05

1002 Words
Nagdaan ang mga araw at unti-unti ng dumarami ang mga gawain namin sa school. Ngayon, alam ko na kung anong pakiramdam ng maging college student. Stress malala! Totoo ngang minsan ay hindi ka na makakakuha ng pagkakataon para matulog o magpahinga dahil sa sobrang dami ng activities and plates na malapit na ang deadline. Dagdag mo pa ang recitations at presentations na kailangan mong paghandaan, mag po-procrastinate ka talaga. ‘Di biro ang hirap na mararanasan mo, pero wag mong kakalimutang mag enjoy kahit na nasa mahirap na sitwasyon ka. Lunes ngayon kaya’t maaga akong gumising para maghanda sa first subject ko. Habang naliligo ay binibigkas ko ang criminal code act. na pinagpuyatan ko kagabi, upang ‘di ito mawala sa aking isipan. May recitation pa naman kami mamaya at d’on pa napatapat sa terror naming professor, kapag minamalas nga naman oh. Bumaba na ‘ko ng building at sumakay na papuntang UST. Dahil wala naman masyadong traffic at maaga pa naman, ay naisipan kong sa main entrance na lang ng school dumaan. 9:30 na, 10:00 pa naman ang klase ko kaya’t naglibot-libot muna ko sa lugar para makabisado ko ang pasikot-sikot dito sa school. Napadaan ako sa harap ng Arch of the Centuries at saglit na pinagmasdan ang mga naka ukit na detalye sa itaas na bahagi nito. Nang ibaba ko ang aking paningin ay napansin kong sa kabilang bahagi ng arko ay mayroong isang matangkad na lalaki na dire-diretso ang paglalakad patungo rito. Nakayuko siyang naglalakad habang may nakasalpak na earphones sa magkabilang tenga. Nakasuot ito ng medyo oversized white-shirt na nakatuck-in sa itim na pantalon, at nakapasok ang dalawang magkabilang kamay sa bulsa. Natulala ako saglit habang pinagmamasdan siyang unti-unting papalapit sa ‘kin. Siguro kung nanonood ako ngayon ng pelikula ay tiyak na siya ang bida rito. Ang lakas ng dating niya,ganoon. Gwapo sana… pero, bakit ang tanga? Dito ba siya lalabas sa Arko? Hindi ba niya alam ang kasabihan, once na dumaan siya dito ng hindi pa nakakagraduate? Ano ba yan! Ako naiistress para sa kaniya. Kung sasayangin niya lang din naman ang buhay niya, ba’t hindi na lang sakin? Charot! Hindi ko na lang sana papansinin at aalis na lang sana ‘ko, pero naisip ko baka masayang future namin kung ‘di siya maka-graduate. Mikaella Iris Joaquin Reyes malandi era na ba? Kidding aside, incase lang na hindi pa niya alam kasabihan sa Arch of the Centuries kaya’t tumayo na lang ako harapan ng arko para pigilan siyang makalabas rito. Walang halong landi, gusto ko lang tumulong. Wala naman sigurong masama kung susundin yung babala diba? Tatlong hakbang na lang ang pagitan naming dalawa ng bigla itong tumigil sa paglalakad. Napansin niya sigurong nakatayo ako sa kabilang dulo. Nakabuka ang aking mga kamay upang makita niyang pinipigilan ko siyang lumabas. “What are you doing?” tanong niya habang tinatanggal ang isang earphone sa tenga. Ay englishero ang kuya mo.Pano ba yan wala akong baon na english ngayon, sabi ko na dapat ‘di na lang ako tumulong. Lord pagsubok lang ‘to ‘diba? Mas lalo akong nawala sa sarili nang makita ko sa malapitan ang mukha niya. Totoong tao ba ‘to? Bakit ang gwapo?! “Hey, sorry but I dont normally give free hugs to strangers, so please move.” he coldly said. Aba. May sira ba ‘to sa ulo?! Anong hug? Mukha bang nanghihingi ako ng yakap? Agad kong ibinaba ang aking mga kamay. Akala ba niya yayakapin ko siya kaya naka ganoon ang kamay ko?! Pwede naman. JOKE! “Wow, ang kapal mo naman pala.” pabulong kong sabi. Ano bang english ng makapal ang mukha? “Your face is thick!” sigaw ko at mabilis na umirap. Lord, ano ba tong ginagawa ko sa buhay. Lupa, lamunin mo na ‘ko ngayon please. nakakahiya!!! “Ano ba kasing ginagawa mo d’yan? Why are you blocking the way?” Tiningnan niya ‘ko mula ulo hanggang paa, para bang hinuhusgahan na niya buong pagkatao ko. “I don’t have time for this, move asap!” Ay ang sungit naman pala nito. Mukhang mas malamig pa ata ugali niya sa panahon. Dapat nga nagpapasalamat pa siya sakin. “Why are you shouting?” tanong ko habang nakataas ang kilay. “I’m not. Seriously you’re wasting my time.” He replied mukhang nagmamadali siyang lumabas. “Bawal kasing lumabas dito unless graduate ka na.” pagpapaliwanag ko. “Ayaw mo bang grumaduate? ” tanong ko. “oh ngayon alam mo na? Pasalamat ka sa ‘kin.” dagdag ko pa. He smirked. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Confirmed may sira nga ‘to sa ulo sayang gwapo pa naman siya. “I know about that.” pabulong niyang sabi pero narinig ko pa rin dahil malapit lang naman kami sa isa’t-isa. Nagtama ang aming mga mata. His eyes looks so cold, it looks so empty. Bakit ang sakit tingnan ng mga mata niya? “Alam mo pala, e. Bakit lalaba-’’ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang itong tumalikod at naglakad papalayo. Pinagmamasdan ko siya habang papalayo na ng papalayo sakin, napansin kong tumingin ito pabalik. Nakita ko na naman ang nanlalamig niyang mga mata. Ano bang problema niya. Weird. Pero mabuti na lang hindi na siya nagpumilit pang lumabas sa Arko. Nakagawa ako ng mabuti ngayong araw, dagdag points ba ‘to sa langit? Umalis na ‘ko sa kinatatayuan ko at dumaan na sa gilid ng Arko. Habang naglalakad sa Lovers Lane ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang kaniyang mga mata. Alam naman pala niyang bawal dumaan roon, bakit tuloy-tuloy pa rin siya? weird talaga. Dumiretso na ko papasok ng main building at kinalimutan na ng tuluyan ang mga mata niyang mahirap maintindihan, nanlalamig at punong-puno ng kalungkutan. May gala nga pala ang barkada bukas sa BGC, may na tagpuan raw na new place si Steff. Hindi pa rin ako sigurado kung sasama ba ‘ko dahil sa part time job ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD