YUGTO 5

1529 Words
Ikalimang Yugto : Ang pagluwas ni Yuna sa siyudad Nagising si Aika sa sinag ng araw na tumatama mismo sa mga mata niya, na nagmumula sa malaking glass window sa harap. "Maam, sabi po ni Maam Ailee ay magpapasama daw ho siyang magshopping sa inyo." Dinig niyang sabi ng isang kasambahay nila. Ang tinutukoy nito ay ang ina niya na ilang beses na siyang niyayayang magshopping pero dahil nga busy siya sa pagtatrabaho bilang PA--kahit may pera naman sila, eh hindi na niya ito napagbibigyan. Minsan nga nagtatampo na ito dahil parang pinipili pa raw neto ang pagmamahal niya kay Dee kesa sa pamilya niya. "Wait lang Ya, tanungin ko muna si Ms. Alex about Dee's schedule." ani niya sa namamaos na boses. Kinapa niya ang cellphone niya sa bedside table at nakitang alasyete na ng umaga pero napukaw ng atensyon niya ang mensahe mula kay Ms. Alex. Sinasabi sa mensahe niya na wala daw kahit isang schedule ngayon si Jeydee dahil ini-urong daw bukas ang press conference niya para sa launching ng new album niya, yung tinaping sa probinsiya. 'Hayy mamimiss q si Dee kahit one day lang' malungkot niyang saad sa utak Pero ok na rin yun dahil makakapagpahinga naman si Jeydee kahit isang araw. Pero di alam ni Aika ang pinagkakaabalahan ngayon ng amo niya. Dali dali siyang bumangon at naligo. Pinasabi na rin niya sa Yaya na sabihin na sa Mom niyang naliligo na siya para makapag shopping na sila. Pagkatapos niya makapag ayos ay dinampot na niya ang cp niya at nilagay iyon sa sling bag niya. Ngunit ilang hakbang palang ang nagagawa niya ng magring iyon at ng kunin niya ito ay nakita niya sa screen ang ngalan ni Ms. Alex. Napabuntong hininga siya sa naisip. 'Mukhang alam ko na kung saan tutungo to' "Hello Ms. Alex?" Sagot niya sa tawag ni Alex "Ah Aika !" Halata sa boses niya na medyo hapo ito marahil ay hinahabol na naman ang makulit na si Chi "Naku pasensiya na Aik's. Tumawag kasi kanina ang entertainment at sinabing itutuloy na lang daw ang prescon. Pwede bang ipa alam mo na lang kay Dee at mauna na kayo ? Today mga 10, hahabol na lang kami ni Chi. Bye thanks !" Napanganga na lang ito sa sobrang bilis ng sinabi ni Alex at halatang nagmamadali. Pero nasapo niya ang noo sa ideyang hindi na naman sila matutuloy ng Mom niya. Mag e-eight na rin at paniguradong gigisingin pa niya yung amo niyang yun. "It's ok anak you can go.." Halos mahulog siya sa hagdan sa gulat ng marinig niya ang Mom niya sa baba ng hagdan. Dali dali siyang bumaba at niyakap ito. "I'm sorry Mom.." she sounded sad. "It's ok anak. Sige na puntahan mo na si Jeydee. Pupunta na lang ako sa office ng Dad mo at siya ang kukulitin ko.. haha" Natawa na lang din siya sa kakulitan ng ina. Matapos ng pagpaalaman ay umalis na rin siya at nagpahatid sa Valkrie Building. Pagkarating niya doon ay nadatnan niya pa si Riri Valkrie, ang bunso sa magpipinsang Valkrie at vocalist ng sikat na banda na ShutDown band na mukhang patulog na sana sa sofa. Malamang ay kaka uwi niya lang mula sa gig ng banda neto. "Ay sorry mukhang naistorbo kita.." paghingi niya ng paumanhin kay Ri. "It's ok *yawn* I really wanna sleep, sorry Aiks" Ri responed with a sleepy eyes "It's ok matulog ka na. Gisingin ko lang si Dee." She said at nagtungo na sa kwarto ng amo Pero gayon na lang ang gulat niya ng wala ito sa kama! 'Where in the world is that guy ?!' ---- Papalapit na si Jeydee sa pwesto ng babaeng pinuntahan niya pero naantala ang paglapit niya ng mula sa kung saan ay may tumatakbong lalaki ang lumapit dito. Bakas sa mukha ng lalaki ang halong pag aalala at galit. Tila nagulat naman ang babae sa pagdating nito. Nakita niyang nag uusap ang dalawa at maya maya ay yinakap siya ng lalaki. Bigla siyang natawa ng bahagya at napapa iling na tumalikod para bumalik sa baby lambo niya. 'What the hell ?' Natatawa niyang sambit sa isip Hindi naman talaga siya nasaktan sa nakita, grabe saktan agad agad? Nanghinayang. Yan ang naramdaman niya ng time na iyon. 'Sayang may boyfriend na pala' napapatawa ulit na isip niya "Oh well forget about that probinsyana girl. Such waste of time." Sabi niya at mas binilisan ang pagpapatakbo Nakakatawa lang na pumunta pa talaga siya ng ganoon kaaga para lang sa babaeng yun, eh sa set nga lagi siyang late. ---- Ala singko ng umaga eh gising na agad si Yuna. Kagabi ay buong magdamag siyang nag isip kung ano ang gagawin niya para mabayaran ang pagpapa opera ng ama at isa lang ang naisip niyang paraan. 'Luluwas ako sa syudad para magtrabaho' Napabuntong hininga siya at yumuko para halikan sa noo ang amang noo'y di parin gising. "Wag kayong mag alala tay, ako na ang bahala sa lahat basta lang gumaling ka. At alam kong di ka pababayaan nila Mang Neri dito.." bulong niya sa ama Pinagmasdan niya rin noon si Mang Neri na natutulog sa isang sofa sa loob ng kwarto ng tatay niya na buong magdamag siyang sinamahan mula pa kahapon. 'Maraming salamat Mang Neri, napakabait niyo po hindi ko to makakalimutan bilang utang na loob' Maingat siyang lumabas at pinuntahan ang Doctor ng ama niya. "Sigurado ka na ba jan ija ?" Tila nag aalala at naaawa na boses ng Doctor na si Doctor Kaimei ng sinabi ni Yuna ang nais niya "Opo at gagawin ko ang lahat mairaos lang ang operasyon ni Tatay. Sana po eh gawin niyo din lahat para mabuhay pa siya.." ani niya Napabuntong hininga ang Doctor at naiintindihan niya ang punto ng dalaga. Marahan niyang tinapik ang balikat ni Yuna at ito'y kaniyang nginitian. "Don't worry ija, I will not put all your sacrifices into waste.." Bagamat ayaw niya at masakit sa loob na iwan ang ama habang ito ay nasa malalang kondisyon, walang ibang choice si Yuna kundi lumuwas sa syudad at makipagsapalaran alang alang sa operasyon ng ama. Hindi niya alintana ang hirap at malaking gastos para lang mabuhay pa ang mahal niyang ama. He is what all she got right now. Napako ang paningin niya sa isang kwintas na purong gold na nakapatong sa kalumaan nang mesa sa kwarto nila ng itay niya. Ang sabi ng tatay niya ay pagmamay ari daw ito ng kaniyang inang nabibilang sa mayaman na angkan. Tinanong niya noon kung asan ba ang pamilya ng ina ngunit ang sabi lang ng ama niya ay "ayaw nila sa akin anak". Kaya ayaw niya sa mayayaman, pero hindi niya sinasabing ayaw niya sa ina kahit pa di na niya ito naabutan pang buhay ay may pakiramdam naman siyang isa itong mabuting tao. Kinuha niya ang kwintas na gold na may "J" na pendant na hula niya ay baka first letter sa ngalan ng ina at sinuot. Naisip niyang maaari niya itong isangla kung magkagipitan pa lalo. Lumabas na siya ng bahay nila bitbit ang lahat ng bagahe neto para umalis na sa naturang probinsiya. Malungkot na pinagmasdan niya ang kabuuan ng bahay nila at tila maiiyak. "Hoy payatot!" Nagulat siya ng bigla na lang dumating ang noo'y humahangos pang si Layz sa harapan niya. "Kapre !" Singhal niya "anong ginagawa mo dito ?" "Sabi ni Mang Neri bigla ka na lang daw nawala sa ospital.." medyo nakarecover na niyang sabi "at saan ka pupunta ba't may mga bagahe ka ?!" "Sa syudad makikipagsapalaran para sa operasyon ni itay." "Ano ?!" Gulat na turan ng binata "hala Payatot ano ka si Magdalena ? Mag G-GRO ganun ?" Dahil sa sinabi neto ay nakatikim siya ng malupit na batok sa dalaga. "Gago maghahanap ako doon ng DESENTENG trabaho !" Pagbibigay diin niya sa salitang desente "Tsk." Yamot namang ganti ng binata "haayy ang akin lang naman baka kung mapano ka doon." "Wag mo akong isipin. Mas importante si Tatay.." Naiintindihan naman yun ni Layz ngunit kahit naman na magkaaway sila ni Yuna ay di parin niya maiwasang mag alala para dito. "Buo na ba ang desisyon mo ?" "Oo. Buo pa sa kapiranggot mong utak Kapre" "Aish !" Ginulo ni Layz ang buhok nito at niyakap pa si Yuna. Nagulat man ay gumanti din ng yakap si Yuna at napangiti. 'Mami miss kita kapre' "Nga pala pahingi akong number mo. May cp ka naman diba ?" Tanong ni Yuna kay Layz habang sinamahan niya itong mag abang ng bus para makaluwas sa syudad. "Oo. Baket ?" "Para makatawag ako pag kakamustahin ko si Tatay.. pag nakaipon eh bibili ako ng cp na mumurahin, kahit made in china ok na.." Maya maya pa ay nakasakay na siya ng bus at masayang kinawayan si Layz sa may bintana habang papaalis na ito. Binilin din niya na alagaang mabuti ang ama habang wala siya at tatawag na lang siya kapag nagkacp na siya. Hindi alam ng dalaga na sa mga oras ding iyon ay iyon na ang simula ng pag apak niya sa mga bagay at rebelasyon na magbibigay saya, lungkot, hinagpis, at pagkawasak ng buhay niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD