dumating agad ang drinks namin after 5 minutes. Nagtaka ako ng makita ko ang tatlong coffee, e dalawa lang namin kami? “Bakit tatlo? Tsaka sino ‘naman ‘tong Lance na nakasulat dito?” tanong ko. “Iaabot ko later after ng game, I’m pretty sure na magpaparticipate silang magbabarkada mamaya.” sagot nito, halatang kinikilig. “So eto pala yung hinahanap mo kanina, mukhang ‘di naman darating.” panloloko ko. “Paano ‘pag hindi umattend?” “Edi itatapon.” sagot nito. “Aba para kang nagtapon ng pera,bestie.” Siguro barya lang ang isang cup ng Starbucks para sa mga mayayaman, pero saming may kaya lang, malaking pera na ito. “Tingnan na lang natin mamaya, malakas pakiramdam ko na makikita ko siya ngayong araw e.” “Manifesting na makita ko si Lance mamaya!” ani nito habang naka cross finger pa at kagat-kagat labi. “Manifesting rin na hindi ko makita yung panget na lalaking yon mamaya!” sumabay na rin ako para bestie goals.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD