YUGTO 4

1421 Words
Ika-Apat na Yugto : Pagsubok "Tay dito na po ako !" Sigaw ni yuna pagkarating na pagkarating agad sa bahay nila. Ala sais na rin ng gabi at halos naubos din ang mga paninda niya. Well, except sa nangyari kaninang umaga ay mas nangibabaw pa rin ang kagalakan niyang ibigay sa tatay niya ang kinita niya ngayong araw at kung gano lumukot ang mukha ng kapreng si Layz dahil mas marami ang kinita niya ngayon. Inilapag niya sa kahoy na lamesa sa labas ng bahay nila ang malaking basket na dala niya at napakunot ang noo dahil tahimik sa loob ng bahay nila, pero bukas naman ang ilaw. "Tay? Hindi yata kayo napadaan ngayon sa palengke ah.." Nagsimula na siyang pumasok sa kubo na bahay nila at ng wala pa ring sumasagot sa tawag niya ay medyo kinabahan siya. 'Umalis ba siya ?' "Tay ?" Nagtungo siya sa kusina at sala nila pero wala ang tatay niya roon. "Tay asan ka-- Tay !" Halos takasan siya ng hininga ng sa pagpasok niya sa kwarto nila ng Tatay niya ay nakita niya itong nakahandusay sa papag. Nakita din niya ang bakas ng dugo sa ilong neto. "Tay ! Tay !" Yinugyog niya ng yinugyog ang ama, nagbabaka sakaling magising ito habang nagsimula ng magsitulo ang mga luha sa mata niya. "Tay gising ! Tulong ! Tulungan niyo kami !." sigaw niya kahit na punong puno ng luha ang mukha niya. "Tatay !" Napayakap siya sa ama at humagulhol ng humagulhol. "Tulong ! Ang tatay !." ---- Sa isang Hacienda ay makikita ang isang ginang na kahit matanda na ay litaw pa rin ang natural na kagandahan. Nakatayo siya sa balkonahe ng kwarto niya at malayo ang tingin,tinatanaw ang malawak nilang lupain na may mga puno ng manga, nagkalat na kabayo, baka at tupa, at ang mga taong busy sa pinyahan di kalayuan. May hawak siyang isang lampin ng sanggol na may nakaburda na ngalan ng isang babae sa baba. 'Anak' Yinakap niya ang lampin habang lumuluha. Puno ng sakit at hinagpis. Iniisip kong nasaan na ba ang anak na nawalay sa kaniya pagkapanganak niya pa lang 22-taon na ang nakalipas. Ang sabi sa kaniya ay isa lang naman daw ang anak niya pero malinaw na malinaw na dalawang bata ang nakita niya bago siya nawalan ng malay. Ngunit ng nagising siya, sabi ng Nurse ay isa lang daw talaga ang batang niluwal niya. Natigilan siya at nagulat ng tila may narinig na nabasag mula sa kwarto niya. Dali dali siyang pumasok at natutop ng kamay niya ang bibig ng makitang isang picture frame ang nahulog. Napatingin siya sa bubog na nasa sahig at pagkatapos ay sa larawan na napapalibutan na rin ng bubog. Pinulot niya ito pero nabitawan din agad ng nadaplisan ang daliri niya ng bubog at tumulo ang isang patak ng dugo sa picture. Napako ang tingin niya sa mukha ng taong nakangiti sa picture habang naka akbay siya dito at natuluan ng kaniyang dugo ang mukha neto. 'Kristof' mahina niyang tugon sa isip.. ---- "P-po ? Sakit sa puso ?" Halos manghina si Yuna ng marinig iyon sa Doctor na kaharap niya matapos nilang isugod ang tatay niya sa ospital sa kanilang bayan. Naisugod nila ang tatay nila matapos mapadaan si Mang Neri sa bahay nila para sana may ibigay sa tatay niya, ngunit nadatnan na lang nito si Yuna na umiiyak at nagsisisigaw ng "Tatay" at "Tulong". "Jusmiyo.." halos hindi din makapaniwala si Mang Neri sa narinig. "At kailangan niyang ma operahan sa lalong madaling panahon ija, kung hindi" umiling ng bahagya ang Doctor "mahuhuli na tayo." Tahimik na tumulo ang luha ni Yuna sa mga mata niya. Sa sobrang gulat at kaba ay tila wala na siyang boses para humagulhol pa. "Payag po akong operahan siya, Doc.." matatag niyang sabi kahit nanginginig na ang buo niyang katawan "Pero ija masyado iyong mahal at magbabayad ka pa sa ospital pagkatapos." sabi ni Mang Neri na nag aalala din di lang kay Mang Kristof pati na rin kay Yuna. "Pero Mang Kristof di ko kayang mawala si Tatay!" Umiling siya at suminghap ng hangin "hindi ko kakayanin.." Dahil pag nagkataon man ay magiging mag isa na lang siya. Ang tatay na lang niya ang meron siya. "Ija.." yinakap siya ni Mang Neri na naaawa din sa kaniya Bumaling ulit si Yuna sa Doctor at nagsalita. "Please gawin niyo po ang lahat para lang mabuhay si Tatay. Mas mahalaga ang makita siyang humihinga kesa ang gagastusin ko para sa operasyon niya.." Tinignan niya ang ama na noo'y may mga sari saring nakalagay sa katawan at may malaking tubo sa bibig. 