04

1054 Words
MIKA’S POV After ng welcome walk, ang sunod na pupuntahan naming event ay ang tinatawag nilang "Roarientation", basically orientation ito about school at iba't-ibang performances mula sa mga students ng UST. Dahil sa pagod at gutom, nagpunta muna kami ni Steff sa may Car Park, dito mo kasi makikita ang iba’t iba at napakaraming food stalls. We decided na sa Starbucks na lang bumili ng foods at magpahinga saglit. Nilibre pa ‘ko ni Steff dahil alam niyang nagtitipid ako. Dali-dali na kaming nagtungo sa Quadricentennial Pavillion o mas kilala bilang UST Gymnasium, dahil dito gaganapin ang next event. Ito ang unang beses kong magpunta rito sa Q-pav, kaya't namangha ako sa laki at lawak nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nakapasok ako sa UST. Parang kelan lang pinapangarap ko lang 'to, ngayon nandito na ko, isang ganap na Thomasian. Habang naghahanap ng mauupuan ay tinawag ako ni Steff. “Mika, doon tayo sa taas." Punong-puno ng first year students ang buong Gymnasium kaya't natagalan kami bago makarating sa may itaas na bahagi ng bench area. Konting oras na lang ay magsisimula na ang orientation at performances, para bang umattend kami ng concert dahil sa ibat-ibang liwanag galing sa light sticks na hawak-hawak ng mga estudyante. “Mabuti na lang nasa taas tayo, kitang-kita natin ang buong paligid." bulong ko kay Steff. Tumango naman siya at agad na inilabas ang kaniyang phone para magpicture. “Bestie, smile!'' *click* Nagsimula na ang orientation. Konti na lang mababasag na eardrums ko sa sobrang lakas ng hiyawan matapos magperform ang Salinggawi Dance Troupe, sila yung mga representatives ng UST na nagpe-perform tuwing UAAP season. “GO UST!'' “GO S-A-N-T-O-T-O-M-A-S.” “Go,USTE!'' "Go,USTE!'' "Go,USTE!'' After magperform ng cheerleading squad ay nagpatuloy ang event sa awitan, sayawan at spoken poetry na inihanda nila para sa 'min. Sobrang saya at sarap sa pakiramdam na maranasan ang ganitong mga bagay. Medyo sumikip tuloy ang dibdib ko, di ko na lang ipinaalam pa kay Steff dahil baka mag-alala pa ito. “There we go, Freshies, we welcome you to University of Santo Tomas. May you enjoy the experience and may the Thomasian spirit be with y'all." pagtatapos na pananalita ng speaker ng event. Sa wakas ay natapos na rin ang Orientation. Sa sobrang saya ay medyo sumama ang pakiramdam ko, totoo ngang lahat ng sobra ay nakakasama. Gustuhin ko mang enjoy-in ang araw na ito. Mukhang 'di ko magagawa ngayon. Nakaramdam ako ng lungkot na lalo pang nagpasikip ng dibdib ko. Napansin ni Steff ang bigla kong pagtahimik. “ Mika? anong problema?" nag-aalalang tanong niya. “ Wala, napagod lang siguro ako." " Wag ka na mag-alala, wala lang 'to!" pagdadahilan ko habang pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman. Ayaw niyang maniwala sa 'kin, bakas sa mukha niya ang labis na pagdududa at pagaalala. “Sigurado ka ba?" “Mukhang 'di ka okay." “Hatid na lang kita sa dorm.'' sunod-sunod na sabi nito. “Wag na, enjoy-in mo 'tong araw na to, okay?" pagpupumilit ko. Ayaw niyang magpatalo, gusto niya talagang ihatid ako pauwi. Malapit lang naman ang dorm ko dito sa UST kaya't pumayag na din ako, gusto ko na din talagang magpahinga na. Nakarating na kami sa U-belt area, dito ‘ko nag stay ngayon dahil sa hassle pa kung uuwi pa ko sa 'min sa probinsya, kaya’t naghanap na lang ako ng dorm malapit sa school. Nagpaalam na 'ko kay Steff at sinabihan itong wag ng magalala. Nang makaalis na ito ay umakyat na ‘ko papunta sa kwarto at kumuha ng tubig sa kitchen upang uminom ng gamot. Siguro naman mawawala na ‘to kapag nakapagpahinga na ko. Mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod. Kinabukasan ay maaga akong nagising, maayos naman ang aking pakiramdam at walang masakit sa kahit anong parte ng aking katawan. Baka dala lang ng sobrang pagod kahapon kaya sumama ang pakiramdam ko. Na kompleto ko ang walong oras na pahinga kaya’t maganda ang gising ko ngayon. Agad akong bumangon at nagtimpla ng kape. Magluluto na sana ko ng almusal ko nang mapansin ko ang isang supot ng pagkain na naglalaman ng ilang piraso ng pancake at omelette rice. [ Mukhang ‘di maganda pakiramdam mo kagabi, ibinili na kita ng makakain para di ka na mapagod. Get well soon, Iris! ] mga salitang nakasulat sa papel na nakadikit kasama ng pagkain. Umuwi pala kagabi ang roommate ko na si Trisha, isang nursing student sa La Salle. Siya lang ang tumatawag sa second name ko, ang ganda daw kasi. Naging emosyonal na ‘ko, konti na lang at tutulo na ng tuluyan ang luha sa mga mata ko. Mahirap lang ang buhay ng pamilya ko sa probinsya, kung ‘di dahil sa half scholarship na natanggap ko ay siguradong hindi ako makakapag-aral sa UST. Sinusuportahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag ta-trabaho matapos ang aking klase at pagtu-tutor sa mga elementary students, upang matustusan ko ang bayarin sa school at dorm. Mahirap. Pero kinakaya. Wala naman akong choice kun ‘di ang kumayod para sa pamilya at pangarap ko. Kahit na bawal akong magpagod, minsan nawawala na lang sa isip ko dahil sa hirap ng mga trabaho. Mabuti na lang ay nan d’yan ang mga kaibigan ko upang suportahan ako at bigyan ng lakas ng loob. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanila, lalo’t higit kay Steff at Trisha. Naalala kong mayroon pala ‘kong klase ng 9:00 ng umaga kaya’t kinain ko na ang almusal na binili ni Trisha at naghanda na para pumasok sa school. 8:00 na nang matapos akong maligo at maghanda ng mga gamit na kakailanganin ko. Umalis na ko sa dorm ng 8:10 at nag commute na papunta sa school. Nang makarating ako sa room ay agad akong sinalubong ni Steff. “Mika, kamusta pakiramdam mo? May sakit ka ba?” sunod-sunod na pagtatanong niya. “Wala, napagod lang talaga ‘ko kahapon. Ayos na ‘ko ngayon, bestie.” paliwanag ko sa kanya. “Sure?” dagdag pa niya. Tumango na lamang ako at agad niya ‘kong hinila sa may bakanteng upuan. Makatapos makapili ng upuan ay inilagay ko na ang aking mga gamit sa locker at inorganisa ito. Dumating na ang prof. namin kaya’t nagsi-upo na ang lahat at nakinig sa discussion at presentation na inihanda nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD