^^^^^^^^
Kody's POV
Panibagong araw ng pagtunganga sa opisina ni Thorne....
Magtatanghali na at sawang-sawa na 'kong umupo dito sa sofa. Nakakailang cross legs na 'ko at hilong-hilo na din ang TV sa paglilipat ko ng channels.
Nakakatatlong araw na 'ko dito sa opisina niya at pareho-pareho lang ang nangyayari. Mag-a-attempt nga akong maglinis pero maya't maya naman siyang nagrereklamo. At ang huli, pauupuin niya lang ako sa sofa at sasabihing hintayin ko siyang mag-utos. Pero bukod sa pagtitimpla ng kape wala na siyang pinapagawa... Pakiramdam ko niloloko niya lang ako at gusto niya lang akong mabaliw sa sobrang pagkainip...
Pinatay ko ang TV at lumapit sa kanya.Nilapat ko ang dalawa kong kamay sa mesa niya para makuha ang atensyon niya.
Thorne looked up at me and eyed me lazily.
"Crush mo ba 'ko, Thorne?"
Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya at initsa ang hawak na folder sa ibabaw ng lamesa na para bang nawalan na ng interes doon.
"What made you ask that?"
"Dahil wala ka namang pinapagawa sa'kin dito sa opisina mo. Gusto mo lang yata akong makasama dito dahil crush mo na 'ko."
Hindi makapal ang mukha ko wala lang talaga akong maisip na sabihin kundi kalokohan na produkto ng pagtunganga. Syempre, pinak-safe na topic na buksan ang kalokohan dahil hindi naman totoo at hindi naman mangyayare.
Ako, crush ni Thorne? Tsss...
"Dream on, Kody. Kung naiinip ka dahil wala kang magwa puwes linisan mo ang lahat ng CR mula sa ground floor hanggang dito sa floor na 'to." at dinampot na ulit ang folder at nagsimulang magbasa.
I just shrugged.
Syempre wala akong balak gawin 'yun. Iniisip ko ng umuwi pero baka umasim na naman ang mukha ni Nay Lydia.
Lumabas ako ng opisina nang hindi nagpapalam kay Thorne.
Maybe I would just have a cup of coffee in one of the shops below.
Pero naglalakad pa lang ako sa lobby nang may humawak sa siko ko...
Tiningala ko si Thorne na nasa tabi ko na pala.
(-____-)
"Hindi na 'ko mangungulit, Thorne, wag mo lang akong paglinisin ng mga CR!"
Hindi yata't seryoso siyang alipinin ako?
"I know, silly."
Yun naman pala... Sinamaan ko na lang ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa siko ko, binalik ko sa kanya ang tingin ko.
"Bakit ganyan ka makahawak?"
Na parang totoong gentleman siya at gusto niya talaga 'kong alalayan?
At bakit parang nag-e-enjoy ang siko ko?
"Dahil may pupuntahan tayo."
"Huh? Akala ko ba marami kang ginagawa?"
"Don't ask. Ako ang boss dito." naiinis niyang sagot.
Grabe ang angas. Kala mo kung sino. Pero tumahimik na din ako. Alila nga ako di ba?
Nasa tapat na kami ng building at huminto doon ang sasakyan niya. Bumaba ang isang valet at inabot ang susi kay Thorne.
Ikiniling ni Thorne ang ulo sa direksyon ng sasakyan na ibig sabihin ay pinapasakay ako. At dahil masunurin akong alila...
Sumakay nga ako.
I pouted. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. Pero ano nga ba, alila nga ako di ba? Isa pa, childhood enemies kami hanggang ngayon at... hindi naman girlfriend....
Nakarating kami sa Rustan's.
Mukha namang wala siyang balak mamasyal lang dahil diretso ang lakad niya at hindi man lang lumilingon.
"Anong gagawin natin dito, Thorne? Bibilhin mo na ba ang Rustan's?"
"No."
Nakarating kami sa Ladies formal wear section. Tumigil siya sa isang rack ng mga cocktail dress. Itinaas ang napili atsaka pinaglipat-lipat ang tingin sa damit na hawak at sa katawan ko.
Medyo nagtagal ang tingin niya sa dibdib ko napa-cross arms tuloy ako. And the man just smirked. na para bang sinasabing hindi naman siya interesado.
Ha!
Mayamaya ay tumango-tango siya at ibinigay ang damit sa sales lady na katabi namin.
Ganoon lang 'yon?
"Sa akin ba 'yun Thorne?"
"Yeah."
"Bakit mo 'ko binilhan eh marami akong dress sa bahay."
"Dahil gusto ko."
Yeah right. So I need to f*ck off?
Tsss..
The ever kingly Thorne Salvatore...
"At paano mo nalaman ang sukat ko?"
Paano nga kaya? Dinaan lang ako sa tingin?
"I just know."
sabi niya habang nagbabayad sa cashier.
Eh di siya na.
Gusto kong sumimangot.
Kung gusto niya pala akong ibili ng damit eh bakit hindi niya 'ko hinayaang pumili? Yung tipong maghihintay siya sa'kin habang nagsusukat ako ng mga damit at paglabas ko ng fitting room ay mapapanganga siya sa kagndahan ko? At kailangan ko pang ulitin ang sasabihin ko para makuha ang atensyon niya...
Napailing ako.
Ibinili din niya 'ko ng sapatos at buti na lang hinayaan niya na'kong pumili.
At natapos namin lahat 'yon sa loob ng sampung minuto. Usually pag namimili ako inaabot ako ng kalahating araw pagpili pa lang ng isang damit pero kapag si Thorne ang kasama, mahalaga bawat segundo.
And the man doesn't obviously like shopping. Maya't maya ay tumitingin sa relo.
And after that, we also had our lunch in one of the restaurants nearby.
Mayamaya lang ulit ay nasa sasakyan na kami at sa pagtataka ko, hindi kami bumalik sa opisina at bagkus ay sa harap ng bahay niya tinigil ang sasakyan.
"I'll fetch you at seven, Kody. We'll be attending to a party."
Kanina pang nakaalis ang sasakyan ni Thorne pero nasa gate pa din ako at hindi pa pumapasok ng bahay.
I frowned.
Aattend pala kami ng party. Tiningnan ko ang mga shopping bags na hawak ko.
Yeah, aattend daw kami ng party. At wala akong karapatang malaman agad?
Tsk. tsk. tsk.
Party lang pala, eh.
Sure, Thorne.
I grinned.