'Kahit lumuha man ako ng dugo sa pagkayod tay basta wag niyo lang akong iiwan..' sabi niya sa likod ng utak niya, umaasa na mabubuhay pa ang ama.. ---- Halos mapapikit ulit si Jeydee ng tumama ang sikat ng araw mula sa bintana ng kwarto niya sa kaniyang mga mata. Parang nabibiyak na rin ang ulo niya sa sobrang sakit neto. Grabe gusto niyang mag headbang! 'f*****g hangover' sa isip niya Binalik niya sa pagkakahiga ang ulo niya at pumikit ulit. Ngunit, mas lalo yatang sumakit ang ulo niya ng sumagi ang mukha ng probinsyanang iyon sa isip niya. Ang magaganda nitong mata na may mahahabang pilik, ang maamo nitong mukha at ang pinkish at maninipis na labi na iyon. Lahat yun nasaulo niya sa pagitan lang ng segundo pagkakita niya sa mukhang iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang epekto ng babaeng iyon sa kaniya. Nakakalito ng buong sistema dahil ng paglapat palang ng tingin niya sa mga titig nito ay tila may isang pares ng pagkatao niya ang natagpuan niya. He was sure as hell that he felt his heart skip a beat.. 'She's dangerous' napamulat siya ng mata sa naisip na iyon 'to the point of making me like this..' Bumangon si Jeydee mula sa pagkakahiga kahit pa pumipintig sa sakit ang ulo niya. Buti na lang at wala siyang kahit na anong schedule ngayon base na rin sa tinext ng manager niyang si Alex kagabi at batid niyang alam na rin iyon ni Aika. Then, a sudden thought came on his messed up mind. Sandali siyang napatulala at pinakiramdan ang sarili. May kung ano sa tiyan niyang tila kinikiliti siya at parang ang buong sistema niya ay may isang bagay na hindi pa napagdadaanan at ngayon ay tila gusto nitong kumuwala mula sa kaniya at yakapin ang sensasyong iyon. Parang may bagay na ngayon lang niya naramdaman at para siyang isang bata na nabigyan ng candy na ngayon lang niya nakita at gustong gusto niyang buksan agad yun. 'Girl, I don't know about you and you don't know about me.. isn't it too early for you to make me insane ?' Mabilis siyang kumilos para maligo at medyo nahimasmasan. Nagbihis lang siya na parang isang simpleng tao at nagsuot din ng sumbrero at shades. He grabbed the key of his baby Lambo at malalaki ang hakbang na nagtungong parking lot. Bumuntong hininga muna siya at tinignan ang sarili sa salamin ng sasakyan niya. He can't name what he is feeling right now but, he knows he is now already in danger.. Mabilis niyang pinaharurot paalis ng parking lot ng condo building nila ang baby lambo niya at maraming pumapasok sa utak niya ngunit nanatili siyang kalmado. Matapos ang higit kumulang 1 at kalahating oras ay nakarating siya ulit sa probinsiyang iyon. Tinignan niya ang eksaktong lugar kung saan una niyang nasilayan ang mukhang iyon at pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang lugar kung saan nagsigulong ang mga prutas na iyon. Nagsimula siyang maglakad patungo sa direksyong iyon hanggang sa nakakaabot siya sa medyo mataas na parte ng lugar at nakakita siya doong ng ilang mga bahay na kubo.. 'Where are you ?' Diing tanong niya sa utak niya Tila isa siyang bata na naghahanap ng theme park na mabilis lang niyang napuntahan noon at ngayon ay sabik na sabik siya ulit na makapaglaro ulit dito. Parang isang teenager din na hindi lang makita ang crush niya eh feeling niya na iyon na ang worst day of all times. Pero natigilan siya ng may naaninag sa isang kubo di kalayuan sa kinatatayuan niya. May dala itong mga bagahe at malungkot ang mukhang nakatanaw sa bahay na nasa harap niya. Inaninag niya pa ang mukha nito ng mabuti at may sumibol na kakaibang saya sa pagkatao niya. 'This is driving me crazy' aniya sa isip pero nagsimula na ring maglakad sa direksyon ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD