03

1174 Words
LANCE’S POV Nandito kami ngayon malapit sa harapan ng entrance ng UST sa may tapat ng bench area dahil dito kami inassign ni prof, kasama ang iba pang mga engineering students. Punong-puno ang area ng mga freshmen nag-aantay ng turn nila para makapasok sa Arch of the centuries. Dahil sa haba ng pila, naisipan ko munang maupo rito sa bench na nasa tabi ko. Makulimlim ang panahon kaya’t mararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin. Lalo pa’t napapalibutan ng puno ‘tong university. Inantok tuloy ako. Ipinikit ko saglit ang aking mga mata upang makapag pahinga kahit konting oras man lang. Kung talent lang naman ang pag-uusapan pwes kaya kong matulog kahit sobrang g**o at ingay ng paligid ko. Talent ba yon? Basta talent yon para sa ‘kin! “Natutulog siya, ‘di mo ba nakikita?” Narinig kong pagpapaliwanag ng isa kong kaibigan. Patuloy siyang nakikipagtalo sa kausap nito. Medyo tumatagal na rin at patuloy pa rin ang pagtatalo ng dalawa. Wala akong choice kundi tapusin na ang saglit kong pagpapahinga. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita kong may kausap na babae si Drake, mukhang naiinis na ito. “Drake, anong problema?” Tumayo ako at agad na tinapik sa balikat ang aking kaibigan na tila ba’y nawawalan na ng pasensya sa babaeng kausap niya. Tumingin siya sa ‘kin at itinuro ang babaeng nasa harapan niya. “Ito kasi, pre. She keeps on asking me na gisingin ka para lang magpa-picture.” He looks so annoyed. “Ah picture lang ba? Sure.” marahan kong tanong habang nakangiti sa babaeng kausap ni Drake. Umalis na ito at agad na umupo sa bench na kinauupuan ko kanina. He seems angry. “op- opo.” Nahihiyang sagot ng babae. Lumapit ako sa kanilang magkakaibigan at mabilis nang nagpapicture. “Pag pasensyahan n’yo na ‘tong kaibigan ko, mabilis kasing uminit ang ulo neto lalo pa’t nakita niyang nagpapahinga ‘ko kanina.” bulong ko sa kanila. “Opo, pasensya na din po. Thank you po.” naka ngiting sagot ng babae habang nakatingin sa litrato naming dalawa. Umalis na sila at agad akong bumalik sa pwesto ko upang umupo saglit. Tinapik ko ang balikat ni Drake, alam kong mainit pa din ang ulo nito. “Hayaan mo na Drake, we can’t help it. Sikat ‘tong kaibigan naten, ‘di ka pa ba sanay?” biglang pasok sa usapan ng isa ko pang kaibigan. “Anong sikat, eh kung sapakin kaya kita d’yan!” pabiro kong sagot kay Renzo, tumayo ako at umakmang susuntukin siya. Umiwas naman ito at natawa sa reaksyon ko. Sikat ba talaga ‘ko? Di ko naman ita-tanggi na marami nga’ng nag aapproach saken, but it doesn’t mean naman na sikat ako. Maybe friendly lang? yeah thats it. “I know naman, but it’s just so annoying. ‘Di ba nila nakikitang tulog yung tao? Tapos ipipilit pa nila. Wtf bro.” galit na sagot ni Drake sa tanong ni Renzo. “Ayan, kaya paborito kita eh.” “Sagot ko na lunch mo, okay?” “Oy bro, daya mo naman. Fake friend!” sigaw ni Renzo habang nakakunot ang noo, patuloy na nagrereklamo sa panlilibre ko kay Drake. “Ako lang raw kasi nag-tanggol sa kanya kanina, iwan ka ngayon.” pangaasar ni Drake kay Renzo, nakalabas pa ang dila nito. Nawala na ang galit at inis sa mukha niya. Basta libre automatic gagaan pakiramdam nitong si Drake. I know him well. Ang kukulit ng mga kaibigan ko na ‘to, bukod kay Viel silang dalawa ang pinaka close at maaasahan kong kaibigan. “Oo na. Sagot ko na lunch niyong dalawa, happy?” Nagdiwang sila, Agad nila itong ikinatuwa. Parang mga batang tuwang-tuwa kapag nilibre ng tig pi-pisong lollipop. Bigla silang umupo sa magkabilang side ng bench. Ako ang nasa gitna. Mukhang napagod na ang dalawa matapos magsaya sa librehang magaganap mamaya. Tahimik kong inilibot ang aking mga mata sa paligid. Isa-isang pinagmamasdan ang mga estudyante galing sa iba’t-ibang faculty na kasama namin ngayon. Napansin ko ang dalawang babaeng magkayakap galing sa faculty of Legal Management. That one simple short-haired girl caught my attention kasi dito siya nakaharap sa ‘min. Hindi ko namalayang matagal-tagal ko na din silang pinagmamasdan. They reminds me of my two bestfriends, Viel and Ace. Ganon din kami kaclose dati, siguro if things didn’t happened, it won’t end up like this. Maybe we’re even closer ever than before. “Hays.” Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang mga magagandang memories naming tatlo na mukhang hindi na mauulit muli. My thoughts had stopped when I saw her looking in our way. Nahuli niya ba kong nakatingin sa kanila? Sh*t. Agad kong inilayo ang tingin ko at umastang kausap si Drake at Renzo. What the f*ck! Maybe she thinks I’m weird. Inaalala ko lang naman childhood bestfriends ko ba’t naman nauwi sa ganito? Bakit kasi ako nagpanic! Wala naman akong ginagawang masama. “What’s wrong, bro?” tanong ni Drake. “Wala, just don’t look in front. Okay?” paliwanag ko sa kaniya. “Why?” tanong nito at agad na lumingon sa harapan. Bobo, tanga, inutil, mangmang. Sinabi nang wag lumingon sa harap ginawa pa rin. Nagmukha tuloy akong suspicious. “Drake, what are you doing?!” “Isa! Dalawa!” Pagbabanta ko. “Forget the lunch. I’m done.” panakot ko para tumigil na ito sa kakatingin sa harapan. “Luh. Ito nga oh ‘di na naman tumitingin” I guess it worked. Tumigil na sa kakahanap si Drake sa harapan. Pero what if it’s too late. Madudungisan na ba ang pinaka-iingatan kong imahe? “Ughhhhh” I shouted out of frustration. Nakita kong nakakunot ang noo at nakataas ang kilay ni Renzo at tila ba’y may tinitingnan ng malayo sa harapan. “Hey guys, someone is looking here in our direction. Pre, kumakaway pa oh!” Oh no. Alam ko na agad kung sino! “Boss Lance, ikaw ata hanap.” bulong ni Renzo sakin. After contemplating kung titingin ba ko sa harap, I decided to get it done. I’ll explain myself na lang. Wala naman akong ginawang masama. “Bro, faster! Look!” Renzo giggled. Nang lumingon ako sa harap ay ibang babae pala ang tinutukoy ng dalawa kong kaibigan. Hindi siya ang naka eye contact ko kanina. Siya yung kayakap ng babaeng maikli ang buhok. It’s her friend. She’s pretty. “Oy shawty pare!” Inakbayan ako ni Drake at tinanong niya ’ko kung kilala ko raw ba yung girl. Umiling ako at sinabing hindi ko ito kilala. ‘Yon ang totoo, it’s my first time seeing her. “I know her.” biglang salita ni Renzo. “She’s popular on guys, sabi nila siya daw pinakamagandang freshman this year. Her name is Steffanie.” Mukhang siya na next target ni Renzo. She is definitely his type, maganda, tisay, sexy at matangkad. I didn’t ask much about her. Honestly, mas interesado ‘ko sa kasama niya. Sa babaeng naka titigan ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD