07

1212 Words
MIKA’S POV “Good morning, Steff!” “Morning, Mika!” “Musta hangover mo?” tanong ko. “Hangover malala, Bes!” sagot niya habang nakahawak ang kamay sa ulo. “Sinong tangang nagwalwal kahit alam na maaga ang first class niya bukas?” “Ako!” hindi ko kinayang sagot niya, aba’t proud pa ang ate niyo! “Ikaw naman kasi, alam mong nag-uunwind ako kagabi hindi mo pa ko dinamayan,” pagsesermon niya. “So while I was being drunk you were enjoying your tenth glass of orange juice.” Ayan napapaenglish na nga po, opo. “You know naman na I don’t drink. Sabi ko naman sayo mag mall na lang tayo kagabi, ayaw mo naman.” Last night was such a disaster. Suka dito, suka doon, at kung saan-saan at kani-kanino pa siya bumabangga! I was literally stressed the whole night looking out for Steff! “Mall?! At anong gagawin ko sa mall?! Magsisisigaw hanggang sa maglaho frustrations ko?! No way!” sigaw nito habang nakataas ang kilay. “At tsaka, walang gwapo ro’n!” dagdag pa nito. Ayon. Lumabas din ang totoong dahilan, gusto lang naman pala makakita ng gwapo. “Ay kakaiba ka pala magpawala ng frustrations, kelangan may pogi.” natatawa kong banggit. “F*ck you!” “Pero true,” sabay tawa niya. Patuloy ang paguusap naming dalawa habang naglalakad papunta sa room ng first class namin. “Anyways, Rinig ko kanina sa hallway na ngayon daw gaganapin ang basketball tryouts,” “oh tapos?” mukhang may masamang balak na naman ‘to. “Nood tayo, liban muna tayo sa time ni prof,” “Tsaka ‘di ba due date na ng asawa ni sir? For sure absent yon today, written works lang yan, Mika!” pangungumbinsi nito. “Pero-“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. “You know, Mika, hindi masama sa life ang magsaya paminsan-minsan.” “Sometimes trouble brings fun.” “You’re no fun, bestie!” singit nito at umakmang nagtatampo, may pagtalikod pang nalalaman. “Okay, fine! Pero huli na to ha!” “You know how I need to maintain my grades, since scholar ako hindi ako pedeng magpabaya at gawin lang ang mga gusto ko.” I sounded so serious. “Nevermind, let’s just attend the class.” Nagbago bigla ang isip nito dahil sa sinabi ko. “Tara na! Last na to Steff ha!” Abot tengang ngiti ang agad na bumungad sa labi ni Steff matapos marinig mga salitang binanggit ko. “Promise, last na,” “ Malay mo naroon rin ang soulmate mo!” “I don’t need that for my revenge.” “Ha? May sinabi ka ba, Mika?” “Soulmate my a*s, as if namang totoo yang mga ganang bagay. Kaming mga gemini hindi fan ng mga soul mate things na yan. Gawa-gawa lang yan ng illuminati.” tuloy-tuloy kong pagsasalita. “Di ka sure. Love comes in the most unexpected time, and person. Baka mamaya bigla ka na lang tamaan ng aro ni kupido.” “Edi iilag.” pabiro kong sabi, this girl is making me cringe. Pagtingin ko sa aking relo ay hindi ko namalayan ang oras, 8:50 na pala, sampung minuto na lang at late na kami ni Steff. Kumaripas na kami ng takbo para hindi kami maabutan ni Ma’am Joy, terror pa naman ‘yon. ***** VINCE’S POV Kakatapos lang ng class namin sa Biology, not gonna lie medyo may hangover pa rin ako hanggang ngayon kahit nag take na ‘ko ng meds. However, I don’t regret having fun last night with the boys. But at the same time I’m worried kasi I only have 30 minutes left before magstart ang tryouts ng University basketball team. Wala pa din si Lance, Renzo and Drake. We’re supposed to meet now here sa Grandstand. What’s taking them so long. Wag naman sana silang umurong, duwag pa naman mga ‘yon. Dahil wala pa naman ang tropa, I decided to roam around muna. I noticed how other students look at me as if they’re evaluating me from head to toe. Sometimes, it’s kinda annoying. I’m starting to feel like I should be perfect to their eyes everytime they’re staring. I hate that feeling. It reminds me of how i should act in our house, sa tingin at iniisip sa ‘kin ni Dad. Kailangan perpekto ako, kailangan ako yung umaangat, dapat ako yung nasa taas, bawal magkamali. So much pressure, kaya siguro naging ganito ugali ko. Malamig, tahimik, tinataboy papalayo ang mga taong hinahangaan ako at nag-aalala sakin. Wala naman akong magawa, nasanay na ko, ang hirap na baguhin. “Pst, pogi!” I prefer to be alone. I don’t want to be mean, but I need my peace of mind. “Suplado pala ‘to!” Yeah, suplado nga ko, so get away from me. I’m as cold as ice, I’m as silent as night. That’s my personality, that’s me. I’m still wandering around while waiting for my pals to arrive until I was accidentally knocked into by a tiny girl. She fell to the ground, looks like she’s in a hurry for something. Kung hindi ako nagkakamali yung direksyon na pupuntahan niya ay sa Q-pav. Doon rin tryout namin mamaya ah. Hindi na ko nagsorry pa at siya naman ang nakabangga sakin. Dumiretso na ‘ko ng paglalakad habang nakalupagi pa rin siya sa damuhan. “Hoy,ikaw!” “Gago ka ba? Hindi ka man lang hihingi ng sorry?” “Excuse me? May kausap ba ‘ko dito? Hello?” Hindi na ko lumingon pa. May sira ba ‘to? E siya nga ‘tong nagmamadali. Dapat nga siya pa nagso-sorry sa ‘kin. Nag kunwari na lamang akong walang narinig at nagpatuloy na sa paglalakad. “Bingi ka ba?!” galit na sigaw nito. “Aba’t sinusubukan talaga ko ng gago na ‘to.” narinig ko ang agresibong pagtayo nito sa kinatatayuan niya. Mukhang papalapit sakin ah. Bigla akong nakarinig ng tunog galinf sa phone kaya’t agad kong tiningnan ang telepono ko at nagbakasakaling sina Lance na ang tumatawag. Late na kami for the tryouts. God. “Hello.” sagot ng babae sa aking likuran. “Malapit na ‘ko, nasa gymnasium ka na ba? Papunta na, may bumangga lang sakin na panget na lalaki rito.” Wow, ako pa. Tsaka sinong tinatawag nitong panget? Baka maglaway pa siya pag nakita niya pagmumukha ko. Napangiti na lang. “May araw ka rin sa ‘kin.” galit na banggit nito. “I’ll wait for that day then.” I seriously said. Nakatalikod pa rin. Pano niya ko gagantihan, hindi man lang niya nakita mukha ko, di rin niya alam pangalan ko. Lol. Mad girl. “ By the way, sa susunod iayon mo sa height mo yang tapang mo.” “Aba, gag* ka talaga no!” “Sh*t, mahuhuli na ko nito!” Mabilis na tumakbo na ito na siya kong ikinatuwa. Honestly, it really did made me laugh. Meron din palang makakapagpangiti sakin ng ganito bukod sa tatlo kong kaibigan. Interesting, sayang di ko rin nakita mukha niya, pareho pala kaming walang ideya sa itsura ng isa’t isa. Paano na ngayon. Shit, I forgot the tryouts!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD