^^^^^^^^
Kody's POV
Pinasadahan ako ng tingin ni Thorne mula ulo hanggang paa.
Gusto kong umikot at mag-pose. Para man lang matodo ang walang habas niyang pag-iinspeksyon. Pero nagtatampo nga pala 'ko dahil kagabi. Kaya inirapan ko na lang siya at nauna sa kanyang bumaba sa hagdan.
"Sabi ko sa opisina tayo pupunta hindi sa isang pictorial." Seryosong sabi niya.
"Can't help it, Thorne. Na-excite ako masyado nang yayain mo 'ko. Normal pa 'to, hindi pa masyadong bongga." matamlay kong sabi at tumigil ako sa harap ng malaking salamin sa sala at tiningnan ang repleksyon ko.
Hmm... Satisfied naman ako. I'm wearing an elegant cream dress in soft satin and high heels. Feeling ko pang First Lady ang ayos ko. Natawa 'ko sa sarili atsaka sumunod kay Thorne na nakasakay na sa kotse niya.
Tama... Isa nga akong First Lady at si Thorne ay isang dakilang bodyguard...Binistahan ko ang anyo ni Thorne na naiinip na naghihintay sa likod ng manibela. Naka-three piece suit siya. Ang totoo hindi siya mukhang bodyguard. Pero bakit ko iisiping siya ang hari ng imperyo? Haay, may malaking pagtatalo tuloy na nagaganap sa utak ko.
Mayamaya ay nasa daan na kami papunta sa opisina niya. Nagtataka pa din ako hanggang ngayon. Mula nang kumatok si Thorne sa kwarto ko kanina at niyaya nga 'ko papunta sa opisina niya.
"So...bakit mo nga pala 'ko isasama sa opisina mo?" Tanong ko sa kanya mayamaya.
He just gave me a sideway glance and said nothing.
Fine. Eh di wag.
Lumingon na lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nagsawa ng tingin sa mga nagtataasang skyscrapers dito sa Makati. At nang mapagod ay binutingting ang car stereo.
Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa basement ng SGC kung hindi pa huminto ang kotse. Nauna syang bumaba ng sasakyan at naghintay ako ng ilang saglit...
Pero ang inaasahan kong pagbubukas nya ng pinto ng sasakyan sa gilid ko ay hindi nangyari!
Lumingon ako at nakita ko syang nasa tapat na ng elevator ng basement.
Tss... Trust him to do this. Padabog akong lumabas ng sasakyan at saka nya p-in-ower lock ang kotse.
"Ibig sabihin ba nito Thorne ay hindi na ko banned dito?"
"Only when you're with me, Kody. Hindi ka pa din pwedeng pumunta dito nang hindi ako kasama o walang permiso ko."
I just shrugged.
Eh bakit naman kaya ako dito pupunta nang di sya kasama. Utusan nga ako di ba?
Bumukas ang private elevator at pumasok kami. At di ko naiwasang
medyo mapasiksik sa tabi ni Thorne.
Dang! Kelan ko ba matatanggal ang pagiging claustrophobic ko?
Bahagya niya akong nilingon pero hindi nagsalita.
Dumistansya ako ng konti at tumikhim.
Hmm...trying to regain my composure.
Hindi kailangang i-obvious sa harap ng lalakeng to ang kahinaan ko. Paano kung ikulong na naman nya 'ko dito sa elevator na 'to?
"I won't do that again, Kody."
Nagtataka akong napalingon sa kanya. Mind-reader, eh?
"O-Of course you won't, Thorne."
At ayoko man pero inakbay ko ang mga kamay ko sa braso nya na ikinalingon naman nya.
"Sisiguraduhin kong hindi mo na ulit ako iiwan."
Nang saktong bumukas ang elevator.
Oh! Just right!
Ginantihan ko ang mga pagbati ng mga tao samantalang simpleng tango lang ang binigay ni Thorne.
"Bakit hndi sila nakahilera at magalang na yumuko para batiin ka?"
Thorne just glanced at me lazily."I'm their boss, Kody not their king."
I just shrugged. Well, gusto ko lang kasing magfeeling reyna. Bakit di nila bigyang galang ang get-up ko?
(>____-)
Nang makapasok kami sa opisina niya ay mabilis kong inalis ang napatambay kong mga kamay sa matipunong braso ni Thorne. Braso na parang kakayanin lahat ng mabigat na trabaho,magsisilbing pananggalang sa kapahamakan at gamit para magbigay ng isanlibot isang laksang kaligayaha---
Teka saan na naman galing ang mga naisip ko? Nagtatampo nga pala dapat ako ngayon sa kanya kaya wala dapat akong ibang kabaliwang iniisip.
Umupo ako sa harap na silya ng desk nya.
"I'm assigning you here, Kody, dito ka na maglilinis mula ngayon, but you won't be staying here 24/7, sa bahay ka pa din uuwi. I just want to cool down the air between you and Nay Lydia.'
Pabor ako doon dahil ayoko din naman muna sa bahay. Pero napataas ang kilay ko nang may maalala. "Can't you see me, Thorne?" Inilahad ko pa ang mga kamay para ipagdiinan sa kanya ang ayos ko.
"Of course I can perfectly see you, Kody. Trust me, hindi ka madaling iwasang pansinin."
"Exactly, pero bakit hanggang dito sa opisina mo gusto mo 'kong alilain? At sa ayos kong 'to?"
"Umaangal ka ba?" may warning sa tono nito kaya lalo lang akong napasimangot.
Well, akala ko naman kasi makakalusot. Kung gusto niya kong ilayo muna sa bahay bakit dito niya 'ko dinala? Bakit hindi sa isang resort at bigyan niya 'ko ng isang masayang bakasyon? Pero ano pa nga ba? Bakit naman niya gagawin 'yon, ano ako girlfriend?! Hindi naman ako si 'another girl'?!
Parang ang sarap magalit sa mundo...
"Okay..." mahina ko na lang sagot kahit gusto ko pang magmaktol. "But I won't wear uniforms here, Thorne, susuutin ko ang gusto kong suutin."
"Suit yourself, Kody but do your job well, wag mo 'kong galitin. At pwede ka ng mag-umpisa sa pagtitimpla ng kape ko.'
"Teka, akala ko maglilinis ako dito bakit gusto mo yatang maging secretary din ang role ko?"
"Do what I say, no qustions ask."
I gritted my teeth in frustration. Mas malala pa yata ang magiging trabaho ko dito. Pero labag man sa loob ay naglakad ako papunta sa coffee nook at nagsimulang maghanda ng kape ng hari...
^^^^^^^^
Kody's POV
Kapag wala daw ang pusa... naglalaro ang daga.
So true.
Napangiti ako lalo na nang naglevel-up ako sa computer game na kanina ko pa pinagkakaabalahan sa laptop ni Thorne.
Kanina pa siya umalis nang walang sinasabi kaya inaliw ko na lang ang sarili ko dito.
Pero dumating na lang ang hapon at wala pa din siya kaya nag-f*******: na lang ako at nang magsawa ay kung anu-anong s-in-urf sa net.
At isang website ang nakakuha ng atensyon ko kaya lalo ko nang hindi namalayan ang oras. Busy ako sa pagja-jot-down ng mga information na nasa website nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Thorne.
Buti na lang hindi ako matarantahin at bago pa siya nakalapit sa mesa ay na-exit ko na ang tab at ibinalik sa site kung saan ako naglalaro kanina. Pasimple kong tinago ang papel na sinusulatan ko kanina.
Tiningala ko siya at nginitian. That's my usual reaction whenever I see him frowning in irritation. Wala lang, pang-asar lang.
"What do you think you're doing here, Kody?"
(-____-)
"Pinapatay ang mga zombies, Thorne---Hey!"
Lumigid siya sa likod ko at bago pa 'ko makakilos ay mabilis niyang pinatay ang laptop. Ano bang problema nito?
"Tumayo ka dyan." utos niya. Halatang galit...
Ano na namang ginawa ko?
Dahan-dahan akong tumayo at tinulak papunta sa kanya ang swivel chair niya. "Sa'yo na! Nakikiupo lang ako eh." kala mo naman aagawin ko sa kanya ang kompanya niya. I pout. Hindi ako papakatigatig sa inis sa mukha niya.
"Ano pang ginagawa mo dito, kody? Bakit wala ka pa sa bahay?"
"Ano bang sinasabi mo? Syempre nagtatrabaho." sarcastic kong sagot. Clueless pa din sa init ng ulo niya.
"You're not, dahil wala naman akong inuutos sa'yo."
"Ano bang problema mo? Bakit ka bad trip?"
Hindi siya nagsalita at ikiniling ang ulo sa direksyon ng pinto para utusang sumunod ako sa kanya.
Nasa elevator na kami nang matigilan na naman ako. Hindi ko siya hinihiwalayan ng tingin at baka ikulong na naman niya 'ko dito.
Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa likod niya kaya lumingon siya sa'kin.
"I told you, kody, hindi ko gustong makulong ka dito dati at hindi na mauulit 'yon."
I just shrugged. "Bakit nga pala parang galit na galit ka kanina? As far as I know, wala naman akong ginagawang masama, wala din akong sinsaktang matanda at wala din ak--"
"Dahil hindi ka pa umuuwi." putol niya sa sinasabi ko.
Ako naman ang nangunot-noo. "Bakit naman kasi ako uuwi eh hindi mo pa naman sinasabi?"
"Yeah, pero naisip mo sana na alas-nueve na ng gabi at dapat umuwi ka na kanina pa. Kahit hindi ko sinasabi."
Hmmm.. Talaga? Inabot na 'ko ng gabi? Kaya pala nagugutom na 'ko. "Eh di isipin na lang natin na nag-overtime ako."
He smirked. At halata pa ding bad-trip.
Napailing na lang ako sa kabaliwan ng lalakeng 'to at tinitigan ko na lang ang repleksyon naming dalawa sa salamin ng elevator.
^^^^^^^^
Thorne's POV
Naiinis ako.
Mas sa sarili ko kesa sa babaeng katabi ko.
Bakit hindi ko naisip na maaring hindi pa umuwi kanina si Kody?
Siguro dahil sanay na ko sa pagiging pasaway niya at pinagpalagay ko na kanina na umuwi na siya dahil sa sobrang inip.
Pero iba nga pala ang wavelength ng utak niya.
I sighed. May tinagpo akong ilang businessmen sa isang restaurant kaninang hapon at inabot na kami ng gabi sa pag-uusap at dahil malapit lang ang restaurant sa bahay ay dumiretso na 'ko ng uwi sa pag-aakalang nakauwi na din si Kody.
At handa na sana 'kong matulog nang hindi ko matiis na hindi kumatok sa kwarto ni Kody at gumawa ng kung anong dahilan para lang makita siya bago matulog. And that was when I found out that she was not yet at home.
At habang minumura ko ang sarili ko habang papunta dito ay naabutan ko lang siyang naglalaro ng computer game at parang walang kamalay-malay sa mundo...
I heaved a sigh again. Napatingin ako sa salamin sa elevator at nakita kong pinakakatitigan niya 'ko habang nakakunot-noo.
"What?"I asked her.
"Bakit naka-boxer shorts ka lang, Thorne?"
I didn't answer and wanted to curse myself again.